CHAPTER 68

331 13 0
                                    

AIRA'S POV

Natahimik ang lahat sa ginawang pagtatanong ni Barry kaya naman tila nakahalata na s'ya at hindi na inabangan kung ano ang isasagot ko. Ang epic naman kasi ng tanong n'ya. Sobrang hindi s'ya updated sa aming dalawa.

"I'm here!" sagot ng hindi ko inaasahang boses.

Nakangising dumating si Nico sa session hall kasama ang isang babaeng hindi namin kilala. Tumayo ako sa aking kinauupuan para salubungin s'ya at para narin mayakap s'ya ngunit bago ko magawa ito ay mariin n'yang hinawakan ang kamay ng babaeng kasama at pinagsalikop ang kanilang mga daliri.

"By the way, s'ya nga pala si Michelle. My new found love." proud n'yang sinabi. Parang tinusok ng matalim na kutsilyo ang aking puso sa aking narinig, matamis na nagtinginan ang dalawa sa harap naming lahat. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata na nagbabantang pumatak anu mang oras.

Gusto kong maniwalang nagsisinungaling lang s'ya. Gusto kong maniwalang palabas lang ang lahat. Tinitigan ko s'ya ng matagal na matagal at naramdaman kong parang hindi na s'ya yung Nico na nakilala ko. Para bang nakatingin ako sa ibang tao.

"Hi." binati ni Jeremy ang babaeng ipinakilala sa amin ni Nico para basagin ang ilang minuto ng katahimikan.

"Hello, nice to meet you." tugon naman ni Michelle. Isa isa naring nakipagbatian ang aming mga kaibigan sa kanilang dalawa na tulad ko ay hindi parin makapaniwala.

Dumaan silang dalawa sa aking harapan para makipagbeso kay Jackie na buhat ang inaanak namin. Hindi parin natatanggal ang pagkakahawak nila nang kamay hanggang sa makarating sila sa hapag.

"Akala namin hindi ka na makakarating. Bakit mo pa ipinadala sa iba ang regalo mo?" Sinundan silang dalawa ni Ken sa lamesa at inabutan ng plato.

"Yun nga ang gusto kong isipin n'yo, na hindi ako makakarating." aniya. Hinintay n'yang makatapos sa pagkuha ng pagkain ang sinasabi n'yang "new found love" n'ya bago pumwesto sa isang round table malapit sa akin. Simula nang dumating s'ya ay hindi man lang n'ya ako tiningnan.

Pinanood ko silang kumaing dalawa habang unti unti akong kinukumbinsi sa katotohanan ng kanilang ipinapakita. Unti unti naring sumasama ang aking pakiramdam at hindi na kinakaya ang eksenang aking kinalalagyan.

Tahimik akong umiiyak palayo sa kanilang lahat. Nararamdaman ko ang pasimple nilang pagtingin sa akin at ang pamata nilang pag uusap.

Para akong baliw na hindi alam kung ano na ang tumatakbo sa isip ko. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako. Kung ano ano narin ang tumatakbo sa isip ko tungkol sa kanilang dalawa. Kung paano sila nagkakilala, kung ano ang nagustuhan ni Nico sa kanya, kung paano agad nilang naramdamang mahal nila ang isa't isa at kung ano ano pa.

Sinisigaw ng puso kong hindi s'ya mahal ni Nico pero kinokontra naman ito ng utak ko na nagsasabing hindi gagamit si Nico ng ibang babae para lang kalimutan ako.

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay hindi ko man lang magawang sumigaw. Kahit ang walang tigil na pagluha ko ay walang tunog. Awang awa ako sa sarili ko dahil sa ilang buwang wala s'ya ay mahal ko parin s'ya pero s'ya tila nakamove on na.

"Naniniwala akong hindi ka kayang ipagpalit ni Nico. Don't worry Aira, aayusin ko lahat ng gusot na ginawa ko." Hindi ko man lang napansing nasundan n'ya pala ako hanggang dito.

"Leave me alone." sambit ko. Hindi gumalaw si Jian sa sinabi sa halip hinawakan ang kamay ko para isama ako pabalik.

"Jian, pabayaan mo ako please lang!"

"Hindi pwede. Paano kung may mangyaring masama sa'yo? Aira, hindi ayos ang kalagayan mo." pamimilit n'ya. Marahas kong tinanggal ang aking kamay sa pagkakahawak n'ya. Hindi magandang ideya ang paglapit n'ya sa akin lalo pa ngayong muling nagbalik si Nico.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon