CHAPTER 6

930 57 14
                                    

Hinihintay ko si Aira ngayon sa labas ng office n'ya. Nagtext s'ya sa akin na sunduin ko s'ya dahil may dapat daw kaming pag-usapan. I wonder kung ano 'yun pero ang naisip ko, it's about us. Lalo na iyong nangyari noong isang gabi.

"Bye Steph! See you sa wedding ni Cole at Jackie." sabi n'ya sa babaeng kasabay n'yang naglalakad sa hallway.

Plain white shirt at high waist pants lang ang suot n'ya. Simple pero maganda parin. Kinuha n'ya ang phone nya sa clutch bag n'ya at may kinausap s'ya sa phone and then sumenyas s'ya sa akin na wait lang.

"Okay, papunta na kami."

Magkasama na kami ngayon sa loob ng kotse at hinintay ko s'yang magsalita kung ano ba yung sinasabi n'yang dapat naming pag-usapan.

"Ano yung sasabihin mo sa'kin?" pagsisimula ko.

"Okay heto na." sambit nya habang kumukuha ng papel at ballpen. "Open minded ka ba sa business?" tanong n'ya.

Natigilan ako sa sinabi n'ya. Yun ba ang dapat naming pag-usapan? Hayst nagexpect ako. "Networking pala.. Sorry per-"

"Joke. Okay heto na nga... kailangan ni Cole ng help natin kasi isusurprise n'ya si Jackie. Nasa airport s'ya ngayon sinusundo ang future in-laws nya. So, ang gagawin natin pupuntahan natin si Ping kasi nasa resort na s'ya, doon ang venue. Okay ba?

"Yun lang ba? Akala ko naman about last night...."

"What about last night!?" gulat n'yang sagot.

"The truth or dare..."

"Huh?"

Nagpout ako para mas lalo n'yang maintindihan pero patay malisya parin s'ya. Wala ba talaga s'yang naaalala o nagkukunwari lang s'ya.

"Gosh. I'm sorry. Ano namang ginawa ko? Nagwala ba ako? May nasabi ba akong naoffend ka? Nagbasag ba ako ng bote?" nagface palm s'ya na para bang wala s'yang naaalala sa mga nangyari. "Pasensya kana ha, kapag nalalasing kasi ako wala akong maalala. Ano bang nangyari?" Sabi n'ya habang kinakalog ang braso ko.

"Never mind." wika ko.

"Ano nga? Tell me..."

Nag iwas akong tingin saka hindi s'ya sinagot. Ako lang pala ang may alam na naghalikan kami kagabi. Ang malas naman.

"Okay, hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin."

Tinaasan n'ya ako ng kilay at bigla s'yang humalukipkip. Para bang ako yung dapat maguilty kasi hindi ko sinabi sa kanya yung bagay na dapat s'ya yung mageexplain kung anong ibig sabihin.

"Hindi mo ba talaga maalala?" tanong ko.

Kinuha n'ya ang phone n'ya at naglaro ng temple run. Is it her way to escape?

"Hindi eh... ano ba iyon?"

Lumingon lingon ako sa loob ng kotse nang may narinig akong kumakaluskos pero hindi ko alam kung saan nanggagaling yung tunog. Mayamaya pa may nag "meow" kaya naman narealize kong may pusa sa loob ng kotse ko.

"Narinig mo ba iyon?"

Binuksan ni Aira ang paper bag niya at kinuha yung kuting sa loob. "Hi, baby girl!"bati n'ya sa kuting.

Ayaw ko talaga sa mga pusa dahil natrauma na ako sa nangyari sa akin noong bata pa ako. Kinagat at pinagtripan kasi ako ng limang pusa ng kapibahay namin noon kaya naman kinailangang turukan ako ng anti rabies everymonth. Ayaw ko pa naman ng injection.

"Alam mo bang mapanganib ang mga pusa? Paano kapag nakagat ka? Atsaka nakakasama sila sa lungs lalo pa't may asthma ka." sabi ko.

"Nope. They're safe. Apat na beses na nga n'ya akong nakagat eh. Pero wala namang masamang nangyari sakin."

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon