CHAPTER 20

481 37 2
                                    

JIAN'S POV

"Good morning po, Lola." bati ko sa lola ni Aira.

"Good morning, kumusta ka hijo maaga ka ata..."

"Mabuti naman po ako, ihahatid ko po kasi si Queen sa office."

Kailangang maaga s'ya makapasok sa work n'ya dahil absent s'ya kahapon. Ayoko namang mapagalitan s'ya ng boss n'ya.

"King....?" sabi n'ya habang may hawak na toothbrush.

Bagong ligo s'ya at hindi pa nakakasuklay. Nagulat s'ya sa pagdating ko dahil hindi ko s'ya nainform gusto ko kasi s'yang surpresahin. Hahaha

"Good morning, your majesty." bungad ko sa kanya.

"Good morning din, King. Wait lang ha...." tumakbo s'ya ng mabilis papunta sa kwarto n'ya.

Siguro nahihiya s'ya dahil naabutan ko s'yang walang kaayos ayos at gulo gulo ang buhok. Okay lang naman sa akin kasi kahit hindi s'ya maligo ng limang taon, maganda parin s'ya.

"Magbreakfast muna kayo." wika ni Lola habang hinahanda ang lamesa.

Pumunta naman kami sa hapag kainan at nagbreakfast ng sabay sabay. Tahimik lang ang gay bestfriend n'ya at busy sa binabasang libro.

"Parang puyat na puyat ka." wika ni Aira sa kanya.

"Oo nga eh. Nagsunog ako ng eyebrows kagabi, may long quiz kasi kami later ayoko namang bumagsak. Atska mapapagalitan ako ni Nico pag 70 ang nakuha ko."

"Bakit naman magagalit sa'yo si Nico? Scholar ka ba n'ya?" tanong ko.

"Tutor ko s'ya. Math major kasi 'yun eh. Teacher s'ya sa St. Mary."proud n'yang sagot.

Paano ko kaya makukuha ang boto n'ya?

"Kumain ka pa...baka magutom ka mamaya." wika ni Aira habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ko.

"Ikaw rin...dapat kumain ka ng marami para madami kang maisulat." sagot ko habang nilalagyan din ng pagkain ang pinggan n'ya.

"Busog na ako..." pagtanggi n'ya.

"Wag nang matigas ang ulo, Queen." pamimilit ko.

Nagnod naman s'ya at kinain ang pagkaing nilagay ko sa pinggan n'ya.

Pagkatapos naming kumain ihinatid ko na s'ya sa office n'ya at pinagbuksan s'ya ng pinto.

"Magrereport lang ta'yo ngayon pagkatapos pwede na tayong umuwi. May exhibit kasi ang Hiwaga, so hindi nila tayo kailangan." sabi ni Steph habang pumipirma sa log book.

"Gusto mo bang sumama sa loob? Open kami ngayon sa lahat." tanong n'ya.

Makakatanggi ba ako? Syempre hindi. Kaya sumama ako sa kanya sa loob at nanuod ng exhibit.

"Bakit hindi kayo kasali sa exhibit?" tanong ko.

"Hiwalay ang exhibit ng Hiwaga kasi sila yung mga writer na mystery at thriller ang expertise. Malapit na kasi mag November kaya may exhibit sila."

"Sa inyo.. kailan?

"Sa love month syempre, February kaya next year pa."

Dinala n'ya ako sa cubicle n'ya para hintayin s'ya doon. Magrereport lang kasi s'ya kaya naman niyaya ko s'yang lumabas dahil wala na s'yang gagawin after.

"Five books? Wowww." sabi ko sa sarili ko nang makita ang mini bookshelf n'ya.

Limang book na ang nasulat n'ya at lahat nang 'yun all about love. Kinuha ko 'yung librong "Mr. Right Left Me" at binasa ang prologue nito.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon