AIRA'S POV
"Ms. A, bakit ganyan ang mukha mo?" lumapit sa akin si Melanie na sobrang saya dahil napuri ni Direk sa matagumpay na last taping day dito sa Cambodia.
"Yung boyfriend ko kasi, 27 hours, 18 minutes at 52 seconds nang hindi nagpaparamdam." malungkot kong saad.
"Hala, baka may iba na? O baka naman naaksidente? Baka naholdap kaya walang cellphone o kay---" Exaggerated.
"Tumigil ka nga, hindi ka nakakatulong." at masunurin namang s'yang tumahimik at bumalik sa labas para makipagsaya kina Allyson at Direk.
Lalabas na sana ako nang....
*phone rings*
King +63927****
"Hello King, bakit naman ngayon ka lang tumawag? Di ba nagpromise ka sa akin n----"
"Sorry Queen, naiwan ko yung phone ko sa bahay atsaka masyado akong busy dahil sobrang dami naming client ngayon." walang gana n'yang sagot.
"Ah ganun ba, sana man lang nakitext ka sa friends mo, pinag isip mo ako."
"Next time." yun na lang ang nasabi n'ya.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalwa parang ayaw n'yang magsalita.
"By the way, anong oras ng birthday celebration ng dad mo?" tanong ko.
"Ah.. wag ka nang pumunta." ang cold n'ya. Ano bang problema n'ya?
"Huh? Akala ko ba..sabi mo 'wag akong mawawala." bago pa man ako umalis kinakalkula n'ya ang oras ng pagdating ko dahil gusto n'yang ipakilala ako sa dad n'ya tapos ngayon ayaw n'ya akong pumunta.
"Ayokong pumunta ka. I mean, ayokong ma-out of place ka. Ang birthday ni dad ay parang isang business convention at wala silang ibang gagawin dun kundi mag usap tungkol sa business. It's really not your thing. Naiintindihan mo ba ako?" fine.
"Sige." yun na lang ang nasabi ko. Pero honestly may konting disappointment.
"Susunduin nalang kita bukas... bye?"
Yun lang?
"I love you, King." pahabol ko bago n'ya tapusin ang tawag.
"Okay...." maikli n'yang sagot.
"Okay lang? Walang 'i love you too'? King, may problema ka ba?" napasinghap ako ng hangin sa pagkagulo ng isip ko.
"Sorry, marami lang talaga akong iniisip." malumbay n'yang sagot.
"Kasali parin ba ako dun?"mahinahon na tanong ko.
"Ofcourse.... I love you, Queen. See you tomorrow. I miss you." pagkatapos n'yang sabihin ang mga salitang iyon ay nagbaba na s'ya ng telepono.
Nakakwalang gana. Ano bang problema n'ya.
Lalabas sana ako para makisaya pero parang tinamad na ako.
Nahiga nalang ako sa couch para magpahinga pero hindi ako mapakali. Nakakainis naman.
*scroll*
*scroll*
Tiningnan ko ang chat log ko kung online si Jackie at Ping pero hindi. Offline sila pareho.
Nagpatuloy ako sa pagbabrowse pero si Nico lang ang active sa oras na ito.
Woaw. Out of 1000 friends siya langang online. Nasaan na 'yung 999?
Ako: Hi Nico, Kumusta?
Okay lang naman siguro diba? Friends naman kaming dalawa.
Nagcr muna ako para magrelease ng urine pero pagtingin ko sa phone ko...
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...