NICO'S POV
Kapag nakita ko s'ya hindi ko talaga s'ya papansinin. Syempre naman, palagi nalang ba ako ang mauuna at palaging mag aadjust?
"Nico, muntik nang mainlove sa akin ang libro kakatitig ko. Sabihin mo na kasi ang sagot. Paki explain please...suko na ako."
"Explain? Di ba kanina ko pa na explain. Para kang si Aira eh, sinabi na, ginawa ko na at pinaramdam ko na pero hindi parin makuha. Magkasama kayo!" pagmamaktol ko.
"Simple lang yan. Parang, gusto mong manalo sa lotto pero hindi ka tumataya. Gusto mong pumayat, pero hindi ka nagdadiet. Gusto mong pumuti pero lagi kang nagbababad sa araw."
"So, anong ibig mong sabihin kulang pa efforts ko?'
"Hindi sa ganun. Oo nag eefort ka nga pero hindi mo naman sabihin direct to the point. Umaamin ka nga pero kelan? Kapag lasing na tapos kinabukasan hindi na maalala? Di ganun dre. Wag kang magsayang ng oras, kung mahal mo harangan mo para wala nang takas, ganern!"
"Hindi pa nga kasi s'ya ready."
"Slow ka rin eh. May kadate araw gabi, yun ba ang sinasabi mong hindi ready? Ikaw rin baka maunahan ka."
Tama sya. Sasabihin ko na at wala nang paligoy ligoy pa. Pero syempre dapat yung tipong masosolo ko s'ya.
Bukas sa Nueva Ecija, walang hadlang at walang Jian. Bwahahaha!
Sumilip ako sa bintana at nakita kong paparating si Aira at ihinatid s'ya ni Jian.
"Hi Nico..." bati n'ya
"Bakit?" tanong ko.
Hindi ko s'ya tinitingnan at nagkukunwaring nagbabasa ng book ni Paulo sa trigonometry.
"Wala naman, bakit masama bang batiin ka?"
Humarap ako sa kanya pero hindi ko s'ya nginingitian. "Hindi naman."
"Okay..."
Umakyat na s'ya sa hagdan papuntang kwarto nga at palihim s'yang tumitingin sa akin. Siguro nakakaramdam s'ya na nagtatampo ako.
"Nico?" sambit n'ya
"Why?" nagbubusy busyhan kong tanong.
"Baliktad yung librong binabasa mo."
Sinilip ko yung cover at halatang halata nga na nagpapanggap lang akong nagbabasa. Naka upside down kasi yung Title.
"Alam ko, tinatry ko lang kung kaya kong magsolve ng equation kahit baliktad."
Reasons.
Huli ka balbon.
"Tsk tsk tsk..." napailing nalang si Paulo sa pagsablay ko.
Better luck next time.
Hindi ba n'ya ako namimiss? Ilang araw ko na s'yang hindi tinetext at hinahatid. Hindi narin ako naglalike ng status nya sa fb. Nagbabakasakali lang naman ako. Baka sakaling mamiss nya ako at marealize nya na ako yung laging nandyan pag kailangan nya ako.
AIRA'S POV
PARTIAL & UNOFFICIAL. Yan ang status naming dalawa ni Jian.
Inabot kami ng 12 am sa bay walk at halos hindi na namin namalayan ang oras.
Pinagmamasdan n'ya ang kanyang kamao at pagkatapos ay tumingin s'ya sandali sa akin.
"Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ko sa kanya nang itapon n'ya ang singsing sa lawa.
"This finger belongs to you remember?" sagot n'ya.
"Pero hindi mo naman kailangang itapon."
Lumapit s'ya sa akin para hawakan ang kamay ko at idinikit ito sa dibdib n'ya.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...