AIRA'S POV
"Steph, tara kumain sa labas treat ko."
"Wehhhhhhhhhhhh???!" nagdududa n'yang tanong.
"Joke, nagyayaya si Nico sa bahay nila. DL kasi ang pinsan n'ya."
"Eheeemm.. may pag-asa na ba?" tanong n'ya.
Pumunta s'ya sa harap ng cubicle ko at nagpuppy eyes habang hinihintay yung sagot ko.
"Basted na s'ya. Hindi ko ba nasabi sa'yo?" sabi ko habang nakatingala.
Hindi ko ata s'ya nainform.
"Hmmmm. So Jian na talaga? S'yang s'ya na!?"
"Yeah...." proud kong sagot.
Sinimangutan n'ya lang ako at hindi na nagcomment. Magsama sila ni Ping.
Pagkalabas namin ng office dumiretso na kami sa bahay nila Nico at agad naman kaming sinalubong ni Happy.
"Hi Ate, salamat nakapunta kayo ng friend mo." bati n'ya.
"Congratulations, Happy!" sabay naming sabi.
"S'ya nga pala si Steph, nasaan si Nico?" tanong ko.
"Hello Ate Steph, parating na siguro si Kuya, sinusundo n'ya lang sina Kuya Dave."
Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa table ng mga pagkain dahil gutom na talga kami.
"Hi baby boy, anong name mo." tanong ni Steph sa batang tumatalon talon sa harap ng lamesa.
"Jamesssss.." masigla n'yang sagot.
"Sobrang cute mo naman James, ako si Ate Steph tapos s'ya naman si Ate Aira." nagsmile ako sa bata nang ipakilala ako sa kanya ni Steph
"Haaaaaa? Ikaw po si Ate Aira, yung babaeng lab na lab ni kuya pero hindi s'ya pinili?" tanong ng bata.
Biglang nagtransform yung ngiti ko into poker face. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Naku friend, wanted ka ata dito eh. Konti lang ang pwede mong kainin."
"James, behave. Sorry girls, madaldal talaga yang anak ko." sabi ng babaeng nagpakilalang kapitbahay nila.
"Kitams, pati bata affected sa choice mo."
"Ate Aira, alam mo ba lagi ka sakin nikukuwento ni Kuya." sabi ni James
"Talaga ano namang sinasabi n'ya?" curious kong tanong. Syempre gusto ko rin namang malaman.
"Sobrang ganda mo daw po. Tapos nikikilig daw po s'ya kapag nikakausap mo s'ya."
Napangiti naman ako sa revelation nang bata. Ilang sandali pa, dumating na si Nico kasama ang barkada n'ya.
"Kuyaaaaa, diba lagi mo nikukwento sa akin si Ate Aira tapos sabi m----." salubong ni James kay Nico
Tinakpan ni Nico ang bibig ni James at binulungan ito. Ano kayang sinasabi n'ya.
Nagnod naman si James at umupo sa sofa.
"I'm glad nakarating ka'yo. May leche flan sa ref, ikukuha ko kayo." tumakbo si Nico papuntang kitchen at bumalik na may dalang leche flan.
"Salamat..." sabi ko.
"Favorite mo 'to diba?"
Ipinaglagay n'ya ako ng leche flan sa pinggan. Tapos nang mailagay n'ya bumalik s'ya sa kusina para kumuha ng gelatin at inilagay ulit ito sa plate ko.
"Guys, uwi na tayo. Si Aira lang ata ang bisita dito." wika ni Zach.
"Wait, hindi ba kayo makapaghintay?" sagot ni Nico habang medyo namumula.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...