CHAPTER 18

589 54 7
                                    

NICO'S POV

Pauwi na kaming lahat at nandito na kami uli sa mini bus nila Tungsten. Yung mga nag enjoy, nag iingay at kami namang hindi masyadong nag enjoy ay tahimik lang.

"Happy, nag enjoy ka ba?"

"Oo naman, Kuya. Hindi naman ako naout of place kaya nag enjoy talaga ako."

"Mabuti naman, mabait naman kasi sila kaya hindi ka mao-OP."

"Yeah...except kay Macky." sambit n'ya

Kabaliktaran ni Happy ang pangalan n'ya. Hindi talaga s'ya masayahin at madalas seryoso lang talaga s'ya. Ang pinaka ayaw n'ya sa lahat non sense, kaya siguro ayaw n'ya kay Macky dahil most of the time non sense ang mga sinasabi nito.

"Sorry na nga eh. Ayaw mo pa tanggapin." wika ni Macky na nasa likuran lang namin.

"Don't say sorry if you did something intentionally." sagot ng moody kong pinsan.

Binuksan ko ang phone ko para icheck ang facebook ko. Ang daming notifications and messages and I wonder kung saan ito galing lahat. Flood likes? Maybe

"Hi Nico, fan mo ako. Notice me please!" mesaage ng isang girl na ang name ay Jessica.

"Sana makita kita sa personal. Pa FS po kung okay lang. ^_^"sabi naman ni Kathy.

Sino ba sila? Anong meron?

Pati yung notif ko sabog sa kung sino sinong hindi ko naman kilala.

Lowbat na ako kaya naman inoff ko muna ang phone ko. Nabawasan na ang ingay ng mga kasama ko at tanging si Jeremy nalang ang nagsasalita.

"30 minutes lang...bawal na mag extend." wika ni Zach

Nagstop over kami sa 7/11 para maglunch. 3 oras na kami sa byahe pero hindi man lang ako dalawin ng antok. Si Happy naman, kanina pang kinukulit ni Macky at ni Jeremy. Kawawang bata.

"Hi po, pwede po bang magpapicture?" tanong ng cashier.

"Bakit naman Ms.? confused kong tanong.

"Hindi po ba ikaw ito?"

Nasa internet na pala ang video ko habang kumakanta sa Playlist. Now I know. Sino kayang nag upload nito?

"Thank you pogi!" sabi n'ya matapos magpapicture.

Hindi pa man ako nakakalayo sa kahera, may tatlong babae na ulit ang lumapit sa akin para magpapicture.

"Ako po ang number one fan mo." sabi nung girl na nakasuot ng pink cap.

"Dude famous ka na. Pasiopao ka naman!" sambit ni Jeremy.

"Dude alam mo namang ayoko ng publicity!" sagot ko.

Shy type kasi ako. Atsaka hindi ko naman pangarap sumikat or whatsoever.

"Tol, come to think of it, bukas mago audition si Aira at Jian sa Dancing in Tandem. For sure kaya nilang makarating hanggang semi finals. Kapag famous na s'ya hindi mo na s'ya marereach."

"Then?"

"Dude, sikat ka na. Yan ang pantapat mo sa karibal mo. Mayroong Carrot Man, Gasoline Man, tapos pare moment mo na, ikaw si Broken Hearted Man." wika ni Dave.

"Teacher ako at wala akong time sa showbiz." sagot ko.

Ayoko talaga. Kahit ano pang pilit ang gawin nila.

"So? Okay nga 'yon pare. Marami ka nang fans."

Mahilig lang akong kumanta pero hindi naman ako pafamous na tao. Mula pagsakay namin ng bus hanggang pag uwi pinipilit nilang ipush ko ang pagkanta.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon