AIRA'S POV
"Allyson, s'ya nga pala si Ms. A, at s'ya naman si Ms. Melanie. Sila yung mga writers namin." pagpapakilala ni Direk.
"Hi beautiful writers!" sambit n'ya
"Si Ms. Allyson ang bagong cast kaya makakatrabaho na natin s'ya next week." ani Direk
"Excited na akong makatrabaho kayo!" sabi n'ya habang bumebeso. "Sana magaganda yung linyahan ko ha." sabi n'ya ng pabulong.
Akala ko kumpleto na ang casting pero may isiningit na naman pala.
"Ano kayang role n'ya?" tanong ni Melanie
"Feeling ko marerape."
"Hmmmmm? Paano mo naman nasabi yan?""
"Eh kasi sa indie film n'ya narape s'ya. Tapos sa mga teleserye n'ya narerape s'ya at yung last movie n'ya narape din s'ya. Kaya feeling ko talaga marerape s'ya. Baka lang naman..."
"Oo nga no. Palagi nga pala s'yang narerape."
"Sige na. Send ko nalang sa'yo via email yung mga draft ko." paalam ko.
S'ya kasi ang utak ng teleseryeng ito.
Kinuha ko lang yung script sa tent at lumabas na ng set.
"Excited na akong ipakilala ka kay Mom." salubong sa akin ni King.
"Waaaaaa. Ako hindi--" natigilan ako sa pagsasalita dahil nilagay n'ya yung hintuturo n'ya sa labi ko.
"Keep calm, kasama mo naman ako diba?" he winked.
Napabuntong hininga naman ako, "Fine, sabi mo eh."
PAGPASOK namin ng bahay, nakaupo ang Mom n'ya sa sofa at agad kaming sinalubong nang makita n'ya kami.
Nanlalamig ang mga kamay ko at para bang malulusaw ako ng tingnan n'ya ako mula ulo hanggang paa.
"Feel at home..." sabi ng Mom n'ya.
"Thank you po..." yung mga tingin n'ya, ang lakas maka Cherry Gil.
"Writer ka daw, tapos sumasayaw ka rin. Madami ka palang kayang gawin."
"Passion ko po talaga ang writing and dancing." magalang kong sagot.
"How about sa business? May passion ka rin ba sa business?" tanong n'ya habang nakatingin kay Jian na may kausap sa telepono.
Natigilan ako sandali, "Wala po."
"Oh, para ka palang si Jian..hindi interesado sa business. Ewan ko ba sa anak ko, kapag nasa business world ka you can have everything. Kaya naman hindi ko talaga s'ya maintindihan kung bakit ipinagpipilitan n'ya ang dancing."
"Pero for him, dancing is everything. It can take you to places you've never been, same as to writing."
Ngumiti s'ya sa narinig at tiningnan ako sa mata. "Kaya pala gusto ka n'ya."
"At kaya po gusto rin s'ya." diretso kong sagot.
Naging maamo ang aura n'ya sandali na para bang nahipan s'ya ng magandang hangin. "My son really likes you that's why I have to like you too. Pero regardless of that, you are really likeable."
Nagsmile ako at sakto namang dumating na si Jian at niyaya na kaming magdinner.
"Next Friday would be my husband's birthday celebration. I want you to be there..."
"No problem po, Tita."
"Ma'am Bettina, telepono po para sa inyo." sabi ng Yaya nila.
"Excuse me." kinuha n'ya ang telepono at sinagot ang tawag sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...