CHAPTER 66

329 11 1
                                    

NICO'S POV

They say pain changes people. And now, I can feel myself slowly changing. I really need this to free myself from everything that's hurting me... From everything that's holding me back.

"Madaya ka... kahapon lang nabuksan ko pa yung profile mo. Tapos kanina hindi na kita masearch. Niblock mo ba ako?" tanong ni Michelle. Katatapos lang ng photoshoot namin under ng isang clothing line at ngayon naglalakad kami sa tabing dagat bago kami umalis sa resort kung saan isinagawa ang shoot.

"Nope. Nagdeactivate ako ng account." Umupo ako sa buhangin at dinampot ang batong nasa aking tabi. Ihinagis ko ito sa dagat at pinagmasdan ang ginawang pagsalo ng tubig dito.

"Bakit naman? Dahil dun sa girl? Sayang naman yung mga pictures pati narin yung memories." aniya. Tumabi s'ya sa akin at tahimik akong pinagmasdan. "Those memories are not worth remembering. Even those pictures are not worth keeping." I said as I gave her a sarcastic smile.

"Wow, showbiz. Ano bang nangyari? Share naman d'yan!" sinagi n'ya ang balikat ko at nag abang marinig ang aking kwento.

"She cheated on me. The end." Kinuha ko uli ang batong malapit sa akin at ihinagis ito sa tubig. Nagbaling ako ng tingin sa kanya ngunit nakakunot lang ang kanyang noo. "Ang galing mo talagang mambitin. Ano nga kasi!? Alam mo, kung itatago mo lang yang lahat sa sarili mo hindi gagaan ang loob mo. So tell me, anong klaseng panggagago ang ginawa n'ya sa'yo?"

"Hinintay ko s'ya. Sobrang tagal... Kahit nung una hindi pwede, may boyfriend kasi s'ya noon eh. Pero hindi parin ako sumuko. Hanggang sa naghiwalay sila... sobrang lungkot n'ya. Umaasa ulit ako. Sinubukan ko ulit dahil mahal ko talaga s'ya. Ginawa ko ang lahat. Lahat lahat. Akala ko nga bokya ulit ako. Pero hindi naman pala. May pag asa naman pala. Naging kami... Masaya naman ako. Akala ko... masaya rin s'ya. Tapos bumalik na lang bigla yung lalaki. Sabi n'ya kahit anong mangyari ako parin. Binalak kong isurprise s'ya at magpropose sa kanya dahil akala ko ako lang talaga. Na kami na hanggang sa huli. Pero bigla nalang gumuho ang lahat ... nakita ko sila, magkayakap, magkalapat ang mga labi... Boom! Surprise! Sad no? Hindi lang pala ako. Or should I say hindi naman pala naging ako." Tumingala ako para pigilan ang luhang gustong pumatak mula sa mata ko. Nagbago na nga ako diba? Bakit pa ako iiyak?

"Kaya ngayon hindi ka pa okay." Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinaplos ito. "Bitch pala yun eh. Ang dapat sa mga ganung babae ibinababad sa isang bath tub na punong puno ng muriatic acid." Nilimot n'ya ang mga batong malapit sa kanya at inilagay iyong lahat sa palad ko. "Sige lang. Isipin mong s'ya yung tubig. Ibato mo lahat. Hurt that bitch!"

Ibinalik ko ang mga bato sa kanya at umiling bilang pagtanggi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang gawin ang mga sinabi n'ya.

"Hindi mo s'ya magawang saktan... Kaya ka ba lumayo? Para sarilihin lahat ng sakit? Hindi mo naman kailangang gawin yun eh. Isang malaking kaduwagan yun actually. Kapag nasasaktan ka, wag kang lalayo. Wag na wag kang lalayo. Alam mo ako pag nasasaktan, nagpapalaki ako ng boobs! Hindi ako kagaya ng ibang babae na nagmukmukmok na lang sa isang tabi, nagpapakapangit."

"Kaya naman pala." Hindi ko sinasadyang mapangisi. Napaisip tuloy ako kung ilang lalaki na ang nanakit sa kanya.

"Face her,Nick. Walking away won't do anything good. It won't make you feel good. Be brave." Isa isa n'yang itinapon sa tubig ang mga batong hawak n'ya saka tumayo. "Ako na lang ang gagawa para sa'yo."

"Tara na!" Aniya. Tumayo narin ako at sumunod sa kanya. How I wish I could be just brave as her. Sana ganun lang yun kadali.

AIRA'S POV

I know I am not fine. At kung ano man ito ay hindi ako interesado. Mamamatay na ba ako? Hindi naman siguro. Naniniwala akong nakatakda akong masaktan ng matagal at hindi ito gugustuhing tapusin agad ng kamatayan.

"Base sa iyong medical history, sa mga test na ginawa namin sa'yo... at base narin sa mga symptoms, nadiscover namin na you have narcolepsy. Don't worry this is not severe. Kaya lang we have to treat it. You have to help yourself." sabi ng doctor.

Narcolepsy lang naman pala. Akala ko naman cancer na.

"Doc, ano po ba yung narcolepsy?" tanong ni Ping.

"Narcolepsy is a sleep disorder. And people with narcolepsy experience excessive daytime sleepiness. Uncontrollable ito, at kadalasan sudden sleep attacks ang nangyayari. Pwedeng makatulog s'ya while driving, eating ,while having sex or kahit ano pa ang ginagawa n'ya. Makakaexperience din s'ya ng cataplexy at minsan hallucinations." Napatingin silang lahat sa akin sandali at muling ibinalik ang tingin sa doctor.

"Alagaan n'yo ang kaibigan n'yo... make sure na iniinom n'ya ang mga gamot n'ya. At bilang boyfriend naman n'ya wag mo s'yang bibigyan ng problema. Bawal s'yang mastress." sambit ni doktora kay Jian. Naningkit ang mga mata ko nang magtama ang aming mga mata. Pati ba naman sa pagkuha ng resulta kasama s'ya?

"Hindi ko po s'ya boyfriend." pagtanggi ko. "Salamat po, Doc." Tumayo ako at mabilis na lumabas para magpahangin. Sabi ng doctor bawal daw akong mamroblema at mastress. Hayy. Baka nga hindi na ako gumaling.

"A-ira...." ani Jian mula sa aking likuran. Tumigil ako sa aking paglalakad ngunit hindi ko s'ya nilingon.

"Pagaling ka ha." sabi n'ya. Matapos kong marinig ang sasabihin n'ya ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Neknek n'ya. Kahit ano pang gawin n'ya hindi na kami magiging okay. Narinig ko pa mula sa malayo ang pagyaya n'yang ihatid kami pero hindi ko na lang s'ya pinansin. Mas mabuting kausapin n'ya na lang ang hangin.

"Wag matigas ang ulo,Aira." hinawakan ni Ping ang braso ko at pinipilit akong pasakayin sa kotse ni Jian. Ang labo nila. Akala ko ba ayaw nila sa lalaking 'yun. "Hindi matigas ang ulo ko. Diba sabi ng doctor bawal akong mastress? Ping, s'ya yung problema ko. S'ya yung dahil kung bakit nai-stress ako." pagmamaktol ko.

Niyakap ako ni Jane at inalalayang maglakad. Hindi na sila nagsalitang dalawa hanggang sa makauwi kami ng bahay.

Ihinatid nila ako sa kwarto ko at agad akong nahiga sa aking kama. Inilapag nila ang ilang tableta ng gamot sa aking lamesa at bahagyang hinawi ang kurtina sa bintana.

"Manage your emotions. Hindi pwedeng palagi ka na lang ganyan. By the way, papunta kami kina Jackie, gagawa kami ng leche flan." hinawakan n'ya ang kamay ko bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.

Alam kong these past few days ay medyo naiinis na sa akin si Ping sa sobrang katigasan ng ulo ko. Sa lahat ng mga kaibigan ko s'ya yung number one na alam kong palaging concern sa akin kaya naman ayaw ko s'yang balewalain. Iilan nalang silang nakakaintindi sa akin ngayon.

Sa sakit kong ito hindi gamot ang kailangan ko... Si Nico, s'ya ang kailangan ko.

#NLTMNeedYouNow


Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon