CHAPTER 75

680 11 0
                                    

NICO'S POV

Ipinatawag ng emcee ang mga abay para isagawa ang nakagawiang wedding games lalo na ang pinakaaabangan ng lahat na pagsalo ng bouquet at ang paghagis ko ng bridal garter.

Pumila ang mga babaeng abay sa baba habang hinihintay ang signal ng emcee. Nasilip ng mga mata ko ang mga tinginan ni Happy at Macky sa aking gilid kaya pinitik ko nang marahan ang tenga ng aking pinsan. "Wag mong sasaluhin, Happy. Matakot ka kay Tito." bulong ko.

Natawa s'ya nang bahagya saka napairap. "Mas takot ako sa'yo, kuya. Marami pa akong plans no. Wala ka bang tiwala sa akin?"

May tiwala ako sa kanya. Sa totoo nga natupad n'ya ang promise n'ya sa aming lahat na magtatapos muna s'ya ng pag aaral bago magkaboyfriend. After ng graduation n'ya sinagot si Macky na ngayon ay matinong matino na dahil sa kanya.

"Lumayo kayo! Ako ang sasalo! Gustong gusto ko nang mag asawa kaya naman parang awa n'yo na!" sigaw ni Tita Betty. Pero sa kabila ng kaniyang pagmamakaawa ay inabangan parin ng mga kadalagahan ang bulaklak.

May twist ang paghahagis ng bouquet dahil lahat ng sasalo ay nakablindfold habang si Aira naman ay nasa balcony. Si Allyson ang maswerteng nakasalo nito kaya s'ya ang pinaupo sa bridal chair.

Tinutukso s'ya ng kanyang mga kaibigan sa mga lalaking abay dahilan siguro kung bakit namumula mula ang kanyang pisngi. "Sino kaya ang maswerteng makakasalo ng bridal garter?" tanong ng emcee.

Nagsigawan ang mga babae naming kaibigan nang nagsimula nang pumila ang mga kabarkada kong abay rin. Nakalagay ang bridal garter sa palayok at isa isang papaikutin ang mga kalahok bago lumapit dito para basagin na nakasuot rin ng blind fold.

"Diretso! Diretso!" sigaw ni Allyson nang si Dave na ang sumusubok. Nagsilayo ang mga nanonood malapit sa right side kung saan nakapwesto ang palayok dahil doon naglakad si Dave sa tapat nila.

"Sayang si pogi oh! Next!" sigaw ng emcee at nagsimula nang paikutin si Macky. Pakiramdam kong sinasadya n'yang hindi mapalapit sa palayok para kay Happy kaya hindi rin s'ya ang nakabasag nito.

"Go handsome!" pagcheer nila kay Zach na nakasuot ng mamahaling tux. Halatang trying hard s'yang manalo pero siguro ang sobrang determinasyon ay masama rin kaya hindi s'ya nagwagi.

Napasign of the cross naman si Allyson nang si Jeremy na ang susubok basagin ang palayok. Sa hinaba haba ng panahon ay wala paring pinagbago ang kanyang mukha. Yung tipong kung mayroong athlete's foot ay s'ya yung athlete's face.

Pinaikot ikot s'ya ng madaming madaming beses saka pinakawalan. "Kaliwa!" sigaw ni Allyson kahit nasa bandang kanan naman ang palayok. Pinaglaruan s'ya ng mga kaibigan ko na sumisigaw ng iba't ibang direksyon dahilan para hindi n'ya malaman kung sino ang dapat sundin.

"Kaliwa! Kaliwa!" natatarantang sigaw ni Allyson at ng mga kaibigan n'ya. Si Tungsten kasi ang gusto nilang makapartner ni Allyson dahil crush na crush n'ya ito.

"Diretso sa kanan, Jeremy! Sa akin ka maniwala!" sigaw naman ni Macky na s'yang nagsasabi ng totoo.

"Kanan tapos kaliwa! Tapos kanan ulit!" utas ni Dave na masayang pinagtitripan ang kaibigan.

Napakamot sa ulo si Jeremy at halatang naguguluhan na. "Ano ba yan!? Saan ba talaga? Ayoko na nga!" sabi n'ya sabay marahas na itinapon ang pamalong plywood.

"OMG!" natuptop ni Allyson ang kanyang bibig at natigilan naman ang lahat nang hindi sinasadyang matamaan ng kahoy ang palayok at nabasag ito.

Tinanggal ni Jeremy ang kanyang blindfold at natulala dahil hindi makapaniwalang nanalo s'ya. Yung mukha n'yang seryoso pero mukhang joke. Tss.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon