CHAPTER 7

989 61 15
                                    


Nasaan na ba s'ya? Kanina ko pa s'yang hinahanap. Paano kapag may nakakita sa kanyang staff tapos iligaw s'ya? Eh di patay ako kay Aira.

Nagpunta na ako sa labas pati narin sa Front desk pero wala akong napala. Pinapractice ko na ang sasabihin ko kay Aira kasi for sure magagalit s'ya sa akin.

Ilang sandali pa nakita ko si Aira sa pool area at naglalakad s'ya papalapit sa isang lalaking naka black sando. Nung una akala ko baby ang yakap yakap nung guy pero narealize ko na si Sophia pala ang nasa mga bisig n'ya nang humarap s'ya. Tuwang tuwa naman si Ai nang makita n'ya si Sophia at agad itong kinuha sa lalaking nakakita sa kanya. Weirdong pusa bigla nalang naging maamo.

"Galit ka ba?" tanong ko kay Aira pero inirapan nya lang ako. "Sorry na. Please?" pero hindi parin s'ya sumasagot.

"Ano bang dapat kong gawin para hindi kana magalit. I swear hindi ko sinasadya."

Humarap s'ya sa akin at naglook up. Nag iisip s'ya ng ipagagawa at nang may naisip na s'ya humarap s'ya muli sa akin at nagsalita, "Kunin mo 'yan, tapos 'yun, pati 'yun, atsaka ito." Sabay turo sa water jug, sa icebox, sa mic holder pati narin sa tarpaulin na ginamit sa party kanina.

"Wait. Ito pa.." idinagdag pa n'ya yung bag n'ya.

Medyo malayo sa pool area ang cottage namin kaya naman hirap na hirap ako sa mga dala ko. Wala pa bang ibibigat 'to?

"Stop...hawakan mo muna si Sophia." sabi n'ya habang ipinupuyod ang buhok n'ya.

"Oooops what are you doing?" Ibababa ko sana 'yung mga dala ko pero pinigilan n'ya ako.

Pagkatapos n'yang ayusin ang buhok n'ya naglakad na uli kami papunta sa cottage namin pero laking gulat ko nang lumampas kami. "Diba dun tayo?" tanong ko.

"I know. Just follow me." Kaya naman sinundan ko s'ya. Nagpunta kami sa may tabing dagat at mas lalo n'yang binagalan ang paglalakad n'ya.

"Matagal pa ba?"

"Bakit nagrereklamo kaba?" masungit n'yang sagot.

"Ai, hindi ka ba naawa sa akin?"

"Hindi. Mas naaawa ako sa pusang ngumingiyaw at walang makain."

Ang hirap pala n'yang suyuin. Grabe s'ya. Ang bigat ng mga dala ko sobra. Kung hindi ko lang s'ya mahal hindi ko s'ya susundin. Kung hindi ko lang s'ya mahal hindi ako magpapaalipin.

"Kawawa naman ang Sophia ko. Mabuti na lang may nakakita sa'yo." aniya habang hinahalikan ang maldita n'yang alaga.
Finally nakarating na kami sa cottage area. Ibinaba ko ang mga gamit n'ya at humiwalay na sa kanya.

"Sorry ulit ha."

"You're welcome." Sarcasm.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang fes mo?" tanong ni Paulo

"Galit sa akin si Ai. Pinabantayan n'ya kasi sa akin si Sophia tapos biglang nawala. Mabuti nalang may nakakita."

"Nakuuu..yung sutil na pusa. Alam mo bang gustong gusto naming iligaw ni Jackie ang pusang 'yon? Siya lang ang nag-iisang maldita sa mga alaga ni Aira."

"Ilan ba ang pets n'ya?" tanong ko.

"Dalawang pusa, isang aso at isang parrot. Si Sophia atsaka si Sam ang mga alaga n'yang pusa tapos si Jan Jr. ang aso. Yung loro parang wala namang pangalan, di ako sure."

"Si Jan Jr. ba anak ni Jan Sr.?" tanong ko.

"Oo. Pero si Tristan ang nag-aalaga kay Jan Sr. I don't know kung buhay pa or teggy na."

Natatandaan ko pa si Jan Sr. Regalo s'ya ng parents ni Ai sa kanya nung graduation namin. I wonder kung bakit hindi n'ya binawi kay Tristan 'yun nung nagbreak sila.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon