CHAPTER 27

495 24 15
                                    

JIAN'S POV

"Pre, kayo na ni Bryan ang bahala sa mga model ha, magsisimba lang ako..."

"Weh...? Magsisimba ka? Bakit may relihiyon ka ba?" nagdududang tanong ni Phil

Hindi naman talaga ako sumisimba kasi yung last time na pumasok ako sa church ay nung first communion ko pa.

"Oo... sige na, I gotta go." oo alam kong nakakapagduda.

Today is Sunday. Hinihintay ko si Aira dito sa living room kasi sabi ng lola n'ya nagbibihis pa raw s'ya.

I was thinking kung saan ko s'ya pwedeng dalhin right after the mass kasi wala naman s'yang work ngayon.

"Good morning, King..." bati n'ya.

Natulala ako nang makita ko s'ya. Para bang nagslow-mo ang paligid ko at napatitig nalang ako sa kanya.

She's wearing a salmon colored dress and a sling back heels. Perfectly matched with her curls.

Ang ganda n'ya.

"Good morning, Kingggggggg!!!" pag uulit n'ya.

"Good morning, your highness... shall we go?"

"Let's go..." excited n'yang sabi.

Maghawak ang aming kamay habang papalabas ng bahay. Feeling ko isa akong teenager na first time makipagdate dahil sa chills that I feel inside of me.

I've had three girlfriends before and if given a chance, she'll be my fourth. I don't know why I feel this way kasi para bang hindi ako 'to. Feeling ko bata ulit ako.

"Ano ka ba, King... wag kang matulog..." bulong n'ya.

"Hindi ko natutulog, nagwiwish ako." sabi ko habang nakapikit.

Sana palagi s'yang masaya. Sana s'ya na talaga... At kahit anong mangyari sana hindi s'ya bumitaw para sa aming dalawa... Sana...

Pagmulat ko s'ya naman 'yung nakapikit. Nagwiwish rin kaya s'ya?

Nagbuntong hininga s'ya at pagkatapos ay iminulat ang kanyang mga mata. Sumaglit s'ya ng tingin sa akin sabay ngiti. I feel so blessed...

Pagkatapos ng mass, we went to Cavanae's para maglunch. Isa itong European style restaurant owned by my best friend, Jeremiah.

"One sailor's pie, two mitternachtsuppe and dublin coddle.." sabi ko sa waiter.

"Feeling ko nasa castle ta'yo..."

"You should really be in a castle 'cause you're a Queen..."

"Hayyy...palagi mo nalang tinutupad ang mga pangarap ko.. Noong bata pa ako gusto ko lang maging prinsesa pero ngayon, isa na akong reyna!" para s'yang batang nag iimagine.

"You deserve it...." I winked.

Inilapag ng waiter sa lamesa ang mga pagkain at binubuan ang baso namin ng white wine.

"I still remember nang una akong makatikim ng dublin coddle. Akala ko sa Belgium lang meron nito. Favorite ko pa naman 'to..."

"It's actually from Ireland... Favorite ko rin 'to kasi my grandma used to make some of these when I was a kid.."

"Lola's boy ka ba?" tanong n'ya

"Sobra... kaya lang wala na s'ya. She passed away two years ago.."

Lumapit sa amin ang mga musicians para tumugtog ng romantic music habang kumakain kami.

"Nakakainlove naman..." sambit n'ya habang nakahalumbaba.

"Ako...?"

"Yung music...pero pwede narin." she smirked.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon