CHAPTER 1

4.5K 135 49
                                    

Kasama ko ngayon ang friends ko sa bago kong nilipatang bahay. Hindi na kasi safe sa dati kong tinitirahan dahil sa road widening.

Tinanggal nila yung terrace ko so, pagkalabas ko ng pinto ng bahay ko, kalye na. Maingay sa labas kaya naman lalo akong hindi makapagconcentrate sa pag-iisip ng panibago kong isusulat na story.
Nagtatrabaho ako sa isang publishing company at ang specialty ko ay syempre ang paborito ng lahat, love stories.

"As I was saying, bakit ba hindi mo i-consider yung sinasabi ni Aira. I-meet mo yung officemate niya tapos kapag hindi mo nagustuhan, hindi ka na namin pipilitin. Ikaw na nga ang may sabi, "there's no harm in trying", remember?" pamimilit ni Ping, gay bestfriend ko.

"Wag niyo na kasi akong pilitin. Malay natin diba? Baka magkabalikan pa kami Ken. Ayoko namang isipin niya na desperada akong humanap ng kapalit niya. So, sa ngayon pass muna. Please?"

Hanggang ngayon baliw na baliw parin si Jackie kay Ken. It's been a year and a half pero umaasa parin siyang magkakabalikan parin sila kahit si Ken ay may iba na.

"Ja, wake up. Ano bang nakita mo kay Ken? Si Ken ay isang hampaslupa at siguradong in the end wala kang mapapala." sabi ko habang hinahalo ang sopas na niluluto ko.

Kaibigan ko rin si Ken kaya naman kilalang kilala ko siya. Sa katunayan kaklase ko siya since elementary at masasabi kong wala naman talagang mapapala si Jackie sa kanya.

Although sobrang talino ni Ken, class Valedictorian namin siya nung elementary. Unfortunately, hindi siya nakapagcollege at wala akong idea kung bakit.

"Aira hindi ito wattpad. Oo, hindi siya mayaman at famous. Walang sikat na company ang family niya at wala siyang kotse. Pero friend, siya talaga ang mahal ko."

"Mahal mo nga, mahal ka ba?" pang aasar ni Ping.

Medyo offending, pero tama rin naman ang siya sinabi niya. Sa uri ng pag iisip ni Jackie kailangan niya na ng harsh words. Yung tipong tagos sa laman para marealize niya ang katangahan niya.

"Hindi." mahina niyang sagot. Mabuti naman alam niya, hindi na siya mahal.

Inihanda ko na ang lamesa para makakain na kami nang biglang dumating si Ken. Speaking of the devil. Tahimik lang kaming lahat at hinihintay na may maunang magsalita sa amin.

"I'd like to know what you did." Bungad ni Ken, galit siya at mababakas sa kanyang mukha ang labis na pagkairita.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." ani Jackie habang paulit ulit na pinapaikot ang kutsara sa kanyang mangkok.

Jackie has been chasing Ken all her life. Pero this time I think sobra na.  Lumapit si Ken sa kanya saka marahas na hinampas ang lamesa dahilan para magulat kaming lahat.

"Fine, kinausap ko lang siya. I just told her everything like, kung gaano mo ako kamahal noon at kung gaano kalaki ang chance na bumalik ang lahat sa dati."

"When I'm done, I'm done. So please, tama na. 'Wag ka nang umasang babalik ako dahil hindi na mangyayari iyon. Tapos na tayo, Jackie "

Naiwang humahagulhol si Jackie at dahil sa sakit hindi na n'ya nagawa pang magsalita. Para s'yang pinabagsakan ng langit at lupa. Umakyat na si Jackie sa hagdanan at nagkulong sa kwarto kaya kami na lang dalawa ni Ping ang naiwan para pagsaluhan ang niluto ko.

Sa aming tatlo siya ang pinakaswerte sa lovelife followed by Jackie at ako ang pinakamalas sa aming lahat kahit sagana ako sa boys.

"By the way, nasabi ni Frank sa akin na hindi daw interesado si Raven sa isang serious relationship with you, ahm.. siguro he's into you pero alam mo na, he's the sensual type of guy."

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon