AIRA'S POV
Hindi ako makatulog. Feeling ko gumagalaw ang mga lamang loob ko na parang medyo natatae tulad ng nararamdaman ko pag kinakabahan ako. Basta ganon. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon.
"B-babe." sabi ko sa boyfriend kong nasa kabilang linya ng telepono.
"U-uhm?" huni n'ya. Marahil ay nasa kalagitnaan na s'ya ng kanyang panaginip. Alas tres na nang madaling araw kaya naman alam kong naabala ko s'ya sa kanyang pagtulog.
"I can't sleep. Usap muna tayo... or kanta ka para makatulog ako. Please?" narinig ko ang pagbangon n'ya sa kanyang kama at ilang sandali pa ay tinipa ang kanyang gitara. Narinig ko rin ang mabigat n'yang buntong hininga.
"Naabala ba kita? S-orry ha... sige tulog ka na." maaga nga pala s'ya bukas sa school. At isa pa pagod s'ya dahil marami s'yang inaasikaso dahil Mathematics Week.
"Hindi naman babe. I just had a bad dream, mabuti na nga lang ginising mo ako." cold n'yang sabi. Marahil ay masama nga ang panaginip n'ya.
"Anong nangyari sa panaginip mo?" bumangon din ako sa aking pagkakahiga at binuksan ang lamp shade sa aking lamesa.
"Mas gusto mo raw si James Reid kaysa sa akin." inis n'yang sabi ngunit nakapagpatawa sa akin. Of all the people bakit naman kaya si James Reid?
"Dear, panaginip lang 'yun!" I laughed. "Don't be mad babe, bakit gusto n'ya rin ba ako?" interesado kong tanong.
"O-oo." utas niya. "At nagsisisi daw s'ya dahil... dahil iniwan ka n'ya." natigilan ako sandali sa sinabi n'ya. Siguro iniisip n'ya parin si Jian. Dapat nga siguro hindi na namin s'ya pag usapan kahit kailan.
"Stop thinking about James Reid, he's unreachable. Ako na lang ang isipin mo, tayo." malambing kong saad. "Isa pa yung taong nang iwan, wala nang babalikan pa lalo na kung yung taong iniwan n'ya inaalagaan na ng iba." sabi ko pertaining to Jian.
"Okay. Enough of Ji-, I mean...James." kinalabit n'ya ang strings ng kanyang gitara para magsimulang kumanta. So si Jian pala ang napanaginipan n'ya. Dinamay pa si James Reid.
Kinanta n'ya ang More Than Words para sa akin kahit na alam kong antok na antok pa s'ya. Ramdam na ramdam ko kung gaano n'ya talaga ako kamahal at araw araw n'ya yung pinararamdam. Walang palya. Ang swerte ko. Iba talaga magmahal si Nico.
"Thank you... sleep ka na ha. Wag mo naring isipin si James Reid kasi ikaw lang. Kahit pa si Daniel o si Alden pa yun, ikaw at ikaw parin."
"Talaga? Kahit si Enrique Gil?" pabebe n'yang tanong pero kahit ganon nakakakilig parin. Ang marinig ang boses n'ya at makasama s'ya ang tumutunaw sa puso ko sa bawat sandaling kasama ko s'ya. At kahit pa hindi ko s'ya kasama.
"Ikaw parin. I love you po. Matulog na tayo." Humiga na ako sa kama ngunit nakabaluktot dahil hindi parin umaayos ang aking pakiramdam.
"Yes, babe. I love you more than words." aniya.
"B-bye babe. Araaaay!" napasigaw ako sa sakit. Nasobrahan siguro ako sa kinain kong awkward breads kanina. Ang tigas kasi ng ulo ko, may allergy nga pala ako sa strawberry jam.
"Masakit parin? Uminom ka na ba ng gamot? Pupuntahan kita d'yan." Narinig kong mabilis n'yang inilapag ang gitara n'ya sa sahig at mabilis na binuksan ang kanyang cabinet marahil upang magpalit ng damit.
"Wag na babe okay lang ako. Promise. Matulog ka na ha. Maaga ka pa bukas." kailangan ko lang siguro magbawas. Ilang araw narin kasi akong hindi tinatawag ng kalikasan.
"Sure ka ah? Basta tawagan mo ako kapag hindi mo na kaya." pagkatapos ng tawag na iyon ay nagpunta ako sa CR para ilabas ang kailangan kong ilabas at success!
Matutulog na sana ako ng maluwalhati nang mapansin kong may nakatigil na kotse sa labas. Ang kulit kulit talaga niya. Nag abala pa talaga s'yang pumunta.
"Babe, di ba sabi ko okay lang ako---" natigilan ako sa pagsasalita nang hindi si Nico ang ang aking nakita.
"Mabuti naman at okay ka. Alam mo bang namiss kita. Sobra." Si Jian. Nandito s'ya sa harap ko ngayon. Nakasandal sa isang kulay gray na kotse at may hawak hawak na libro.
Ilang sandali ring walang salita na lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko may umaakyat na dugo sa lalamunan ko at anytime pwede ko s'yang sigawan.
"Nice book. Nabasa ko yung dedication... 'I dedicate this book to all the boys I've loved before, to all the boys I've met and to all the boys who I wish never existed.' Para sa akin pala 'to. Sorry. Sorry kung nagexist ako sa buhay mo. Sorry kung bumalik ako. Sorry kung---"
"LEAVE. Sorry ka d'yan. Don't say sorry if you did something intentionally!" isasara ko na sana ang gate nang bigla n'yang hawakan ang kamay ko at niyakap ako.
"Please listen to me. K-kahit sandali lang... Kahit pagkatapos kong sabihin sa'yo lahat hindi na ako magpapakita. Hindi na kita guguluhin pa. Pero please, Aira, pakinggan mo naman ako." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha n'ya sa aking balikat at patuloy n'yang paghikbi.
Mas niyakap n'ya ako nang mahigpit ngunit nagmatigas ako at marahas na bumitaw sa kanya. Hindi tama ito. Hindi ito magugustuhan ni Nico.
"No. Wala ka nang dapat ipaliwanag dahil maliwanag naman na lahat. Umalis ka na. Ayoko nang marinig pa ang mga walang kwenta mong dahilan." nagkibit balikat ako at pinilit na hindi magmukhang apektado sa pag balik n'ya. "Oo nga pala... congratulations! Nasaan na yung baby mo? Bakit mo naman iniwan sa wife mo!? Pati ba naman yung bata iiwan mo rin. Tss."
"That kid is not mine." napasandal s'ya sa kanyang sasakyan at ginulo gulo ang kanyang buhok.
"Niloko n'ya ako. Sinira n'ya tayo." malungkot n'yang saad ngunit may bahid ng galit. Umiiyak s'ya sa harap ko at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng simpatya. Dapat magagalit ako pero hindi iyon ang lumabas na emosyon sa puso ko.
Bakit ba kasi? Anong nangyari?
#ComebackIsReal
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...