CHAPTER 32

364 18 4
                                    

JIAN'S POV

"Phil, yung tripod?" busyng busy s'ya sa pag eedit ng picture ng isang client pero tumayo parin s'ya para iabot ito sa akin.

"Sure ka ba na okay lang sa girlfriend mo na kasama mo ako? Pwede namang sina Phil at Bryan nalang ang gumawa nito para sa akin."

"Joyce, maliit na bagay lang 'to. Kasama naman natin sila eh, walang malisya." palagi n'yang iniisip si Aira. Ayaw n'ya raw kasing maging dahilan ng pagtatampuhan naming dalawa.

"Wala ka bang boyfriend?" tanong ni Bryan na nakahiga sa sofa at kumakain ng apple.

"Wala. Hindi ako interesado sa kahit na sino."

Kinuha n'ya ang camera at tiningnan ang mga nauna n'yang pictures kanina.

"Pwede bang ito ang una mong i-print? Gusto ko kasing magkaroon ng portrait sa loob ng room ko." aniya

"Sige. Ako na ang bahalang magdadala sa bahay n'yo. Wala pa kasing frame na available."

"Okay. Wait, I just need to take this call." lumabas s'ya ng studio para sagutin ang tawag sa kanya.

Speaking of call. Hindi ko pa nga pala natatawagan si Aira.

Pumunta ako sa parking lot dahil naiwan ko ang cellphone ko sa loob ng kotse nang mapansin kong nagbavibrate ang phone ko.

Diane Evangelista is calling you...

HAPPY'S POV

Nasa mall kami ngayon dahil magpaparegister si Jeremy sa isang talent search. Hindi ko alam kung anong klaseng talent ang gagawin n'ya pero sumama parin ako dahil pinilit ako ni Kuya.

"Ano namang pinag awayan n'yo ni Maddison?"tanong ni Jeremy kay Macky na kagagaling lang sa isang break up.

"Selos. Sobrang selosa n'ya." wow ha ang gwapo n'ya naman.

"Pare, bakit ba kasi pinagtitiisan mo parin si Maddy? Marami namang iba d'yan." wika ni Dave

"Oo nga pare. Ang dapat kay Maddy pinapalitan na." sagot ni Macky.

Grabe s'ya. Anong akala n'ya sa mga babae, madaling palitan? Pasalamat nga s'ya eh nagseselos yung girlfriend n'ya. Meaning may pakealam sa kanya.

"Dude ang daming chika babes oh. Nakikita mo ba yung girl na 'yun? Yung nakahigh waist na shorts... ang sexy!" wika ni Jeremy na sumisipol pa

"Hindi lang sexy, makinis pa." sambit ni Zach

Mga manyakis.

"Nakatingin pa sa akin oh! Dude, feeling ko, ako ang type n'ya." confident na wika ni Macky

"Anong ikaw? Sa akin s'ya nakatingin. Kanina pa nga n'ya akong nginingitian." ani Zach

"Lalapitan ko lang ha." tumayo si Jeremy at nilapitan yung girl na pinag uusapan nila. Nag nod naman yung girl at nagpaalam sa mga girlfriends n'ya.

Papalapit na 'yung girl sa kinauupuan namin at masasabing ko pretty nga s'ya.

Maganda yung buhok n'ya na parang model ng shampoo at makinis ang balat parang model ng perla.

Dahan dahan s'yang naglakad palapit sa amin at nagwewave pa ang maganda n'yang buhok.

"Hi!" bati n'ya sabay ngiti.

Ay Bungi!

Nashock naman ang mga boys na kasama ko nang makitang tatlo lang ngipin sa unahan ng babaeng pinagpapantasyahan nila kanina.

"Miss, kung pwede daw makuha ni Zach yung number mo." wika ni Macky

"Ha? Anong ako? Ikaw kaya!" mariing pagtanggi ni Zach.

"Miss si Jeremy talaga! Sabi n'ya napaka ganda, napakasexy at sobrang nakakabighani ka talaga!" bulalas ni Macky.

Nagpapalit palit naman ng lingon yung girl sa kanila na nacoconfuse na.

"Bakit ako? Eh ako nga yung inutusan n'yo kanina para papuntahin s'ya dito." isa pa naman 'tong si Jeremy na choosy pa hindi naman yummy.

"Sige, mauna na ako." nakangiting pagpapaalam nung girl.

Ang sama nila. Porket bungi ayaw na nila. Ang mga lalaki talaga!

"Kuya, nililigawan mo ba si Miss Erika?" tanong ko nang makita ko ang picture nila na naka-tag sa fb n'ya.

"Hindi pa." so willing s'ya?

"Dude, okay lang sa'yo kahit may anak na s'ya?" tanong ni Macky.

Napaisip naman si Kuya sa sinabi n'ya.

"So what? Parang sinabi mo na rin na hindi karapat dapat mahalin ang mga babaeng may anak na." judgmental

"Hindi naman sa ganun. Ang sa akin lang---"

"Ganun 'yon!" kung ano man 'yon.

Inirapan ko lang s'ya at bumalik sa kinakain ko. Grabe talaga sila. Lalo na 'tong si Macky.

Pagkauwi namin nag online agad ako para i-stalk, este i- investigate yung ex ni Macky. Sino ba kasi si Maddy? At bakit ba talaga sila nagbreak ni Macky.

Maddison Javier
5 mutual friends

"Maganda naman ah." sabi ko sa sarili ko nang makita ang profile picture n'ya.

Narinig ko sa kanila na sobrang immature daw ni Maddy at selosa pa.

*scroll scroll*

aY0ko n@h! H!ndi koh nah kayA! PaLagee naLangs ikAw aNg Thama.

Posted 2 hours ago.

Ano daw? Muntik ko nang hindi maintindihan. Muntik na muntik na.

Ayaw na daw niya at hindi na n'ya kaya. Palagi nalang daw si Macky ang tama.

Matapos ng investigation, nag log out na ako. Ganun pala ang mga tipo n'ya.

NICO'S POV

"Hello!" bati ko pagpasok ko ng gate nila Erika.

"Suarez? Anong ginagawa mo dito?" nasurprise naman s'ya.

"Yung lunch box mo nakita ko sa gamit ko." iniabot ko sa kanya yung lunch box at naupo sa sofa nila.

"Pwede namang mamaya mo nalang ibigay sa school. Nag abala ka pa."

"Baka kasi kailangan ni Kim. Sumabay narin kayo sa akin." pag aalok ko.

Lumabas naman si Kim ng kwarto at medyo inaantok pa nang lumapit sa akin.

"Good morning, Kim. Kumusta?" bati ko sa kanya.

Poker face lang s'ya pero mas lumapit pa sa kinauupuan ko.

"Pwede po bang ikaw nalang ang papa ko?" nagulat naman ako.

"Kim! Hay naku Nico wag mo s'yang pansinin. Tinanong din n'ya si Sir Abedes kung pwede sya'ng maging papa n'ya." si Sir Abedes yung Principal namin.

Nalungkot naman si Kim sa sinabi ng mama n'ya. "Pwede mo naman akong maging kuya." pag aalok ko.

Pero mas lalo s'yang nalungkot.

"Ayoko ng kuya! Ang gusto ko, papa!"

AIRA'S POV

May pa-promise promise pa s'ya. Sabi n'ya tatawag s'ya.

25 hours na akong NAGHIHINTAY.

Pero kahit text man lang wala akong natanggap.

Masyado ba s'yang busy kay Joyce!?

Sobrang tagal naman ata ng photo shoot na 'yon.

Wala ba s'yang load? Hayst impossible.

Gusto ko nang magtampo. Naiiyak na nga ako. Huhuhu

Konting konti nalang baka hindi ko matiis ako ang tatawag sa kanya.

Baka sakaling maisip n'ya na nakalimutan n'ya akong maalala.








Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon