CHAPTER 48

396 12 2
                                    

NICO'S POV

Sinama ko s'ya dito sa recording studio para ilibot s'ya kung saan ko ginagawa ang mga sinusulat kong kanta.

"Pop filter?" tanong n'ya. Isa yung recording equipment na ginagamit para mafilter out yung so called "popping", which is a low frequency blast of air caused by the pronunciation of "P" and "B" sounds.

"Yeah." I noded. I handed her a piece of paper containing the lyrics of my new composition.

"Bakit 'Unsaid' ang title?"

"Basahin mo..." nakasulat kasi sa lyrics ang mga bagay na hindi ko pa nasasabi sa kanya, the things that I love about her and why I want her so bad.

I love every bit of you
Your eyes, your smile, your existence
Everything about you is almost beautiful
I've been longing for you like a fool

"Para sa akin ba 'to?" pinagpatuloy n'ya ang pagbabasa na tila ninanamnam ang bawat letra.

"Syempre naman. Sino pa ba ang gusto ko, eh di ba ikaw lang?" napangiti naman s'ya at tinitigan ako ng matagal.

"Ahmm... Kapag ba gusto mo ang isang tao, may ayaw ka rin sa kanya?" tumango naman ako. "Well, tell me... Tell me the things that you hate about me."

"I hate it when you do not say what's on your mind. I really hate it. Yung palagi mong sinasabing, ewan ko, siguro, baka, hindi ko alam, hindi pwede pero hindi mo naman sinasabi kung bakit nga ba."

"Ah... so from now on dapat pala sabihin ko na lahat ng nasa isip ko."

Umayos s'ya ng upo at inilagay sa tenga n'ya ang headphones para marinig ang tono ng kanta.

"Anong masasabi mo?" tanong ko.

"Walang buhay." ibinalik n'ya sa akin ang papel at hinubad ang headphones sa ulo n'ya.

"Gusto kong marinig ang version mo mismo. Hindi yung minus one..." she added.

Pumunta ako sa tapat ng mic at sinabayan ang music. Tama nga naman, hindi naman matatawag na musika ang isang kanta kung ipapabasa mo lang.

The way you move
The way you made me feel
I love you and this is all for real

Nakapikit lang s'ya habang pinapakinggan ang pagkanta ko. Yung mukha n'ya... blanko.

Nagustuhan kaya n'ya? Baka para sa kanya medyo corny? Cheesy?

"Ang lamig ng kamay mo. Ganyan ka ba kapatay sa akin?"pagbibiro n'ya. Naninigas talaga ang kamay ko. Hindi ko kasi alam kung naappreciate ba n'ya yung kanta. Kinilig kaya s'ya? O baka wala lang 'yun sa kanya.

"Balaw araw ikaw rin yung magiging patay na patay sa akin." tumabi ako sa kinauupuan n'ya at hinawakan ang mga daliri n'yang kay lambot.

"Nagustuhan mo ba?"

"No... I didn't like it. I loved it." itinaas n'ya bahagya ang kamay kong nakahawak sa kanya at pinagmasdan ito. Hinigpitan n'ya ang pagkakahawak.

Her hand fits in mine like it's made just for me.

"Tinetesting ko lang kung bagay"at kung anong feeling." sabi n'ya habang nililibot ang bawat angulo ng aking kamay.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon