CHAPTER 14

676 52 14
                                    

Maaga pa kami dito sa Cafe B dahil dito ang tagpuan naming lahat. Naunang dumating si Jane at Macky at ilang sandali pa dumating narin si Tungsten kasama ang girlfriend n'yang si Genevieve. 2 am ang usapan pero wala parin 'yung iba.

"Hindi ba nila naiisip na dadaan tayo sa traffic capital of the Philippines?"

Kung naiisip lang sana nila na palaging traffic sa Bauan kaya dapat silang magmadali. Yung feeling na ten pesos lang ang pamasahe sa jeep at malapit lang ang pupuntahan mo pero aabutin ka ng tatlong oras sa byahe.

"Sorry I'm late." wika ni Ally na hindi pa nakakasuklay ng buhok.

"Guys, nagtext si Jeremy puntahan nalang natin sila kasi dadaanan rin naman ng bus ang mga bahay nila." sabi ni Tungsten habang dinadala ang mga gamit ni Genevieve sa bus.

Hindi ko alam kung sino mga kasama at hindi narin ako nagtanong dahil makikita ko rin naman sila.

"Let's go?" tanong ni Jian.

"Wait, uubusin ko lang 'tong coffee ko."

Paakyat na ako ng bus nang dumating si Nico at ang pinsan n'yang si Happy. Agad namang n'ya akong sinalubong at sinabayan sa pagpasok sa bus.

"Queen, inaantok ka pa ba? Matulog ka muna malayo pa ang byahe." tanong ni Jian habang inaayos ang mga bag namin.

Tumabi ako sa kanya at sinilip si Nico. Nagfake s'ya ng smile at naupo sa likuran namin kasama si Happy. Awkward.

"Sige, ikaw rin matulog ka muna."

Ipinatong n'ya ang ulo ko sa balikat n'ya para makatulog ako ng kumportable. Nakapikit lang ako pero hindi ko pa talaga kayang matulog dahil sa kape na ininom ko.

"Hey dude..." bati ni Nico kay Jeremy na kasasakay lang ng bus. Sumilip ako sa lalaking kasunod n'ya at nagulat ako nang makita ko si Ken.

"Kamusta kayo?" bati n'ya

Natigilan naman si Jackie sa pangungulit n'ya kay Cole nang makita ang kanyang ex.

Awkward again.

Magkatapat lang sila ng seat ni Jackie kaya naman itong si Jackie halatang hindi mapakali.

Nasundo na namin 'yung iba at nag stop over muna kami sa Caedo para bumili ng lunch at snacks para kainin sa mahaba naming byahe.

"Pwede pa ba akong sumama?"

Lumingon ako at natigilan nang makita ko s'ya. Ang ex bestfriend kong si Ivy, pero mag isa lang s'ya. Walang Tristan na nagpakita.

Awkward 3x.

Hindi ko s'ya pinansin at tinuloy ang pagnguya. Sa totoo lang kumakabog ang dibdib ko at para bang sasabog nang makita ko s'ya.

Act normal. Yan ang nasa isip ko kahit imposibleng mangyari dahil matagal nang hindi normal ang lahat between the two of us.

Seventeen lang pala kami at infairness mas marami compared last year.

Dave & Jane <---->Jessa & Zach
Tungsten & Gen <---->Aira & Jian
Macky & Ally <---->Happy & Nico
Jackie & Cole <---->Ken& Jeremy
Ivy

Yan ang sitting arrangement namin sa loob ng bus. Ngayong araw kami ang team awkward.

Anim na oras ang byahe kaya naman 10 am na kami nakarating sa aming desination which is the Minalungao River of Nueva Ecija.

"Ladies and gentlemen, welcome to Minalungao River! Una po sa lahat ako nga pala ang inyong tour guide na si Kuya Joe, so ready na ba kayo?"

"Ready na..."

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon