CHAPTER 5

1.1K 67 21
                                    

NICO'S POV

Kailangan ko ng advice kasi yung mga ganitong uri ng feelings hindi dapat sinosolo.

"Baby sir, steady ka lang dyan ha. Wala pa yung hindi iba kaya hindi pa natin pwedeng umpisahan ang party. 'Wag kang mag-alala nandito lang naman ako sa piling mo."

"Sino sino ba ang imbitado?" tanong ko habang nagmamasid masid. Maganda ang bahay n'ya pero parang hindi babae ang nakatira. Napakamanly ng kulay ng pintura tapos yung mga gamit parang napakaunfriendly.

"Ikaw, ako, si Jackie at yung future husband niya pati si Aira. Tayong lima! Oh di ba ang saya!"

Tumingin s'ya sa ceiling para bilangin ang aatend ng party mamaya kaya nagexpect ako na madaming imbitado pero lima lang naman pala kami.

"Wow andami pala." Joke

"Baby Sir may itatanong ako sa'yo ha. Pero medyo showbiz. Nililigawan mo ba si Aira or liligawan pa lang?"

"Actually gusto ko nga sanang humingi ng advice sa'yo. Gusto ko. Gusto ko siya pero sabi nya hindi pa daw sya ready atsaka wala pa daw s'yang balak na maiinlove ulit."

"Whaaaaaaaat!? 'Wag kang magpapaniwala sa babaeng 'yun kapag sinabi nyang ayaw niya. Alam mo ba yang si Aira, as in super! Super duper mega over major major to the highest power ang pagiging bobo nya sa pag-ibig."

"Kelan ba sya huling nakipagdate?"

"Two weeks ago. Siguro kung naging boyfriend nya si Raven pang twelve na nya yun. Times two."

Ang dami naman.

"Ilan na ba naging boyfriends nya? As in yung real boyfriend."

"Only Tristan. Siya ang first and last. Yung mga nakikilala nya mga kalandian nya lang yun, hindi rin naman nagtatagal."

"Ah ganun ba. Relationshits lang pala ang napapala nya. I believe she must take a chance on me. Hinding hindi ko 'sya bibiguin." sabi ko habang nagbabalat ng patatas.

Ilang sandali pa dumating na si Aira at pinuntahan ako sa kusina, agad naman nya akong nginitian. Isa isa nyang dinadala ang mga pagkain sa rooftop kaya naman tinulungan ko sya.

"Guys kumpleto na ba tayo?" saktong dumating narin si Jackie.

"Ikaw nalang naman ang hinihintay. Gutom jones na ko girl, eat na tayo." reklamo ni Paulo.
Uupo na sana si Aira sa tabi ni Jackie pero inagawan n'ya ito ng silya kaya ang ending ay kami ang magkatabi.

"Ooops.... ako diyan kasi ako ang pinakamaganda."

Inayos ni Aira ang mga takas na buhok sa mukha n'ya saka pinanliitan ng mata ang kaibigan.

"Ai, kailan kapa nagkaboyfriend?" tanong ng future husband ni Jackie.
Tumingin s'ya sa aming dalawa kaya naman panay ang iling n'ya.

"Sya? No, he's not my boyfriend, we're just friends." pagtanggi nya.

Friendzone.

"Pero malay natin balang araw. Pagdating ng panahon baka si Nico din at si Ai. Baka tibok ng puso nya'y maging tibok ng puso mo--" sinubuan ni Aira ng chicken ang bibig ni Ping para pigilan s'ya sa pagkanta.

"Grabe siya oh. Pero infairness masharap. Farang fag-ivig. Pero seriously, you look good together."

Unti unti na akong binibuild up ni Ping. Sana magwork kasi iba talaga si Ai eh. Masyadong matigas.

"Kumain kana lang, mabubusog kapa 'wag puro lovelife." hinihiwa ni Aira yung chicken nang biglang tumalsik yung tinidor. "Yikes..ang kunat naman."

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon