NICO'S POV
Gumuho nalang bigla ang mundo ko kasama ng mga pangarap ko para sa aming dalawa. Ginawa ko naman lahat para sa kanya pero bakit parang kulang na kulang pa!?
"A-anong gusto n'yong background music?" at nang sabihin ko ang mga salitang ito ay gulat na nilingon ako ni Aira. Napakasinungaling n'ya. Pinagmukha n'ya lang akong tanga.
Pinipilit kong ayusin ang aking sarili sa kabila ng aking nakita. Gusto ko na lang lumayo sa kanila at hindi na sila makita pa kahit kailan. Pero ang masakit, sa kabila ng ginawa n'yang panggagago sa akin ay hindi ko man lang s'ya magawang sigawan... hindi ko parin s'ya kayang saktan. Ang tanga ko. Pagdating sa kanya ang hina hina ko.
Tahimik akong lumabas ng bahay at ang tangi ko na lang naririnig ay ang mahina at dahan dahang pagkawasak ng aking puso. Para akong malalagutan ng hininga. Ilang sandali na lang at baka mawala na ako sa sarili kong sistema.
"Nico! Nico! Let me explain! Pakinggan mo naman ako!" sigaw n'ya habang pilit akong hinahabol. Wala na s'yang dapat pang ipaliwanag dahil sapat na sapat na ang mga nakita ko. Hindi naman ako bobo para hindi ko yun maintindihan. Magsama silang dalawa! Wala na akong pakialam!
Marahas kong binuksan ang pintuan ng aking sasakyan at agad itong pinaandar ngunit hindi pa man ako nakakalalayo ay bumalandra s'ya sa aking harapan. Umiiyak s'ya at nagmamakaawang buksan ko ang pinto.
Ayoko s'yang makita. Ayoko s'yang kausapin. Hindi ko na hahayaang dagdagan pa n'ya ang mga panloloko n'ya sa akin. Pinaandar ko ang aking sasakyan pero muli ay agad akong nagpreno nang harangin n'ya ako.
Puno ng galit na pinatunog ko ang busina nang hindi parin s'ya umaalis sa aking harapan. Gusto ko nang makalayo pero hindi ko yun magawa dahil pinipigilan n'ya akong umalis.
"Putang ina! Magpapakamatay ka ba ha!?" hindi ko na napigil ang aking sarili at napamura na lang bigla. "Umalis ka na! Sumama ka na sa kanya! Kahit pa magpakasal kayo wala akong pakialam! O kahit mamatay pa kayo ng sabay!" walang prenong lumabas ang masasamang salita sa aking bibig ngunit tila may matinding kirot ang tumama sa aking dibdib nang sabihin ko ang mga ito.
"I'm sorry Nico. Hindi ko gusto ang mga nangyari! Hindi kita gustong saktan! Believe me Nico... ikaw lang! Sorry sorry..." Lumupagi s'ya sa sahig at nag iiyak. Bakit ba s'ya umiiyak? Hindi ba't dapat maging masaya s'ya dahil sa wakas ay magkakasama na sila dahil hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya?
Lumabas ako ng sasakyan para alisin s'ya sa gitna ng kalsada. Hinila ko s'ya para itayo at nang tinalikuran ko na s'ya ay niyakap n'ya ako at patuloy na nag iiyak sa likuran ko.
"Bitawan mo ako. Tigilan na natin 'to." Matigas kong tinaggal ang mga kamay n'ya sa pagkakayakap sa akin at dahan dahan ko s'yang hinarap at sinabi ang mga salitang alam kong matagal n'ya nang gustong marinig. Alam ko na kung bakit, siguro nahihiya s'yang iwan ako kaya hinihintay n'yang ako mismo ang gumawa para sa kanya.
"Let's break up. Ayoko na. I'm done, Aira." napatungo ako at kusang tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigil.
"H-hindi mo na ba ako mahal? Ganun na lang ba kadali 'yun? Hindi mo man lang ba ako pakikinggan? Kasi Nico, maniwala ka man o hindi... wala akong ibang mahal kundi ikaw. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Jian pero-----"
"Kahit ano pang sabihin mo hinding hindi na ako maniniwala sa'yo. Ilang beses mo na ba akong pinaasa, Aira? Wag na nating patagalin pa dahil dun din naman papunta 'to. Tama ka, mahirap ka nga pala talagang mahalin... Sana pala hindi ko nalang sinimulan. Sana hindi ko na lang naramdaman lahat ng ito sa'yo." Malungkot na napaupo ako sa harapan ng aking sasakyan at matiim na kinakagat ang aking labi para pigilan ito sa pangangatal. Sa sobrang sakit ng ginawa n'ya sa akin ay parang habangbuhay ko na itong dadalhin.
"Nagsisisi ka ba dahil nakilala mo ako, Nico?"
"Hindi. Hindi ako nagsisising nakilala kita... Nagsisisi ako dahil hinayaan kitang saktan mo ako. Ng paulit ulit. Kasalanan ko rin pala." pinaikot ikot ko ang susi ng aking kotse sa aking mga daliri upang bumwelo sa gagawin kong pag alis.
"Aira, I'm letting you go... I wanna set you free 'cause I want to make myself happy. At magiging masaya lang ako kapag wala ka na... kapag tuluyan ka nang umalis sa buhay ko." mabigat man sa aking dibdib. Alam kong hindi s'ya sa akin sasaya. At hindi rin naman ako magiging masaya kung mananatili s'ya nang hindi ako ang gusto nyang makasama.
"Dear, wag mo naman akong iwan... Sinasabi mo lang 'yan dahil galit ka diba!? Paano na tayo? Nico, please don't leave me! Mahal na mahal kita Nico! Wag mo namang gawin sa akin 'to!" Mariin n'yang hinawakan ang aking mga kamay habang patuloy paring lumuluha.
"Dear? You don't dear the people you destroy..." bumitaw ako sa kanyang pagkakahawak at walang ganang pumasok sa loob ng aking sasakyan.
Hindi na dapat pakinggan ang mga bagay na hindi totoo. Hindi na dapat gawan ng paraan ang mga bagay na wala nang pag asa.
Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa napagod narin ang sarili ko. Nang matapos akong magpahangin ay pinuntahan ko ang mga kaibigan ko sa pantalan para sabihin ang mabuting balita. "Malaya na ako." sabi ko sa mga kaibigan kong naghihintay sa akin. Kinuha ko ang singsing sa aking bulsa at itinapon ito sa lawa.
"Anong ginawa mo!?" tanong ni Macky. Nagulat silang lahat at natigil sa kani kanilang ginagawa. Puno ng dekorasyon ang floating restaurant at tinatapos nalang nila ang paghahanda ng pagkain.
"Hindi ko na yun kailangan." simula ko. "Salamat sa effort n'yo. Thank you talaga. Pasensya na sa abala..." napaupo na lang ako sa sahig at hindi mapigilang napaluha sa harap ng aking mga kaibigan.
Paalam na, Aira. Paalam na sa ating pag ibig na minsa'y pinag isa. Kahit hindi na ako sigurado kung minahal mo nga ba akong talaga.
AIRA'S POV
Nasaktan ko na naman s'ya nang hindi ko sinasadya. Mahal na mahal na mahal ko s'ya at kung kailan parang okay na ang lahat ay saka naman nangyari ang lahat ng ito. Wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko. Bakit kasi ako pinanganak na tanga? Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.
Hindi ako pinatulog ng nararamdaman ko. Magdamag lang akong walang tigil sa pag iyak at pagdadasal na sana nananaginip na lang ako. Sana hindi nalang totoo ang lahat.
"Anak, tumahan ka na.. lalaki lang 'yun." pag aamo sa akin ni Mommy Halos hindi ko namalayang umaga na at naghihikahos parin ako sa labas ng bahay para hintaying bawiin ni Nico ang mga sinabi n'ya.
"Hindi s'ya basta lalaki lang, Ma. Iba si Nico... hindi s'ya katulad ng iniisip mo." Matamlay akong nagpunta sa rooftop at mas lalong bumigat ang aking pakiramdam nang makita ang aking pinaghandaan... ang mga nasirang plano para sa aming dalawa. Hindi ko inaasahan 'to. Hindi ko ineexpect na maglalaho na lang bigla ang lahat ng ganung kabilis.
"Fix yourself, Aira. Puntahan mo s'ya. Subukan mo dahil baka maayos pa." Niyakap ako ni Ping at pati narin ni Jane na hindi na nakauwi sa bahay nila sa pagbabantay sa akin. Magdamag silang nag aabang sa sala at pilit akong inaamo para pumasok sa loob.
"Tama ka. Never give up." Napabuntong hininga ako at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Hindi ko susukuan si Nico. Hindi ko hahayaang hanggang doon na lang.
Nagmadali akong pumunta sa bahay nila at naabutan ko ang Tita n'ya at si Happy sa kanilang bakuran. Nakita nila ako at nag iba ang timpla ng kanilang mukha.
"Umalis na s'ya. Hindi n'ya sinabi kung saan s'ya pupunta." wika ng kanyang Tita bago tuluyang pumasok sa kanilang bahay.
"Gusto ko lang magpaliwanag kay Nico. Happy, tulungan mo naman ako... Gusto kong magkaayos kami ni Nico."
"Sorry, Ate Aira... hindi ko alam kung kailan s'ya babalik o kung babalik pa ba s'ya." Tinalikuran ako ni Happy at sumunod sa tila naiinis n'yang ina sa pagdating ko. Nakita ko mula sa bukas na bintana ng kwarto ni Nico ang aparador n'yang bukas at wala na ngang laman. Pati sa garahe ay wala na ang kanyang sasakyan.
Umalis na nga s'ya. Pero saan kaya s'ya nagpunta?
---------
#NLTMPaalamNa?
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...