NICO'S POV
Panahon na para magmove on. Panahon na para muling buksan ang puso.
Masaya na s'ya eh.
"Anong tawag mo dito? Bakit palagi tayong magkasama? Bakit ganyan ka? Dati rati naman sapat na sa'yong nag aasaran lang tayo sa faculty room."
Bakit nga ba?
"Date?" sagot ko.
"Bakit parang hindi ka sigurado?" naupo si Erika sa isang bench malapit sa fountain at tinabihan ko s'ya.
"Hindi ko kasi alam kung gusto mo."
"Suarez, gusto kita. Pero hindi naman ibig sabihin nun gusto kong maging rebound mo..."
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Ano nga ba ang rebound?
"Hindi naman tayo magmamadali... To be honest, hindi pa ako sigurado kaya hindi pa ako makapagtanong sa'yo."
Napasinghap s'ya ng hangin at binigyan ako ng matipid na ngiti.
"Ganun ba.. mabuti nalang sinabi mo. Muntikan na akong mag expect."
"Sorry ha. Naguguluhan ka ba? Ako rin eh. S'ya palang kasi ang minahal ko."
Tama nga pala si Aira. Kapag sa magkaibigan may nahulog na isa, palaging may mag iiba.
HAPPY'S POV
"Di ba sabi ko naman sa'yo wag mo na akong samahan!?" naglalakad ako papunta sa bukid habang si Macky naman sakay sa motor n'ya at pinipilit akong sumakay.
"Magagalit sa akin si Nico kapag hindi kita sinamahan. Sumakay ka na kasi. Wala kang kakilala dito. Ang tigas ng ulo mo!"
Naghahanap kasi ako ng respondents sa thesis ko. Kailan kong mainterview ang mga magsasaka at ang pamilya nila.
"Malaki na ako."
"Bakit ba ayaw mo? Kapag sinamahan kita mas mabilis mong matatapos ang gagawin mo."
"Ano namang mapapala mo!?"
"Eh di maaasar kita maghapon." sira ulo. Naglakad ako ng mabilis pero patuloy parin s'ya sa pagsunod.
*sigh*
"Fine!" sumakay ako sa motor n'ya at nagpunta kami sa bukid ng San Luis.
-------
Tulad ng sinabi n'ya mabilis ngang natapos ang pag iinterview ko. Makapal kasi ang mukha n'ya kaya nagawa niyang kausapin ang mga may ari ng lupa at s'ya ang gumawa ng ibang tasks na naiwan ni Tom.
"Salamat ha." sabi ko habang naglalakad kami papunta sa motor n'ya.
"Tama ba yung narinig ko? Marunong ka palang magpasalamat." inilagay n'ya ang susi ng motor pero hindi ito umandar.
"Walang gas!" napahampas naman s'ya sa gulong ng kanyang motor.
"Hala!? San tayo hahanap ng gas?" nasa kalagitnaan kami ng masukal na gubat kaya inakay n'ya ang kanyang motor hanggang sa labas ng bayan.
"Sumama ka pa kasi. Kaya ayan, naging problema mo pa 'yang motor mo."
"Hindi ko naman alam na mangyayari 'to eh. Hayaan mo na atleast natapos mo yung kailangan mong gawin." may tinatago rin naman pala s'yang bait.
Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil hindi pa ako nagtatanghalian. Alas kwatro na ng hapon pero wala paring laman ang aking t'yan.
"Nagugutom na ako..." malungkot kong saad. Hindi sibilisado ang lugar na ito kaya walang fast food chain o kahit karenderia na pwedeng kainan.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...