CHAPTER 53

370 13 1
                                    

AIRA'S POV

"Ano yan?" tumabi si Jackie sa kinauupuan ko at hinablot ang papel na hawak ko. "Flames!? Gosh Aira, para kang teenager."

"Akin na nga 'yan hindi pa ako tapos!"

"Love. Love ang result n'yan. Naipagflames na namin kayo ni Ping noon."

"Weh? Talaga?" hindi ako nakuntento at pinagpatuloy ang ginagawa. Love nga kaya?

"See. Gusto mo ata marriage eh." pang aasar n'ya. "Basta Aira, uulitin ko lang sa'yo... Sana 'wag mo akong tutularan."

Love nga. Hehe. Kilig much!

"Ano ka ba naman Jackie, hindi na babalik si Jian. At kahit bumalik pa s'ya, wala na s'yang babalikan." napanguso naman s'ya at hinablot ang ballpen sa aking kamay. Parang walang tiwala sa sagot ko.

"Sabi mo eh... kaso 'yan din ang sabi ko noon nang makilala ko si Cole. Pinaaalalahanan lang kita. Sana gamitin mo 'yang utak mo."

"Ofcourse. Isa pa mahal ko naman si Nico... mahal ko na talaga s'ya kaya kahit ilang Jian pa ang dumating hindi ko talaga papansinin."

"Pwede mo namang pansinin... wag mo nga lang mamahalin. Ulit." aniya.

Sinulat n'ya sa papel ang pangalan namin ni Jian para ipagflames pero pinunit ko agad ito para hindi na n'ya ituloy.

"Jackie! Natry konna 'yan noon. Alam ko na ang result. Letter M."

"Eh? Marriage!?"

"Nope. Letter M as in Malandi. Malandi s'ya eh. Paasa. Alam mo ba, bago n'ya ako iwan sinabi n'yang hindi n'ya ako minahal... tapos nung tumawag s'ya bigla n'yang binawi. Gag*."

"Bakit daw s'ya tumawag!? Hala, namimiss ka nun." narinig naman ni Ping ang usapang iyon at dali daling nagpunta sa sala para makiusyoso.

"Hoy, Aira... gusto mo bang kulutin ko yang buhok mo!? Bakit ka nakikipag usap sa ex mo?" mas hysterical pa s'ya kay Nico.

"Tss. Wag nga kayong OA. Sinabi n'ya lang naman na... "Aira, I wish you all the happiness you deserve even if I deprived you of that. And I will always pray that Nico can give you that." Ganern!" sabi ko habang ini-imitate ang sinabi ni King... este Jian.

"Uhm... yun lang? Alam ba ni Nico na nagkausap kayo ng E.X mo?"

"Oo naman. Kung makareact naman kayo feeling n'yo... kayo ang boyfriend ko. Wala na akong pakialam kay Jian. As in wala na!" sabi ko with matching taas ng kilay para fierce.

"Sus. Paano kung paglabas mo ng bahay makita mo s'ya d'yan sa labas ng gate? Tapos sabihin n'yang "Aira, ako na lang. Sana tayo na lang ulit." Anong sey mo!?" Ano yun One More Chance?"

"Kapag nakita ko s'ya... ngingitian ko s'ya. Tapos...tatanungin ko s'ya "Hey! Kumusta!? Bakit buhay ka pa!?" Seriously.

"Ang hard! Grabe s'ya oh... pero pupusta ako hindi mo kayang sabihin 'yan sa kanya. Ikaw pa..." confident na sabi ni Ping.

"Paano mo naman nasabi? Atska bakit ba kayo nag aassume na babalik pa s'ya? Pagkatapos ng ginawa n'ya may lakas ng loob pa s'yang magpakita? Ang kapal naman ng mukha n'ya!"

"Chill... malay natin diba? Maliit lang ang earth kaya anytime pwedeng magtagpo ang landas n'yong dalawa. Ikaw naman ang nagoover react d'yan eh. Nagtatanong lang naman kami."

"True. Pati si baby oh, gustong sipain ang ninang n'ya. OA daw kasi." hinihimas ni Jackie ang malaki n'yang tiyan at pinakinggan naman namin ito ni Ping. Sumisipa nga ang bata.

Ilang sandali pa may bumusina sa labas ng bahay kaya naman nagmadali akong lumabas para silipin ito.

JIAN'S POV

Hawak ko ngayon ang plane ticket ko habang  nakaupo sa labas ng nursery room.

Nagdadalawang isip kasi ako kung uuwi ba ako o hindi.

Pakiramdam ko wala na akong babalikan. Nasaktan ko s'ya ng sobra sobra at hindi ko narin mababawi pa ang lahat ng nasabi ko sa kanya.

"Sana totoo nalang ang lahat. Sana ako na lang ang daddy mo." sabi ko sa sarili ko habang sinisilip ang bata na nasa loob ng incubator.

Premature ang labor ni Diane dahil seven months palang naman s'yang buntis.

Halos wala na akong maramdaman sa sobrang sakit. Nagmahal lang naman ako. Nagmahal ako ng totoo pero bakit ganon? Bakit kailangan kong masaktan? Bakit kailangan kong makasakit?

"J-ian..." nakasakay si Diane sa isang wheelchair na inaalalayan ng isang British nurse.

Hindi ko s'ya nilingon dahil ayaw ko ring makita ang mukha n'ya. Baka makalimutan kong babae s'ya.

"I'm very sorry for my big mess, Jian. And... I know that apologizing won't change the stupid things that I've done. But please... please tell me how can I make things right again?"

"Disappear. Get lost." Napaka unforgivable ng ginawa n'ya at ang gusto ko ay hindi na s'ya makita kahit kailan.

"Leave us now then. Puntahan mo s'ya at sabihin mong kasalanan ko ang lahat. And tell her I'm sorry. 'Cause I really do." hindi ko alam kung saan n'ya hinuhugot ang lahat ng sinabi n'ya. Hindi naman 'yun ganun kadali. Bobo.

"Leave?" natawa naman ako don. "That's where your good at... leaving. Mahilig kang umalis, mahilig kang tumakas... hindi ka man lang nag isip at nandamay ka pa talaga ng iba. Sana sinolo mo na lang ang katangahan mo." napatungo s'ya sa kahihiyan at ako naman hindi makaramdam ng awa sa sinabi ko.

Sa sitwasyon ko ngayon parang gusto ko na lang makapanakit. Gusto kong ibuhos ang lahat ng galit ko.

"What I'm going to say might sound awful for you dahil ako ang dahilan kung bakit ka nahihirapan ngayon... Jian, if you really love her... go and tell her before it's too late. Kapag tinanggap ka n'ya ulit then she's the one. Dahil kung mayroon man akong natutunan sa katangahan ko, yun ay ang hindi dapat pabayaan ang isang taong kayang iwan ang lahat para sa'yo. Yung taong babalikan ka kahit walang kasiguraduhan. Yung taong ikaw parin ang pipiliin kahit matagal ka nang wala sa choices n'ya. Jian ikaw ang 'the one' ko... kaya lang hindi ikaw ang ipinaglaban ko."

Hinawakan n'ya ang kamay ko at niyakap ito. Naramdaman ko ang patuloy na pagtulo ng kanyang luhang kanina pa n'yang inilalabas.

"Do you wanna know why I can't forgive you now?... I paused. "It's because I've forgiven you so many times before kaya lang this time it hurts more than hell."

Bumitaw s'ya sa pagkakahawak n'ya at sinapo ang mukha n'ya. Pinawi n'ya ang kanyang mga luha gamit ang likuran ng kanyang mga palad at pinigilan ang paghikbi.

"Pero I know that time will come and one day, I will be able to look in your eyes without feeling pain you've caused. Only then I forgive you."

Lumayo na ako sa kanya at hindi na s'ya nilingon pa. Saka na lang uli sa susunod na pagkikita.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon