CHAPTER 31

413 18 12
                                    

NICO'S POV

Tuesday 5am

"Sobrang excited ako kagabi kaya halos hindi na ako nakatulog so nagluto nalang ako hanggang umaga."

"Yun! Sabi na nga ba may nakalimutan ako. Naiwan ko yung pagkain ko sa ibabaw ng ref!" bulalas ko nang maalala ang kanina ko pang iniisip.

"Marami akong dalang pagkain para sa ating dalawa. Wag kang mag alala ako ang bahala sa'yo." kinindatan n'ya ako matapos ay pumikit na at isinandal ang ulo sa bintana ng bus.

"Salamat ha. Antok parin ako. Tsk." palaging sa tabi ng bintana ang gusto kong pwesto kaso nauna na s'ya.

Puyat pa naman ako dahil may nag away sa tapat ng bahay namin kagabi.

"Put your head on my shoulder nalang." alok n'ya habang tinatapik ang balikat n'ya.

Nakakahiya hihi.

"Sinong nag aalaga kay Kim?"yung anak n'ya

"Yung mama ko."

Naisip kong itanong dahil hindi naman sila kinikilala ng pamilya ng ex n'ya. Kawawa naman s'ya.

Sa National Museum ang first stop namin at pagkarating namin sinimulan namin ang paglilibot sa paligid.

"Ang ganda ano? Parang ako..." sabi n'ya habang pinagmamasdan ang mga painting sa pader.

"Self proclaimed. Hintayin mo kasing ako ang magsabi."

"Kailan pa? Sobrang tagal na nating magkatrabaho pero hindi mo man lang sinasabing maganda ako." umirap s'ya at nagpatuloy sa pag lalakad

"Oo na, maganda ka na." natatawa kong sambit.

"Napilitan ka lang eh!"

"Hindi ko naman na kasi kailangang sabihin 'yon. Isa pa ayaw kong mahurt ka." tumigil s'ya sa paglalakad at hinarap ako.

"Bakit naman ako masasaktan?" nagpamewang s'ya at tinaasan ako ng kilay.

"Kasi truth hurts." I winked

Nagpigil naman s'ya ng ngiti at halatang kinikilig.

Matapos ng tour sa loob ng museum, bumalik na kami sa bus para pumunta sa Manila Ocean Park.

Ilang beses na akong nakapunta dito dahil sinamahan ko si Happy noon sa field trip nila pati nung birthday ni Jeremy ay namasyal din kami dito.

"Hi Sir Nico." bati nung isang staff na nakatayo sa tabi ng aquarium.

"Famous ka na talaga. Pati yung mga nag aalaga ng isda kilala ka." wika ni Erika

"Madalas lang talaga ako dito. Atsaka mahirap naman talagang makalimutan ang mukhang to. Ang gwapo eh, diba?" pero hindi s'ya nagreact.

"Oy, diba? Gwapo naman talaga ako." pamimilit ko.

"Gwapo ka nga, manhid ka naman." lumayo s'ya sa tabi ko at sinilip ang mga sea horse kasama ang mga estudyante.

Manhid daw ako? Hayst siguro nga tama ang hinala ko na crush n'ya ako.

Sumabay ako sa paglalakad n'ya at paulit ulit s'yang kinukulit. Masaya s'yang asarin dahil kahit napipikon s'ya hindi naman s'ya gumaganti.

"May octopus pala dito." sabi ko habang kinukunan ng litrato ang mga lamang dagat.

"Alam mo bang may tatlong puso ang mga octopus? Ang galing no. Pwede palang lumabis sa isa ang puso mo."

"Talaga? Astig!"

"Ikaw, if ever na posible ilan ang gusto mong puso?" tanong n'ya

Tumingala ako at nag isip. "Dalawa." sagot ko.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon