NICO'S POV
Maganda ang gising ko ngayong umaga kaya masaya akong bumangon sa aking kama.
Lunes na naman na kung dati ay pinaka ayaw kong araw ngunit ngayon ay tila ba espesyal na araw para sa akin, pakiramdam ko lang naman.
Lumabas ako ng shower area at pinunasan ang aking sarili sa harap ng salamin.
Nakangiti pala ako kanina pa. Hayy. Sorry na, masaya lang. Hehe
"Good morning, Sir" bati ng mga estudyanteng lumalabas ng gate.
"Good morning din..." bati ko. Ngunit nagtaka ako habang papasok ako ng school nang mapansing padami na nang padami ang mga estudyanteng lumalabas.
"Annie, saan kayo pupunta? Hindi ba't may klase pa tayo?"
"Wala na pong pasok, Sir. Holiday." aniya.
Mas lalo akong nagtaka. Kailan pa naging holiday ang February 4?
Pumasok ako sa class room para silipin kung naglinis ba ang mga estudyante bago umalis. At isa pa, balak ko ring ituloy ang aking lesson plan na hindi ko natapos kagabi nang...
"Surprise!" sigaw ni Monique na nagtatago pala sa loob ng diban.
"Anong ginagawa mo dito!?" gulat kong tanong.
"Gusto lang naman kitang masolo! Wag kang mag alala, wala na ang mga abala. Pinauwi ko na lahat ng estudyante dito sa school n'yo!" nababaliw na talaga s'ya.
"Ganun ba...excited pa naman sana akong magturo." disappointed akong naupo hindi dahil walang klase kundi dahil nandito s'ya.
Lumapit s'ya sa akin at kumalong sa mga binti ko habang hinihimas ang buhok ko.
"Monique... pwede bang dun ka umupo sa may armchair? Hindi kasi ako makapagsulat ng maayos eh." tumayo nga s'ya ngunit hindi naman ginawa ang sinabi ko bagkus nagpunta sa likuran ko at minasahe ang likod ko.
"Mamaya mo na gawin ang mga bagay na makakapaghintay... ako kasi hindi. Hindi ko na kayang maghintay." maharot.
*phone rings*
Aira Dela Rosa <3 is calling you...
Tumatawag si Aira kaya tumayo ako para sagutin ito.
"Hello? Good morning..." bungad ko.
"Hi... Pwede mo ba akong samahan mamaya? Naisip ko kasi na baka susunduin mo si Happy kaya magpapahatid narin sana ako sa yoga class ko... kung okay lang?" sabi n'ya sa kabilang linya.
"No problem... diba sabi ko naman sa'yo kagabi magkita tayo ngayon? Susunduin nalang kita mamaya." malambing kong sabi. Bumitin naman bigla si Monique sa mga braso ko at pilit na pinakikinggan kung sino ang kausap ko sa telepono.
"Awwwwwww!" bulalas ko nang biglang kurutin n'ya ang aking KUWAN.
"May problema ba?" tanong ni Aira.
"Wala... madami kasing lamok ngayon dito sa classroom. Sobrang dami! At... ang laki!" sabi ko na kunwari ay pumapalakpak para patayin ang mga lamok.
"Anong lam----" magsasalita pa sana si Monique pero bigla kong tinakpan ang kanyang bibig at dahil makulit s'ya mahigpit parin n'ya akong niyayakap at inaamoy amoy ang aking bandang leeg.
"May kasama ka ba?" nagdududa n'yang tanong.
"W-ala... ako lang. See you later na lang ha... Bye!" ibinaba ko na ang tawag dahil baka kung ano pang gawin sa akin ng babaeng ito.
"Sino s'ya!?" tanong ni Monique. Itinulak n'ya ako sa may table at hinila ang aking neck tie kaya halos magkalapit na ang aming mukha.
"Basta..." ngunit tila hindi n'ya nagustuhan ang sagot ko. Nag attempt s'yang halikan ako pero mabilis akong umiwas.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...