AIRA'S POV
Lumipas ang isang taon at marami na rin ang nagbago. Hiwalay na sina Shawn at Ping kaya nagsara narin ang bake shop, pending ang annulment case nina Jackie at Cole, at nauna namang nagpakasal sa amin sina Barry at Jane. Nabuntis kasi si Jane pero syempre secret lang 'yon.
Katulad ng ibang relasyon ay dumadaan rin naman kami sa mga pagsubok ni Nico. Nung una ay naging problema namin si Daddy dahil na naman sa usapang kasal. Hindi nagtagal nakilala nang husto ni Dad si Nico at ngayon gustong gusto n'ya na ito at mas excited pa sa kasal namin at nag aabang na ng apo. S'ya rin ang naging tulay namin ni Daddy para mawala na ang alitan naming dalawa.
Dumadaan rin kami sa selosan at tampuhan at ang madalas naming pag awayan ay si Michelle. Minsan kasi sa sobrang pagiging nice guy ni Nico ay nakakainis na. Nakakainis in a way na masyado s'yang lapitin ng mga babae at nakakabother din ang pagiging masyadong 'friendly' n'ya.
"Bati na ba tayo? Hindi naman ako nagsinungaling sa'yo... Naglihim, oo. Ayaw ko lang namang pag awayan pa natin yun eh." pag aamo ni Nico.
"Hmmmm. Kahit pa. Dapat sinabi mo parin!" pag iinarte ko. Nagkibit balikat ako at paulit ulit na umirap sa kanya.
Ihinarap n'ya ako sa kanya at tinitigan ng seryoso. Inilahad n'ya ang kanyang kamay at ipinakita ang singsing na nasa kanyang daliri. "Sa'yo lang ako... Hindi kita ipagpapalit kahit pa kanino..." Pinagsalikop n'ya ang aming mga daliri at nilagay ang ulo ko sa balikat n'ya.
Mabuti na lang at kahit napakaselosa ko ay hindi s'ya nagsasawang intindihin ako. Kahit pa maingay ako at madrama madalas ay palagi s'yang nagpapakumbaba kahit wala naman talaga s'yang kasalanan.
Nalaman ko kasi na pinupursue pala s'ya ni Michelle. Akala ko ay bitch lang ang babae na yun kaya medyo ibang tumingin sa akin. Yun naman pala nafall na s'ya kay Nico at gusto n'ya ay mapunta ito sa kanya.
Nadiskubre ito nang makabasa ako ng iba't ibang message galing sa kanya sa inbox ni Nico. Tulad na lang sa pagkwestyon n'ya sa pakikipagbati ko kay Jian at pagiging malapit sa mga kaibigan at pamilya nito. Nalaman ko rin na muntikan pala silang mag *toot* noon dahil sa mga masyadong obvious n'yang caption sa kanyang instagram para magalburuto at magselos ako. Ilang araw rin akong nagmukmok dahil doon.
Para maging ayos kami ni Nico ay tinapos n'ya ang kontrata sa talent agency at nag apply sa isang public school malapit sa amin matapos makapasa sa LET. Co-teacher n'ya sa eskwelahang iyon si Erika pero dahil mabait naman s'ya at pinong babae ay hindi s'ya ang naging problema ko kundi ang mga estudyanteng babae ni Nico na panay ang pacute sa kanya.
"Ang bongga naman ng gown mo! Pero bakit parang medyo malaki sa'yo? Try mo nga, bes." Inalis ito ni Ivy sa kahon at itinapat sa katawan ko. Agad namang tumakbo nang mabilis si Ping papunta sa amin at hinablot ito sa kanya.
"Ano ka ba naman, Ivy!? Alam mo bang hindi dapat sinusukat ang wedding gown dahil hindi matutuloy ang kasal!?" Niyakap ni Ping ang gown ko at maingat itong inilagay sa hanger.
"Hindi naman totoo yun eh. Yung Tita ko nga tatlong beses sinukat ang damit n'ya pero natuloy parin ang kasal, sus!" sabat ni Jeremy. "Kaya lang naghiwalay rin agad sila after ten days."
Binatukan siya ni Tungsten at tinakpan ng necktie ang kanyang bibig. "Ayos na yung una mong sinabi eh... dinagdagan mo pa!"
Natawa na lang ako sa kanila at napailing. Hindi naman kasi totoo yun. Humarap ako sa isang salamin at pinagmasdan ang aking sarili para tingnan ang mukha kong pinagpractisan ng make up artist na magaayos sa akin sa araw ng aking kasal.
"Apo! Masamang tumingin sa basag na salamin ang mga dalaga pa dahil mawawala ang pagkabirhen bago mag asawa!" sigaw ni Lola. Tinakpan n'ya nang mantel ang basag na salamin sa sala at tinalian ito ng belt na nakasabit sa tapat ng hagdan.
"Ang OA n'yo namang lahat. Nasa akin naman yun eh kung ibibigay ko na!" Natatawa kong sambit. Sa tinagal tagal naming magkarelasyon ni Nico ay hindi naman yun pumasok sa isip naming dalawa.
Sabi nga nila bago ka pumasok sa isang relasyon at bumuo ng pamilya ay mag alaga ka muna ng mga puppies or kahit anong pet. At tutal dahil gustong gusto naman ni Nico na magkaroon kami pitong anak ay ibinigay ko sa kanya ang dalawa kong alagang pusa, isang aso, loro at tatlong kuneho para mapaghandaan ang kanyang magiging role bilang isang mabuting haligi ng tahanan. Gusto n'ya yun eh.
Tuloy tuloy ang treatment sa akin kaya palagay ko ay magaling na talaga ako. Matagal narin kasi simula nang huli akong sumpungin ng pagiging narcoleptic ko pero sabi ng doktor minsan ay bumabalik din ito.
"Lubos lubusin mo na... kasi ito na ang huling gabi na magiging boyfriend mo ako." bulong ni Nico habang nagsasayaw kami sa harap ng mga kamag anak namin.
Nakagawian kasi sa bayan namin na nagkakaroon ng sayawan isang gabi bago ikasal ang mga magkasintahan. Sinasabitan nila ng pera ang aming mga damit at kasabay naming nagsasayaw ang mga dalaga at binatang kaibigan namin.
"Okay lang... I know you'll be the best husband kaya hindi ako manghihinyang kung ito na ang huling gabing magiging boyfriend kita." nakangisi kong sagot.
"What if I fail? What if I can't give you the world? What if hindi pala ako yung gusto kong makasama habang buhay?" tanong n'ya. Seryoso ang kanyang tono at nakatingin lang s'ya diretso sa akin.
"Then we'll start over again. At sa paguulit natin, sisikapin kong maging ikaw parin. You don't have to worry about giving me the world, because you are my world..." nangilid ang luha sa kanyang mga mata at ganon din naman ako.
Hinaplos n'ya ang aking pisngi habang magkalapat ang aming mga noo. Mahigpit ang pagkakayap n'ya sa akin at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Mahal na mahal kita... wag mo yang kakalimutan." sambit n'ya.
"Mahal na mahal rin kita... higit pa sa sapat at labis."
Maagang tinapos ang sayawan para makapaghanda na kami sa aming kasal bukas. Umuwi si Nico sa bahay nila at umakyat naman ako sa bahay para matulog na. Pumikit ako nang may ngiti sa aking labi at naghahalo ang saya at kaba na aking nararamdaman. Bukas kami ay magiging isa... at nangangako akong walang sinumang makakapaghiwalay sa aming dalawa.
#NLTMTomorrow
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...