AIRA'S POV
Nakasuot na ako ng apron at handa nang magbake sa kitchen nang biglang hinarang ako ni Ping at Jane.
"Day off mo ngayon marami pa tayong tinapay!" nasa harap silang dalawa ng pinto at nakabuka ang mga kamay na tinatakluban ang daanan para hindi ako makapasok sa loob.
"Okay lang... sa cash register nalang ako." pupunta na sana ako sa tapat ng cash register pero hinarang na naman nila ako.
"Ooooppssss! Wag mong hahawakan yan. Layo! Umuwi ka na! Trabaho ko yan eh..." niyakap ni Ping ang lagayan ng pera at sinenyasan akong lumayo. Anong problema ng mga ito?
"Diretsuhin n'yo na kasi ako... Ano bang trip n'yo ha?"
"Bilang boss mo, inuutusan kitang magtanim ng maraming puno at halaman para makatulong sa ikakagaganda at ikauunlad ng kalikasan nang sa gayon ay mapakinabangan pa ng susunod na henerasyon ang ating mundo!" mala Nora Aunor na sambit ni Ping. Ay iyon naman pala.
Gusto nilang puntahan ko si Nico at samahan s'ya sa tree planting activity nila.
"Sus... no problem. Sana sinabi n'yo na lang agad." sabi ko habang hinuhubad ang apron.
"Very good! Dahil d'yan mayroon kang free cupcake!"
"Wag na... sawang sawa na ako sa cupcakes. Tara, sumama narin kayo." anyaya ko. Ipinuyod ko ng maayos ang buhok ko at naglagay ng konting lip balm.
"Ikaw na lang... kaya mo na ang sarili mo. Alis na... tinatawag ka na ng inang kalikasan!"
"The more the merrier! Tara na!" biglang may pumasok na costumer at umorder ng limang box ng cake.
"Marami pa kaming gagawin ni Jane eh... Diba, Jane busy tayo? Atsaka kailangan natin 'to para sa ekonomiya ng bansa.." toinks. At hindi ko na nga sila pinilit pa.
Pumunta ako sa venue kung saan gaganapin ang tree planting at sina Tungsten, Genevieve at Dave ang unang tumambad sa akin.
"Nandito na pala ang first lady... for sure matutuwa si Nico."
"Nasaan ba s'ya?" tanong ko.
"Nandun sa loob ng tent. Isurprise mo dali!" ani Gen.
Nagpunta ako sa tent na tinuro ni Genevieve at nakita ko si Nico... kasama si Erika.
"H-hello... nakaabala ba ako?" hindi siguro nila inaasahan ang presence ko.
"May padrama drama ka pa... dadating naman pala." wika ni Erika kay Nico. Sinalubong n'ya ako ng ngiti at inabutan ng gloves. "Sana mag enjoy kayo!" pakindat n'yang saad.
"Salamat." wika ko.
Nilapitan ko si Nico na tila hindi alam kung anong sasabihin. "Hello... sorry kung late ako." sambit ko.
"H-hindi... you're just on time." Napangibit s'ya na para bang pinipigil ang malapad na ngiting nagbabadyang ipakita ng kanyang mukha.
"Tara? Samahan mo ako?" anyaya ko.
Kumuha s'ya ng cap sa isang box na pinamimigay sa mga tree planters at inilagay ito sa ulo ko. "Ayan... bagay sa'yo." Kumuha rin ako ng cap para sa kanya at inilagay dito ito sa kanyang ulo.
"Thanks... you made my day." aniya.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo lang naman at dahil medyo awkward na ay niyaya ko na s'ya lumabas.
----
"Ako na d'yan... mabigat yan eh." hawak ko kasi ang malaking lagadera para diligan ang bagong tanim na puno.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...