CHAPTER 12

608 54 7
                                    

NICO'S POV

Second day ko na dito sa Playlist at hindi na ako nag attempt na yayain sya'ng manood. For sure busy na naman s'ya at kahit naman may time s'ya hindi parin s'ya pupunta kaya hindi na ako aasa pa.

"We love you, Nico!" sigaw nung mga babaeng nakakaappreciate ng kagwapuhan ko.

"May request ba kayo?" tanong ko sa kanila habang iniisip kung anong sunod na kakantahin ko.

Nagrerequest silang kantahin ko ulit ang "Ikaw Lamang" pero exclusive for Aira lang kantang 'yun kaya naman saka nalang ulit kapag inspired na ulit ako at kapag nanood na s'ya.

Sisimulan ko na ulit ang pagtugtog ng makita ko si Airang naglalakad papasok at naghahanap ng mauupuan. Hindi ako makapaniwalang nandito s'ya kaya naman naexcite ang puso ko at tinugtog ko ang intro ng request ng mga babae dito.

"Ohhh...ohhh oohhoo..." may paadlib adlib pa akong nalalaman para magpapansin kay Aira at malaman nyang ako yung kumakanta.

Nagtagumpay naman ako dahil nakita n'ya ako pero nabigo naman agad agad nang makita ko si Jian na kasama n'ya. Nak nang!

Biglang nagbago ang mood ko dahil sa nakita ko kaya nagbago ang chords ng tinutugtog ko. Lumihis ito kasama ng aking emosyon at nagsimulang kumanta at sinabi ang mga naisip ko.

"Huh ano 'yun?" nagtaka ang mga nakikinig nang mamalayang iba ang kinakanta ko. Nakapagcompose ako bigla ng wala sa oras. Extemporaneous ito at as in hindi pinaghandaan.

Syempre pag ganon naman ang makikita mo mapapahugot ka talaga ng wala sa oras.

The song goes like this...

"Bakit ba hindi mo maisip
na dapat ay ikaw at ako
Uhm malaman mong hindi na mapigil
ang damdamin na alay para lang sa'yo

Lumalayo ka
'Pag ika'y kasama
Ano nga bang problema
Lahat ay ginagawa pero di man lang makita

Paano na walang ikaw at ako?
Kahit magselos ako
Walang silbi 'to...
Paano nga ba tayo
Wala nga bang pag-asa?
Bakit s'ya ang 'yong kasama?
Paano tayong dalawa?

Bakit ba hindi mo maisip
Ako ang nararapat sa'yo
Kahit man lang sa panaginip
Pagbibigyan itong puso ko

Umiiwas ka
Pag nagtatapat na
Ano nga bang problema?
Pilit nang isinisigaw pero para bang mahina

Paano na walang ikaw at ako?
Kahit magselos ako
Walang silbi 'to...
Paano nga ba tayo
Wala nga bang pag-asa?
Bakit s'ya ang 'yong kasama?
Paano tayong dalawa?"

Paano tayong dalawa....?
Paano tayong dalawa....?

*clap clap clap clap*

First time kong makatanggap ng standing ovation sa buong buhay ko pero wrong timing dahil broken hearted ako. Hindi ko tuloy feel.

Bumaba ako ng stage at pumunta sa table kasama nina Tungsten, Jeremy at Macky.

"Hanep 'tol sinong kumanta nun?"

"Ako...!!!!" naiinis kong sagot.

Akala ata ng mga tao dito umaacting lang ako. Paanong hindi ako kakanta with emotions kung harap harapan at biglaang tumambad sila sa harapan ko ha?

Badtrip.

"Tol, dalawang gabi na yang kumakanta dito ng mga kinocompose nya."

Actually hindi compose and tawag dun kundi decompose. Tulad ng efforts kong kasalukuyang nabubulok.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon