NICO'S POV
Tinanong ko si Macky kung saan ko pwedeng dalhin si Aira para magdate at sa "Labeled" ang ibinigay n'ya sa aking sagot.
Umuwi ako ng bahay para ihatid si Tita at para narin magpalit ng damit nang biglang makasalubong ko si Happy sa may sala habang nanonood ng T.V.
"I suggest sa Labeled mo s'ya dalhin. Maganda doon." aniya. Malapad na malapad ang mga ngiti n'ya at tila ba may naaalalang magandang pangyayari sa lugar na iyon.
"Talaga ba? Yun din kasi ang suggestion ni Macky. I suppose maganda nga." dali dali n'yang kinuha ang remote para i-mute ang volume ng Tv. "Eh? Sinabi n'ya yun!?"
"Kasasabi ko lang diba?" napangiwi s'ya at muling nilaksan ang volume ng tv. "By the way dun mo s'ya papaupuin sa red chairs. Just so you know, para 'yun sa mga couple."
Tulad nga ng sabi ni Happy may label ang bawat upuan na naririto. Pink, para sa mga single, blue para sa magkaibigan, orange, kung nasa stage palang kayo ng mutual understanding at red kapag kayo na.
"Tayo na?" naka akbay ako sa kanya habang nakatayo sa hallway ng restaurant. Tumingala s'ya para tingnan ako at bahagyang kumunot ang noo.
"Hala. Nakalimutan mo na ba na girlfriend mo na ako?" nagkibit balikat s'ya at sumimangot.
"Tss. Tayo na... as in tara na. Tara na dun sa red chairs." ibinalik ko ang aking mga bisig sa pagkaka akbay sa kanya ay masaya kaming naglakad patungo sa aming table.
"Clingy ka pala, Sir." aniya habang tinitingnan ang menu.
"Hindi naman masyado. Hindi kasi ako makapaniwala na akin ka na ngayon."
"Yan din ang sabi sa akin ni King noon. 'I just can't believe that you are mine now' , ang daming n'yang drama aalis rin naman pala." umismid s'ya at marahas na binuklat ang menu sa ibabaw ng lamesa.
"Magkasama tayong dalawa pero iniisip mo s'ya. Akala ko ba tapos ka na dun." naiirita kong sabi. Hindi mawala sa isip ko kung gaano n'ya minahal ang lalaking iyon kaya kahit pa alam kong imposible na sila ay naiinis parin ako.
"Hindi ko s'ya iniisip. Naalala ko lang s'ya at magkaiba 'yun." pareho lang 'yun. Ano namang magkaiba sa sinasabi n'ya? Hindi ako nagsalita at tahimik na tumitig sa hawak na menu. Damn, napapraning ako.
"Dear, iniisip mo ang isang tao kung sinasadya mo. Pero yung naaalala LANG, yun yung bigla na lang s'yang pumasok sa isip mo out of the blue. Hindi naman maiiwasan 'yun diba?"
"Oo na. Order na tayo." umorder kami ng sisig fries, awkward breads at pasta.
"Galit ka ba?" tanong n'ya nang mapansing hindi ako masyadong nagsasalita. Hindi naman talaga ako galit, nawala lang ako bigla sa mood.
"Hindi no. Nagseselos lang ako. Ex mo yun eh. Si Jian 'yun." natawa lang s'ya sa sinabi ko at bahagyang inilapat ang kanyang ulo sa aking balikat pagkatapos ay sinubuan ako ng fries.
"Past is past. Kaya nga ex eh... Ekis na. Tapos na. Past tense. Walang bawian, period. No erase."
Sinubuan ko rin s'ya ng fries and I surrendered in defeat. Bakit ko nga ba iisipin si Jian to think na wala na silang pag asa at hindi na sila pwede diba?
"May gift nga pala ako sa'yo." kinuha n'ya ang isang maliit na box at iniabot sa akin ito. Binuksan ko ang kulay green na card at binasa.
"Dearest Babe, I just wanna thank you for loving me through my ups and downs. Every milisecond, every minute and every hour with you is just so beautiful. Just wonderful. Just awesome. I promise you, that the best is yet to come. I love you."
Maayos kong tinanggal ang kahon sa wrapper para ipreserve ito. Alam n'yo na, remembrance. First girlfriend eh.
"Relo?" wika ko habang nakangiti.
Hinawakan n'ya ang kamay ko at isinuot sa akin ang ibinigay n'yang regalo.
"Oo... kasi simula ngayon sa'yo na lahat ang oras ko. I love you."
Hinaplos ko ang kaliwa n'yang pisngi at bahagyang ipinaglapat ang aming mga labi.
"Mas mahal kita..." saad ko habang nakatitig sa kanya.
JIAN'S POV
"Thank you for flying with us, Sir." sabi ng petite at mabait na stewardess.
Lumabas ako ng airport at marahas na suminghap ng hangin. Namiss ko rin pala ang pollution dito sa bansa.
Tumungin tingin ako sa paligid para hanapin sasakyang sasakyan ko pauwi ngayon. Susunduin ako ni Joyce at tanging s'ya palang ang nakaalaman na nandito na ako.
"Hey Jian freaking McMillan!" sa tinagal tagal kong nakatayo ay nasa tabi ko lang pala ang kanyang color gray Venturi Atlantique.
"Surprise." matamlay kong saad. Pumasok lang bigla sa isip ko kung ano nga bang ginagawa ko dito. At kung bakit nga ba ako umuwi.
Itinaas n'ya ang kanyang shades sa ibabaw ng kanyang bagong dye na buhok. "Get in the car. I'm starving already... tagal mo kasi."
Sumakay ako at pumunta kami sa hotel kung saan ako may reservation. Medyo guilty rin kasi ako dahil hindi ko sinabi ang problema kay Mom. I wonder kung anong sasabihin n'ya sa nangyari.
"Diet?" pang aasar n'ya. Nasanay na kasi akong hindi kumain ng rice. Puro lettuce, cucumber at konting tomatoes lang ang laman ng plato ko. Vegetarian asshole.
"Or should I say... broken hearted?" nilingon ko s'ya at napaawang na lang ang aking bibig. Wala na akong nasabi.
"She's fine. New hair, new work, new... boyfriend. Yeah, as in new life." napatutop s'ya sa kanyang bibig na tila nagsisi sa kanyang nasabi.
"Uhm... good for her." Umupo ako sa tabi n'ya at tahimik na kumain.
Hindi naman ako masyadong nagtagal pero para bang maraming nagbago. Yung bawat lugar, yung pagkain, si Joyce, sila. Sila nang dalawa.
"Maganda ba ang buhok ko?" tanong n'ya. Napaisip talaga ako kung bakit ang laki ng pinagbago n'ya. Mukha s'yang masaya hindi tulad ng dati na tila galit sa mundo.
----
#NLTMWelcomeBackJian
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...