CHAPTER 25

451 28 1
                                    

AIRA'S POV

Hindi ko inexpect na matindi pala ang tama sa amin ng gatas na 'yon. Nalate ako sa ussual kong paggising plus sobrang inaantok parin ako. Hayst, kung kailan naman hindi pwedeng malate.

"Good morning, my one and only Queen..." bati ni Jian habang nakasandal sa kanyang kotse with his car door open.

"You don't need to pick me up everyday." sabi ko matapos isara ang gate.

"Ayokong magcommute ka. Hindi ka ba nanonood ng news? May driver na nambastos sa passenger n'ya kaya yung girl tumalon sa jeep."

"Okay fine..." I said coldly while going inside his car.

He keeps on talking about the fast approaching semi finals at kung ano ano pa. Sa totoo lang parang tinatanggihan ng tenga ko lahat ng sinasabi n'ya kaya halos wala rin akong naintindihan sa narinig ko.

"Hey Airaaaa." sabi n'ya para makuha yung atensyon ko.

Tila ba naoffend ako ng tinawag n'ya akong Aira. Now I know how it feels kapag hindi ko s'ya tinatawag na King.

"Yes Jian?" sagot ko.

"Listen to me...seryoso ako nang sabihin ko sayong mahal kita. At mas lalong seryoso ako nang sabihin ko sa'yong ayaw kong mawala ka. Kahit na nasabi ko na sa'yo last night uulitin ko parin, this is not the end...it's just the beginning."

Narinig ko na naman yung graduation line na 'yun.

"This is not the end...it's just the beginning? Parang narinig ko na yan sa principal namin."

"Fine, let me change that... We're just getting started."

"I lost my self so many times dahil sa paulit ulit na pagtatry sa relasyong hindi sigurado. Ang mayroon tayo ay napakauncertain. I don't want to lose myself again...  Ayokong mahalin ka tapos bigla ka rin palang mawawala..."

"Queen, trust me..." hinawakan n'ya ang kamay ko at hinaplos ito.

"Late na ako." sabi ko habang nakatingin sa wrist watch ko.

"Thanks for the ride." sambit ko bago ako bumaba

Pagdating ko sa set nagsisimula na ang taping at mukhang galit si Direk. Nakataas ang kilay n'ya sa lead stars habang nakapamewang pa.

"Julius..hindi ko gustong saktan ka. Dahil kung kaya lang sana kitang mahalin higit pa kaysa sa kaibigan, gagawin ko. Pero Julius hindi natuturuan ang puso." linya ni Katelyn, ang leading lady.

"Kung pwede ko lang din sana turuan ang puso ko na hindi nalang ikaw ang minahal ko, gagawin ko. Dahil ayaw kong masayang ang mayroon tayo pero wala parin ako magawa kasi kahit anong gawin ko mahal talaga kita-----" linya ni Darren, ang leading man.

"Cuttttttt!!!!!!!!" naiimbyernang sigaw ni Direk.

"Alam n'yo ba ang boring n'yong panoorin? Before the end of this year ipapalabas sa TV ang show n'yo. Siguro kung hindi ako ang director n'yo, ako ang kauna unahang basher n'yo!" wika ni Direk sabay hagis sa script.

Agad ko namang nilimot ang script sa sahig.

"Ms. A... take charge. Umiinit ang ulo ko sa dalawang 'yan!" sabi ni direk bago magwalk out

"Ahm guys, medyo kulang kasi kayo sa emosyon eh. Try n'yo mag imagine, kunwari kayo talaga 'yung nasa sitwasyon. Ikaw, Katelyn, anong mararamdaman mo kapag nagtapat sa'yo ang kaibigan mo? Ikaw naman, Darren, anong reaksyon mo kapag sinabi ng mahal mo na hanggang friends lang kayo?" sabi ko

Bago lang silang dalawa sa showbiz at isa sila sa sikat na loveteam ngayon.

Ilang sandali pa dumating narin si Nico dahil mamaya gagawin ang music video at ang recording ng kanta n'ya.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon