CHAPTER 63

336 12 2
                                    

NICO'S POV

We're done. So freaking done. After what happend, akala ko wala akong ibang mararamdaman kundi sakit at regret. Akala ko paiiralin ko na naman ang katangahan ko at paniniwalaan s'ya dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya pero ngayon parang wala akong maramdaman.

Tila ba namanhid na lang ako sa katotohanan. Tila ba natabunan na lang ako ng galit sa hindi ko na mabilang na dahilan. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay gusto ko na s'yang kalimutan. Tama na. Wala nang patutunguhan pa.

"Aside from singing, may iba ka pa bang kayang gawin? You have good looks, why not try acting? Or... modeling, maganda ang katawan mo... not so big, not so small. Nice cuts." Nasa house party ako ngayon ng manager ko kasama ang iba pang mga talent kung saan kaliwa't kanan ang mga bosses at film makers, composers and iba pang celebrities.

"Uhm. Actually, hindi ko naman po balak magtagal. I'm not really into this. Gusto ko lang magtry. Get a new life... breath fresher air. Have fun." napangiwi s'ya sa sinabi ko. Ang bobo kasi ng sagot ko. Para ko narin sinabing gusto kong magsayang ng oras dito.

"So bakit ka pa nandito? Have fun? Breath fresher air? Sana nagpunta ka na lang sa beach.... Kidding." Inabutan n'ya ako ng vodka which is pang walong bote ko na ngayong gabi. Ewan ko pang sampu na ata.

"Well, hindi ka naman nakakasigurado. Malay mo yung balak mong temporary lang maging permanent. By the way, narinig ko yung mga kanta mo. Ahm... masyado ka naman atang senti? Ang advice ko sa'yo, kailangan mo nang lumabas ng comfort zone mo. Sa sobrang dami nang senting singer ngayon hindi ka na nila madidistinguish. Sabi mo nga you wanna try something new, be bolder. A little bit fiercer. Baka mas kagatin ka ng audience mo." Tinapik ni Sir Jayson ang balikat ko bago ako iwan para makipag usap kay JC isang film maker na kararating lang.

Gusto kong ienjoy ang gabi ko. Ayoko namang magpakamiserable sa pakikipaghiwalay sa kanya habang s'ya nagsasaya kasama ni Jian. Panahon na nga siguro para magcreate ako ng bagong ako. Yung hindi boring, yung hindi plain. Yung hindi si Nico.

Si Nico na hindi sapat.

"Give me that. Hindi ganyan ang tamang paraan ng paglalasing." Lumapit sa akin si Michelle at pinuno pa ng alak ang baso ko. Malaya s'yang umiindak kasabay ng malakas na tugtugan at walang pakialam sa halos mahuhubad n'ya ng damit.

"I can't believe you're a drunkard. Umuwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng nanay mo." pagbibiro ko. Natawa lang s'ya sa aking sinabi at humalumbaba sa aking harapan. Pawis na pawis ang kanyang katawan at namumula na ang kanyang mukha.

"Do you really think my mom will get at mad me? You don't know her. She's an ass. Mas malakas pa s'yang uminon kaysa sa akin." Marahas n'yang ininom ang alak na kanyang hawak at hindi sinasadyang natapon ito sa kanyang suot. Hindi ko sinasadyang napatitig ako sa kanyang dibdib at makurbang katawan at tila ba naakit sa kanyang napakainit na boses.

"You're really beautiful when wet." Hindi ko sinasadyang nasabi. Iniisip ko lang naman ito ngunit biglang lumabas sa bibig ko. Para bang kumalat na ang alak sa aking sistema at nag iiba na ang kasta ng aking nararamdaman.

"Is that a compliment or an invitation?" Inilapit n'ya ang kanyang labi sa aking tenga para ibulong ito. Nung una ay hindi ko naintindihan ngunit nang hawakan n'ya ng kanyang mainit na palad ang aking balikat ay naintindihan ko na.

"You are cordially invited." Hinawakan ko s'ya sa kanyang bewang at lumayo kami sa karamihan. Mariin ang pagkakadikit ng katawan namin sa isa't isa at parang isang kisapmatang tinawag akong bigla ng tukso. Ano ba tong iniisip ko.

Iniabot ko sa kanya ang bote ng beer na nadala ko mula sa counter ngunit hindi n'ya ininom ito. "Pag may alak, may balak." itinapon n'ya ito sa aking suot ng damit pati narin sa aking pantalon.

"Now we are both wet." panunukso n'ya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya mabilis ko s'yang kinaladkad patungo sa isang bakanteng kwarto at doon nagawa ko ang isang bagay na malayong malayo sa pagkatao ko.

Hinalikan ko s'ya bunga ng mapanlinlang kong emosyon at nagpakalunod sa kanyang nakakapagkasalang paghalinghing. Nabuhay ang aking pagkakalalaki at tila wala nang balak magpakatino pa.

Mabilis n'yang tinanggal ang aking damit at ipinagpatuloy ang pagkakanulo ng kanyang sarili. Hindi ko na makontrol ang sarili ko at sinabayan na s'ya sa lahat ng kanyang ginagawa ngunit naputol ang aming pagsasalo when she was about to undress herself.

Mali ito. Hindi ko dapat ginagawa ito. Nakaramdam ako ng guilt bigla. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ayoko s'yang paglaruan. Hindi ko s'ya dapat gamitin para sa pansamantalang kaligayahan.

Binato n'ya ako ng isang maliit na sachet at mas lalong umurong ang aking isip nang mabasa ko ang nakasulat.

"Condom 'yan. Parang nagulat ka!? First time mo bang makakita?" Alam kong nagbibiro lang s'ya ngunit ang hindi n'ya alam ay first time ko naman talaga.

Naririnig ko lang ito sa usapan nila Zach at Tungsten at kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na gagamitin ko ito.

"Hey. I want you to undress me." dumapa s'ya sa ibabaw ng aking katawan na ngayon ay nagbalik na sa kanyang sarili. Shit. Paano ko sasabihing ayaw ko pala?

Kusang pumaling ang aking mukha nang muli ay binalak n'ya akong halikan. Naala ko na naman si Aira. Yung mga mata n'ya... Yung mga ngiti n'ya. Dahil doon ay tila nakahalata na s'ya. Umupo s'ya sa gilid ng kama at inayos ang kanyang buhok.

"It seems like you're thinking 'bout someone else. You don't want to do it with me right, Nick?" she chuckled. She held my hand trying to lift me up.

"Bumangon ka na. Wag nating hintaying maging ackward ang eksena." sabi n'ya bago tuluyang lumabas ng pinto. Nahiya ako sa aking sarili bunga ng aking kahinaan.

Nanghina ako sa wala at parang hindi lalaking hindi man lang nanghinayang sa isang pagkakataong hindi sasayangin ng iba.

"Ang labo mo, Nico Suarez." sabi ko sa aking sarili.

Isunuot kong muli ang aking damit na pinulot ko sa sahig at bumalik kasama ng karamihan. Nilingon ko ang paligid para hanapin si Michelle at nakita ko s'yang nakaupo at patuloy parin sa pag inom.

Nakita n'ya akong nakatingin mula sa malayo at sa kabila nang ginawa kong pambibitin sa kanya ay tila ba walang nagyari. Kinindatan n'ya lang ako. Ang weird n'ya.

Hindi ko na tinapos ang party at umuwi narin ako sa apartment na aking tinitirahan sa QC malapit sa talent agency. Walang ibang may alam kundi si Macky at nangako s'yang hindi muna n'ya sasabihin kay Happy.


#NLTMNotRightButIt'sOkay

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon