Sabi ni Jeremy hindi na daw darating si Nico. Sabi naman ni Ping wag na akong maghintay at kalimutan ko na lang ang lahat...
Kahit yung mga kaibigan ko na noon ay nag uudyok na maging kaming dalawa ay tila ba isa isa naring sumusuko tulad n'ya.
"Sa tingin ko mas bagay 'to kay baby Albie. Aira, ano sa tingin mo?" Kasama ko ngayon si Ping at Jane para maghanap ng panregalo kay Allessandro Benjamin, anak ni Jackie at ni Ken.
"Okay lang." utas ko. Hinablot ni Jane ang damit at inusisa ito. "Turlte neck para kay Albie? Baka naman hindi makahinga si baby n'yan." Inabutan s'ya ni Jane ng ibang pagpipilian at hindi rin nagtagal ay naisipan nilang sapatos na lang ang bibilhin dahil siguradong madami ang magbibigay ng damit.
"Ikaw na lang ang wala pang regalo. Kanina pa tayong paikot ikot dito wala ka man lang napipili." Umupo si Jane sa isang mahabang sofa malapit sa counter at umastang pagod na pagod na. Napatingin ako sa aking relo at nadiskubreng mag aalas otso na ng gabi at dalawang oras narin kaming namimili.
"Hintayin n'yo na lang ako sa parking lot. Sa Toy Kingdom ako maghahanap." iniwan ko silang dalawa dahil mahaba pa naman ang pila sa counter at mag isang nagtungo sa tindahan ng laruan.
Ang naisip kong iregalo ay puzzle mat para magamit ni baby Albie kapag gumagapang na s'ya. Narinig ko rin kasi kay Jackie na may balak s'yang umorder nito sa Lazada kaya lang ay hindi ito available para sa cash on delivery.
"Mayroon ba kayong puzzle mat na mickey mouse ang design?" tanong ko sa sales lady na nasa aking harapan. Puro mickey mouse kasi ang mga gamit ni baby.
"Sayang ma'am, may nakakuha na po kani kanina lang." Nagnod ako at pumili ng iba. Kinuha ko ang puzzle mat na spongebob ang design at dumiretso sa counter para makapag bayad na.
"Ten pesos po yung gift wrap ma'am. Baka po gusto n'yong mag add ng ribbon?" wika ng babae sa counter.
"Hindi ako bumili ng pang gift wrap." Kumuha ako ng pera sa aking wallet at iniabot ito sa kahera. "Kay pogi 'yan." bulong ng kasama n'ya.
Ilang sandali pa ay may nagmamadaling tumatakbo sa aking likuran at medyo naghahabol ng hininga.
"Miss, naiwan ko yung binili ko." Napangisi ang dalawang cashier at lalaking dumating. Nagising ako sa wisyo nang marinig ang pamilyar na boses at nakitang inaabot ng babae sa kanya ang puzzle mat na mickey mouse na hinahanap ko kanina.
"A-aira." Utas n'ya nang lumingon ako sa aking likuran. Mabilis kong kinuha ang aking pinamili at lumayo sa kanya. Naalala ko na naman ang ginawa n'ya at hindi ko s'ya mapapatawad dahil s'ya ang dahilan kung bakit iniwan ako ni Nico at kung bakit sobra sobra akong sasaktan ngayon.
"Aira, kausapin mo naman ako. Gusto ko lang naman sabihin sa'yo kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko... I'm so sorry for being such an asshole. Kung kinakailangan na ako mismo ang kumausap kay Nico gagawin ko, mapatawad ko lang ako." Pilit n'ya akong sinusundan at mabilis naman akong tumatakbo palayo sa kanya.
Napakakapal naman ng mukha n'ya para kausapin pa ako sa kabila ng ginawa n'ya. Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko bunga ng labis na pangigigil ko sa kanya. Ang sama n'ya. Kung hindi n'ya ginawa ang katarantaduhang iyon disinsana'y kami parin ni Nico hanggang ngayon.
"Stay away from me!" mariin kong sabi nang harangan n'ya ako sa aking paglalakad. Hindi ko alam kung saan s'ya humuhugot ng lakas ng loob para kausapin ako ngayong sariwa pa lahat sa akin ng nangyari.
Mabilis akong tumakbo sa kabila ng aking panghihina. Muli ko na namang naramdaman ang pagkamanhid ng aking katawan at ang tila nagbabadyang pagbagsak nito.
Mula sa malayo ay nakita kong patakbong sinasalubong ako nina Jane at Ping ngunit hindi ko na marinig ang kanilang sinisigaw. Ilang sandali pa ay may nakita akong papalapit na sasakyan na tila babangga sa akin anu mang oras. Ngunit bago pa ako makalayo ay bumagsak na ang aking katawan sa sahig.
JIAN'S POV
Nasaktan ko na naman s'ya. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat ng gulong ginawa ko pero desidido ako at wala akong ibang gusto ngayon kundi maitama ang lahat ng mali ko.
Matagal rin akong nag ipon ng lakas ng loob para harapin s'ya at humingi ng tawad sa kanya. Pero tulad ng inaasahan ko, hindi magiging madali para sa kanya na patawarin ako. Baka nga hindi n'ya na ako mapatawad kahit kailan.
"Aira, kausapin mo naman ako. Gusto ko lang naman sabihin sa'yo kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko... I'm so sorry for being such an asshole. Kung kinakailangan na ako mismo ang kumausap kay Nico gagawin ko, mapatawad ko lang ako." Kahit pa walang sawang bugbugin ako ni Nico ay tatanggapin ko. Deserve ko naman ito.
"Stay away from me!" Natigilan s'ya sandali nang bumalandra ako sa harapan n'ya. Umiiyak s'ya at mababakas sa kanyang mukha ang labis na pagod at sama ng loob. Nabalitaan ko kay Jackie na matagal na raw s'yang tulala at hindi halos makausap at wala akong ibang masisi kundi ang aking sarili.
Nilampasan n'ya ako at mabilis na tumakbo palayo. Unti unti ay napansin kong bumabagal na ang kanyang pagtakbo sa kalagitnaan ng parking lot at matamlay na tumingin sa sasakyang papadaan sa kanyang harapan.
"Airaaaaaa!" sigaw ko sa kanya at dali daling sinubukang mapalapit sa kanya para ilayo sa roon.
Binusinahan s'ya ng driver ng Toyota Innova para kunin ang kanyang atensyon ngunit bago pa man makalapit ng husto sa kanya ang sasakyan ay agad na s'yang bumagsak sa sahig.
"Bes! Okay ka lang ba ha!?" dali dali rin s'yang nilapitan ni Ping at ni Jane pati narin ng driver ng sasakyan.
"May balak bang magpakamatay yang kaibigan n'yo!? Letse naman ang dami ko na ngang problema sa buhay makakadisgrasya pa ako!" Agad bumalik sa loob ng kanyang sasakyan ang galit na lalaki at binuhat ko naman si Aira sa loob ng aking sasakyan.
"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi mo ginawa 'yun hindi sana magkakaganito si Aira!" paninisi ni Ping. Paulit ulit n'yang ginigising si Aira ngunit hindi ito nagrerespond.
"Pwede ba wag tayong magsisihan ngayon!?" napasigaw narin ako nang hindi ko natiis ang bawat masasakit na salitang sinasabi n'ya. Natahimik s'ya at nagbaling ng tingin sa kaliwa.
"Pasensya na. Sorry talaga." pagbawi ko dahil alam kong naoffend ko s'ya. "Kasalanan ko naman talaga lahat. Pero sana lang si Aira muna ang isipin natin ngayon."
Ilang sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin bago pa ulit sila nagsalita. "Hindi ito ang first time. Ilang beses narin s'yang nakakatulog kung saan." wika ni Ping.
"At palaging hindi makontrol ang muscles n'ya...or nerves, ewan ko ba. Parang palagi s'yang naghihina." utas naman ni Jane.
Dinala namin s'ya sa ospital para matest kung bakit nangyari iyon sa kanya. Ngunit habang hinihintay naming makarating ang doctor ay tumayo s'ya mula sa hospital bed.
"What are we doing here!?" galit n'yang saad nang makita ako. Hinila s'ya ni Ping nang may diin at ibinalik s'ya sa pagkakahiga.
"Hindi ka aalis d'yan. Kailangan nating malaman kung anong problema mo, kung bakit ka nagkakaganyan." Nag iwas s'ya nang tingin sa kaibigan at pinisil ang kanyang damit na suot.
"I'm fine. Wala akong sakit." muli ay napaluha na naman s'ya at bahagyang kumunot ang noo nang sinubukan kong lumapit sa kanya.
"Pagbigyan mo lang kami ngayon. Kapag sure na kaming okay ka hindi ka na namin kukulitin."
Dumating ang doctor para i-examine s'ya at hiwalay na kinausap din ang mga kaibigan n'ya. Nagpasya narin akong umalis dahil ramdam kong hindi makakabuti sa kanya kung naririto ako ngayon.
Sorry Aira. Sorry talaga. Mahal na mahal lang talaga kita...
#NLTMEncounter
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...