Nakaramdam ako ng excitement nang malamang uuwi sina Dad and Mom kasama si Ate at ang mga pamangkin ko pero at the same time, nakaramdam rin ako ng kaba sa pagbalik nila dahil hindi ko alam kung may galit parin ba sa akin si Dad.
"Nadisappoint kaming lahat sayo, pero noon pa 'yun. Isa pa I believe that your Dad's very proud sa kung ano mang narating mo ngayon." Wika ni Lola na sinusuklay ang aking buhok sa harap ng salamin.
"Sana nga po, Lola. It's been so many years simula nang huli kaming mag usuap. I hope that he has totally forgiven me for everything that I've done." I sigh. Naalala ko pa nang unang beses na magtampo sa akin si Dad. Simula bata pa kami ni Ate, s'ya yung talagang hands on sa pag aalaga sa aming dalawa dahil palaging nasa law firm si Mom, house husband kumbaga. I promised him na hindi muna ako magboboyfriend hanggat hindi pa nakakatapos pero unfortunately Tristan came at nabigo ko s'ya.
Napakabait parin n'ya para iparamdam sa akin na okay parin ang lahat pero dahil may sa kalahating bobo ako ay nakagawa na naman ako ng wrong move. Tristan proposed right after graduation and I said yes. Si Mom ang una kong nabigo pero si Dad, naniwala parin sa pangako ko na kasal pa lang naman iyon at hindi ko parin pababayaan ang mga pangarap n'ya para sa akin. Damn. I was just 18 way back then.
Pero dahil masyado akong nalulong sa pag-ibig, napabayaan ko ang lahat nang iwan ako ni Tristan ng walang dahilan at sumama sa bestfriend ko. After that I messed up with everything. I forgot about my grades, I forgot about my family, I forgot about me. That's the reason why Dad finally realises how stupid his beloved daughter is after causing him lots of disgrace.
"Hindi ka n'ya matitiis. Hindi ba't ikaw ang ang baby girl n'ya? Hindi lang naman ang pagsuway mo ang dahilan kung bakit sila umalis. He wants Nancy to recover, and for your Ate Agatha to continue her Masters Degree." Due to depression and pressure from her work, mom suffered from hypersomia which is a sleep disorder na I think namana n'ya rin sa lola n'ya.
"Luley, yung mga amiga mo hinihintay ka na sa labas." Sambit ni Ping habang pumapasok ng kwarto. Nagdadalaga kasi ang lola ko at may sleep over kasama ang kanyang church friends.
"Hoy girl, hindi ko gusto yung ginawa mong pagsisinungaling kay Nico ha. Pati kami ni Jackie dinamay mo pa.." wika n'ya nang makalabas ng kwarto si Lola. "It's a white lie, Ping. Mali yun, I know... pero para rin naman yun sa peace of mind n'ya. Isa pa, Jian and I are never getting back together."
"Kahit pa... paano kung sa iba pa n'ya malaman?" pumamewang s'ya at pinagtaasan ako ng kilay. "Magkalinawan nga tayo, ngayong bumalik na si Jian may nagbago ba?"Syempre wala. Wala na talaga. Napaisip naman ako bigla dahil baka one of these days ay malaman nga rin ni Nico kaya kailangan kong bumwelo at sabihin sa kanya. "We're done. We are so so done! Don't worry Ping, I'll tell Nico naghahanap lang ako ng tamang timing."
"Sana nga totoo yang sinasabi mo. Kasi kung babalikan mo si Jian at iiwan si Nico para sa kanya, maawa ka naman. Alam mo naman ang nangyari kay Cole." Seryoso s'yang lumabas ng kwarto ngunit bakas sa kanyang mga galaw ang pagmamadali. Anniversary nila ngayon ni Shawn kaya hatinggabi na s'ya makakauwi.
"May dala akong susi, i-lock mo nang maayos ang gate at mga pinto. Pati bintana." Pahabol n'ya.
Ibinalik ko ang aking atensyon sa harap ng salamin upang isagawa ang aking night ritual. Ilang minuto ang ginugugol ko sa pagpapahid ng toner at night cream sa aking mukha at pagkatapos ay lalagyan ko ng essential oils ang aking buhok kaya nagtatagal talaga bago ako tuluyang makatulog.
Sumilip ako sa bintana bago ito isara at napansin kong naiwang bukas ni Ping ang gate. S'ya talaga yung tipo ng taong mahilig magbigay ng instructions pero s'ya rin naman ang madalas makalimot. Dahil dito, bumaba ako mula sa aking kwarto para isara ang gate. Paglabas ko, napansin ko ang isang lalaking pamilyar at nang magtama ang aming mga mata, nalaman kong si Jian pala.
"You shouldn't be here, right?" kalmadong sambit ko nang makita si Jian habang nakasandal sa kanyang kotseng nakaparada sa driveway ng aming kapitbahay.
"I know. I just can't help myself thinking about chasing you again. Aira---." Akala ko naman malinaw na ang usapan naming hindi na dapat kami magkita pa kahit kailan pero tulad ng mga bagay na hindi inaasahan ay heto na nga s'ya at mukhang naghihintay muli ng pagkakataon.
"Isn't it clear to you that it's me and Nico now and there's nothing you can do to bring us back again?" I hissed. Pinagmasadan ko nang taimtim ang kanyang mata at sinusubukang hindi magpadala sa kanyang sinsero at nalulungkot na mukha.
"I love you. I still do. And you don't know how hard it is for me to see you with someone else. I want you back, I need you to be with me again so badly. Aira, alam kong narinig mo na ito ng paulit ulit pero sasabihin ko parin dahil ito ang nararamdam ko... Sana ako nalang, sana tayo nalang ulit." For the nth time I saw his tears running down though his face. Why can't he even realize that is real life? He is not Popoy and I am not Basha. I just can't leave Nico for him. I really can't and I will never do that.
"Yeah, I've heard that line so many times, but it doesn't sound good to hear it coming from you. Jian, I believe you when you tell me that you still love me pero hindi mo ba naisip that it's just too much to ask na bawiin ako sa taong kumupkop sa akin nang iwan mo ako? Stop making a scene na para bang nasa pelikula tayo dahil our story is not like the movies. Wala tayong happy ending at hanggang dito na lang talaga tayo. Let's end this conversation, Jian. This is useless." Pilit kong ginagawang mahinahon ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig pero tila ba gusto ng puso kong masaktan s'ya para tumigil na s'ya at hindi na ako manggigil pa.
"Last na... gusto ko lang malaman, Do you still remember how we felt? Yung mga panahong ako pa yung mahal mo? Yung mga panahong mayroon pang tayo? At kapag kasama mo s'ya, does it feel the same way, Aira? Ngayong s'ya na at hindi na ako, never ba akong pumasok sa isip mo. Narealize mo man lang ba na sayang? Namiss mo ba ako kahit saglit man lang? Naaalala mo ba yung---" tinakpan ko ang aking mga tenga sa sunod sunod n'yang tanong at hindi mapigilang umagos ang luha sa aking mga mata. This is ridiculous.
"P-please, Jian... wag mo na akong pahirapan."
----
N/P: Mayroon Nang Iba - Silent Sanctuary Ft. Ashley
VOTE. COMMENT. RECOMMEND
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...