I crushed him daw? Nah, ayaw kong gawing big deal ang conversation na 'yun kaya naman nang sabihin niya sa aking "You crushed me", I just rolled my eyes. Naupo kami sa table number 7 at nilapitan kami ng waitress para abutan ng menu.
"Ms, dalawang steak, dalawang gelato, isang iced tea at isang orange juice."
Hindi man lang niya ako tinanong kung anong gusto ko. Pero okay lang, treat niya 'to kaya bahala siya."Hindi ka naman kumakain ng chicken diba kasi may allergy ka? Ayaw mo rin ng softdrinks, so ikaw na bahala kung anong mas prefer mo between iced tea and orange." Sabi niya habang binabalik sa waitress ang menu.
Hmmm. Saan naman n'ya nakuha ang mga impormasyong iyon? Is he stalking me?
"Thank you, medyo okay na ako sa chicken ngayon. Paano mo naman nalaman?"
"Never kang nagbaon ng chicken since Kinder at palaging chocolate drink ang nasa tumbler mo, kaya nung umorder ka Mcdo ng crispy chicken sandwich at coke float, kinain ko. Ang sweet diba?"
Nagpeke ako ng tawa saka nilantakan iyong mga pagkaing inorder n'ya. Ang kapal.
First time kong magtry ng steak at masasabi kong last na ito. Hindi naman pala masarap, parang hilaw. Pero patuloy parin ako sa pagkain pero hindi ko nginunguya, nilulunok ko agad. Medyo makunat pa naman ito kaya nahihirapan akong kainin.
Ilang beses pang kumawala ang tinidor sa kamay ko dahil sa sobrang kunat ng hinihiwa ko. Omg Aira isa kang hampaslupa.
"Pwede mo namang kamayin, tayo lang naman ang tao dito." sambit niya habang medyo natatawa. Mabuti nalang umalis na yung kumakain sa table number 4 and 11.
"Madalas kaba dito?" tanong ko habang tinitikman ang gelato.
"Hindi, actually first time ko. Pero kung gusto mo pwede nating araw-arawin." sagot niya sa mahina niyang boses. Akala naman niya hindi ko maririnig. "By the way, kumusta na nga pala ang parents mo?"
"Nagmigrate na sila sa Canada kasama ang sister ko at husband niya siguro mga 3 years na." nakakalungkot, namiss ko kasi sila bigla.
"So, ikaw nalang mag-isa? Pero siguro happy ka naman kasi you have your boyfriend with you."
Umiling iling ako saka kinuha ang baso ko para uminom.
"Romance no longer interest me." bitter kong sagot. "It's just hard to find someone who is worth the trouble." I added.
"Nga pala, what happened between you and Tristan?" he asked.
Loko 'to ah, pati naman si Tristan ipinapaalala.
"We fell out of love." pagsisinungaling ko.
Ayaw ko namang sabihin na "Ayun, iniwan ako, sumama sa bestfriend ko." Eh alam naman niyang si Ivy ang bestfriend ko at ayaw ko na silang pag-usapan. Kaya we fell out of love nalang ang sagot ko. Just to make the story short kasi yun rin naman ang meaning 'non."Ah, bakit hindi ka magtry ulit?"
"Hindi pa kasi ako naiinlove ulit. I don't know, bahala na. Pero not now, hindi pa ako ready."
"So, kapag ready kana, what would someone have to do to make you fall in love with him?" he asked.
Bumuntong hininga ako at nag isip. Sa totoo lang wala naman talaga akong standards.
"Simple lang, he just have to be himself. I think that's enough."
NICO'S POV
She's just beautiful beyond words. Just wonderful. Yung brown eyes niya, mataray tumingin pero talaga namang agaw pansin. Aloof parin siya hanggang ngayon, pero okay lang kasi mas maganda siya when she's mad. Nagpakatotoo ako nang sabihin ko sa kanyang crush ko siya noon, pero hanggang ngayon hindi parin niya pinansin. Kahit man lang "ah okay" or "talaga?" pero wala eh.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...