CHAPTER 59

358 10 1
                                    

NICO'S POV

Kahit minsan may pag aalinlangan, palagi kong iniisip na ako ang mahal n'ya at ito ang aking pinanghahawakan.

"Nico, hindi ka ba natetreathen kay Jian? Dude, bakuran mo na ng husto yang si Aira kasi baka mamaya hindi mo namamalayan unti unti na pala s'yang binabawi sayo." Nandito kami ngayon sa apartment nina Jackie at Ken para paghandaan ang pagdating ng mag ina. Nanganak si Jackie three days ago kaya naman muling nakumpleto ang aming tropa.

"No. I don't see Jian as a threat. He's a friend not a foe." sagot ko sa nang iintrigang si Jeremy. Nagkatinginan silang lahat at sabay sabay na napailing. May mali ba sa sinabi ko? Mag dadalawang buwan na mula ng bumalik si Jian pero kahit kailan hindi ko naman naramdamang nakikipagkumpetensya s'ya.

"Alam mo Nico, minsan sa sobrang bait mo nakakainis ka na. Tanga ka ba? Halata namang mahal parin ni Jian ang girlfriend mo. Hindi naman masama kung nag uusap sila, kung binabantayan parin n'ya si Aira pero dude, nand'yan ka na. Hindi ka naman nakakasiguro kung hindi na talaga pinopormahan ni Jian si Aira." Paalala ni Tungsten. Pinopormahan nga kaya ni Jian ang Aira ko ng hindi ko alam?

Nagkakabit sila ng welcome sign sa loob ng kwartong nilinis namin kanina at yung iba naman nagluluto pa.

"Loyal sa akin si Aira." Pagatatanggol ko sa kanya. Kahit these past few days ay nararamdaman ko ang pagkalungkot n'ya at pagkawala sa focus ay gumagawa parin s'ya ng oras para sa aming dalawa. Dumating na sa Pilipinas ang Mommy at ang Ate n'ya kasama ang mga pamangkin n'ya ngunit hindi kasama ang kanyang daddy na naging dahilan ng pagkalungkot n'ya.

"Sabi mo eh...." Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng busina mula sa labas kaya naman sinilip namin kung sina Aira na ba ito. Unang lumabas si Ping at Aira dala ang mga gamit ng baby sumunod naman si Jackie at Ken na buhat ang anak nila. Kinuyog namin si Ken para icongratulate s'ya bilang unang ama ng barka ngunit nabali ang aking atensyon sa huling taong lumabas ng sasakyan. Si Jian, s'ya pala ang nagmamaneho ng sasakyan. Nasubaybayan ko ang pagpasok n'ya mula sa loob ng apartment at ang paulit ulit na pagsulyap n'ya kay Aira. Napansin ko rin ang pag iwas ni Aira sa mga tingin n'ya. Paano kaya kung wala ako dito? Iiwas kaya s'ya? Mag uusap kaya sila?

Sabay sabay kumain ng hapunan ang lahat at nang lumalim na ang gabi ay nagkayayaang mag inom ang tropa sa sala. Hindi pinayagan ni Jackie si Ken maginom kaya naman nasa sala lang ito at nakaupo. Ang mga girls naman ay nasa kwarto at nagpipicture kasama ang baby kaya hindi ko pa talaga nasosolo si Aira simula nang dumating s'ya.

"Thanks." wika ni Jian nang abutan ko s'ya ng maiinom. Naabutan ko s'yang mag isa sa harap ng kanyang sasakyan na tila sinisilip ang gulong nito. "Nakalimutan ko nga palang magpasalamat sa ginawa mong pagliligtas kay Aira two months ago. Alam kong mahal mo parin s'ya pero mayroon sana akong hihilingin sa'yo." Hinarap n'ya ako at hinintay ang sunod kong sasabihin.

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi mo sa akin noon sa Nueva Ecija, yung tungkol sa distansya? Sinunod ko yun lalo na nung ikaw na talaga ang pinili n'ya. Umiwas na ako dahil alam kong sa'yo s'ya sasaya at wala nang pag asa dahil kayo na. At ngayong ako na ang kasama n'ya, sana ganun din ang gawin mo. Distansya... distansya lang."

Umigting ang kanyang panga matapos marinig ang aking sinabi. Umupo s'ya sa pasimano ng terrace at saka nilaklak ang bote ng alak na inalok ko sa kanya. "Sana kaya ko rin yung ginawa mo. Distansya? Mahirap yun eh." Napahalkhak s'ya at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pag inom. Nakaramdam tuloy ako ng pangamba dahil base sa sinabi n'ya mukhang may balak nga s'yang bawiin si Aira.

"Hindi ako nagbibiro. Iiwas ka ba o s'ya ang ialalayo ko sa'yo? Pasensya na pare pero, gusto ko lang malaman mo na, matagal ko s'yang hinintay kaya hindi kita hahayaang mabawi s'ya sa akin ng ganun ganun na lang." Bumalik ako sa loob papunta sa sala kung saan nagsasaya ang lahat. Nang magpasyang matulog si Ken para samahan ang mag ina n'ya sa kwarto ay nagkusa nang matulog ang iba para hindi na makaabala. Naiwan si Aira para ligpitin ang mga kalat at dinala namin ang mga natirang pagkain dito sa kusina.

JIAN'S POV

Distance? Big word. Paano ko magagawang lumayo kung wala akong ibang gustong gawin kundi lapitan s'ya?

I know I'll never love this way again. Hindi ko magawang maimagine ang future ko na iba ang kasama, wala akong ibang gusto kundi s'ya. Gustong gusto ko na s'yang bawiin kay Nico, hindi ko lang talaga alam kung papano.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng isa pang bote ng beer pero natigilan ako sa tapat ng pinto nang makita ko silang nag uusap.

"Ngiting ngiti ka ah... bakit parang masayang masaya ka ngayon?" Wika ni Nico na hinuhugasan ang mga baso sa lababo.

"Dear, masaya lang talaga ako para kay Jackie at Ken. Ang cute ni baby diba? Sa wakas nagkaroon din sila ng happy ending. Nakakainggit." sagot naman ni Aira. Nilapitan s'ya ni Nico at magkaharapan silang naupo sa magkahiwalay na silya.

"Anong klaseng happy ending ba ang gusto mo? Ibibigay ko sa'yo." Halos hindi ko maatim ang tanawing nasa aking haarapan. Magkahawak ang kanilang mga kamay at matamis na matamis ang tinginan sa isa't isa. May isasakit pa ba ito?

"Bakit magpopropose ka na ba?" Mas naglapit ang kanilang mga mukha at halos hindi ako makahinga nang makita ang ginawang paghalik ni Nico sa mapupulang labi ni Aira. Kahit mabilis lang ang paghalik na ito ay para bang nababasag ang aking mga buto.

"Not yet... siguro soon? Gusto ko kapag ready na tayo. Bakit ready ka na bang maging misis ko? Ready ka na bang alagaan ang pito nating anak? Tumaba... magkastrech marks?" Nagkibit balikat si Aira sa narinig at bahagyang sumimangot ngunit sa kabila noon ay mababakas parin ang saya sa kanyang mga mata.

"Hindi pa. Ayaw ko pang tumaba. Baka mamaya maglaban yung mga bilbil namin ni Jackie atsaka ayaw ko pang magkadouble chin. No way! As in no no way!" pabirong sabi ni Aira. Nag iwas ng tingin si Nico at nagtampo sa mariing pagtanggi ni Aira at nang mapansin ni Aira ito ay kumandong s'ya kay Nico para paglaruan ang mukha nito.

"Tampo ka naman agad..." Niyakap n'ya si Nico nang mahigpit at pinaulanan ng halik sa mukha. Ang saya saya nilang dalawa mukhang walang problema.

"Ayaw mong tumaba pero hindi mo pigilan ang pagkain ng awkward breads. Sobra sa carbs yun. Akala ko ba healthy living ka na?"

"Wednesday ngayon, cheat day ko. Minsan lang naman eh. Teka babe, wag mong ibahin ang usapan!" muli ay tinadtad n'ya ng halik si Nico sa pisngi. Grabe na ito.

"Babe, baka mabura na yung mukha ko!" sigaw ni Nico na parang walang pakialam sa makakarinig. Nagtatawanan sila nang malakas ngunit ilang sandali lang ay natahimik at sumeryoso ang kanilang usapan. "Bakit sigurado ka na ba sa akin?" tanong n'ya. Hindi parin naaalis ang pagkapako ng kanilang mga mata sa isa't isa.

Hindi nagsalita si Aira ngunit tinugon naman ito nang malalalim na halik. Ito na ba ang sagot? Sigurado na kaya s'ya? Ilang segundo akong umiwas ng tingin para hindi makita ang kanilang pagpapalitan nang halik. Ngunit sa aking pagmulat mula sa ilang segundong pagpikit ay nabigo ako. Tita nalulunod na sila sa isa't isa habang ako naman lumulubog na sa nasasaksihang eksena.

Nang hindi ako nakatiis ay mabilis akong umalis sa lugar upang puntahan si Joyce sa bahay nila. Nung una ay ayaw n'ya akong pagbuksan ngunit sa pagpupumilit ko ay hindi n'ya rin natiis.

"Anong nangyari sa'yo? Umaga na... inabala mo pa ako." Hindi ko s'ya sinagot. Sa pagkakataong ito ay mabigat pa ang aking nararamdaman na kahit kaunting detalye ay hindi ko masabi. "Bakit ko pa nga ba tinatanong? Malamang dahil sa kanila." Aniya.

"Paano ba maibabalik ang nararamdaman? Ano bang dapat gawin para mawala ang galit, pati narin ang doubt?" sabi ko na hindi naghihintay ng sagot. Wala namang alam sa pag ibig si Joyce kaya hindi ako nag eexpect ng matinong sagot.

"Kiss and make up. Sabi nila, kahit anong galit mo sa isang tao, kahit sobrang tindi ng takot mo at ng pag aalinlangan mo, kapag hinalikan ka n'ya lahat ng yun mawawala. Babalik ang lahat sa dati na parang walang nangyari. Ewan ko, nabasa ko lang naman sa libro pero it may not work for everyone."

---------

A/N

Sorry sa sobrang habang update! Hihihi

#NLTMHowToWinHerBack

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon