Mabuti nalang palaging nandyan ang mga kaibigan ko kaya kahit paano nakakarecover na ako sa heartbreak. Siguro nga mas masayang magkaroon ng friends kaysa girlfriend. Besides, wala narin naman akong magagawa kaya kakalimutan ko nalang ang lahat.
"Tungsten, bakit hindi mo isinama ang kapatid mo? Eh di sana may kalaro si Happy." pagbibiro ni Zach
Masyado daw kasing mukhang bata si Happy sa edad n'ya.
"Hindi pwede eh, magpapatuli s'ya."
"Masakit ba magpatuli?" tanong ni Genevieve
"Aba oo naman! Masakit talaga. Tapos sasaktan n'yo lang kaming mga babae. Wag naman uy!" sabat ni Dave
"Ang arte n'yo naman. Eh kami ngang mga babae every month nasasaktan." sambit ni Jackie.
"In short lahat tayo nasasaktan." sabi ko.
"Nico, gaano kasakit?" tanong ni Tungsten.
Ayaw ko sanang magcomment kasi ayaw ko naring pag usapan. Kasi pag pinag uusapan mas lalong sumasakit.
"Magpatuli? Masakit talaga bakit hindi mo ba naranasan?" natatawa kong sabi.
Iniba ko lang ang usapan at sana naman makaramdam sila. Nandito kami sa kubo malapit sa ilog at sabay sabay na kumakain. Syempre nandito sila, si Aira at si Jian.
"Makakasimba pa ba ta'yo bukas, Kuya?" tanong ni Happy
"Oo, may 7pm mass." sagot ko.
"Sasama kami, ipagdadasal ka namin pare." seryosong sabi Zach
Ano ba naman 'yan. Ako parin ang topic.
Nagyaya si Ally magbonfire at pumayag naman sila. Wala pa ako sa mood kaya naman sinabi kong susunod nalang ako.
Sabi nila kailangan mong matakot para mawala ang sakit. Kaya heto ako ngayon nasa tabing ilog at nag aabang ng sirena at di bale na kung meron man o wala.
"Hey. I thought kasama kana nila." bati ni Jian sa akin nang maabutan n'ya ako sa batuhan.
"Nagpapahangin lang muna. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Kailangan kong makahanap ng signal. May hinihintay akong tawag from a client."
Naupo s'ya sa tabi ko at tumingin sa kawalan.
"About Aira, alam kong gusto mo s'ya. At alam kong alam mo rin na ako ang gusto n'ya.."
"At gusto mo rin s'ya. I know." sabi ko
"I trust you. You're a nice guy and I believe it would be just fine if you two will remain friends. Pero kapag kami na, sana matuto kang dumistansya kahit konti lang." seryoso n'yang sabi
Distance? Wow big word.
"Okay." mabilis kong sagot.
"Pare, don't get me wrong. I'm her future boyfriend kaya sana maintindihan mo." mahinahon n'yang eksplanasyon.
"Oo naman. Kasi kung ako yung future boyfriend n'ya, isa lang din ang hihingin ko sa'yo...distansya."
Iniabot n'ya ang kamay n'ya para makipag shake hands as a sign of agreement.
"Kahit papaano hindi naman ako masyadong talo, kasi alam kong pareho tayo ng gusto. Ang maging masaya s'ya, di ba? Kaya sana wag mo s'yang sasaktan...kahit kailan."
"Wala naman akong nakikitang dahilan para masaktan ko s'ya."
"Dapat lang.. kasi nakikita mo 'to?" sabi ko sabay turo sa kamao ko. "Virgin pa 'to kaya sana hindi mo matikman." nakangiti kong pagbabanta.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...