CHAPTER 44

363 16 5
                                    

HAPPY'S POV

Nag expext ako dun. Akala ko pa naman kaya n'ya tinanong kung ready na ba ako magkaboyfriend ay dahil may balak s'yang ligawan ako.

Pero masyado akong assuming... nalimutan kong hindi n'ya nga pala ako type.

"Magkikita na naman kayo ni Macky? Akala ko ba ayaw mo dun?" wika ni Kuya habang nananalamin. For sure pupuntahan n'ya si Ate Aira para umasa na naman.

Hay... nasa pamilya ba namin ang pagiging sawi sa pag ibig? Baka mapapabilang din kami ni Kuya sa listahan ng mga kamag anak naming tumandang dalaga at binata!? Wag naman. Huhu

"Pupunta ako sa school...At Kuya, wala akong time sa nakakainis mong kaibigan dahil masyado akong busy sa pag asikaso ng papers ko." may apply kasi ako bilang isang exchange student sa India.

"Ahhhhhh... okay. Pero mag gagabi na, mag iingat ka ha. Tawagan mo na lang ako kapag susunduin na kita." aniya

"Thanks, Kuya." nauna akong lumabas ng bahay sa kanya at naglakad ako papuntang kanto para mag abang ng jeep. Gusto kong isiping may sumusunod sa akin pero naisip ko rin na baka nag aassume na naman ako. Kaya dinedma ko na lang.

Ilang minuto lang nakarating ako sa school namin at naupo sa tapat ng gym para makipagkita kay Tom. Last day of submission kasi ngayon ng thesis namin.

"Akala ko hindi ka na makakarating. Nilalamig ka na ba? Pwede tayong lumabas?" aniya. Mahangin ngayon at nalimutan kong magdala ng jacket kaya naman nangangatog ako sa sobrang lamig.

Sa labas? Eh di ba mas lalong malamig sa labas?

"Sige... Masyadong tahimik dito, atska dapat rin tayong magcelebrate dahil wala tayong naging problema since day one."

"Saan mo gusto?"

"Kahit saan mo gusto."

"Uhm. Sure ka? Wala nang bawian ha." hinila n'ya ang kamay ko at dinala ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.

------

"Sorry, Tom... hindi kasi ako umiinom." inabutan n'ya ako ng isang bote ng beer at naupo sa tabi ko.

"Masyado kang matino. Try mo maging wild minsan para hindi naman boring." sabi n'ya gamit ang malandi n'yang boses.

"So you find me boring?" kinuha ko ang bote ng beer at umastang kaya kong inumin ito pero agad ko rin itong binitawan dahil hindi ko nagustuhan ang lasa. "Yuck... ito ba ang sukatan ng pagiging wild!?"

Natawa s'ya at pasimpleng inakbayan ako. "Sige lang... masasanay ka rin." all this time akala ko napaka gentleman n'ya pero ngayon kung paano n'ya ako tingnan at kausapin para bang medyo nakakabastos.

"Naiilang ako... pwede bang lumayo ka kahit konti lang?" inismiran n'ya ako at sa halip na lumayo ay mas lalo pang idinikit ang katawan n'ya sa akin at dahan dahang tinanggal ang salamin sa mga mata ko.

"Ayoko..." ngayon ay dinampi naman n'ya ng daliri ang labi ko kaya kinabahan na talaga ako. Hindi pala s'ya yung taong inaakala ko.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa lamesa para umalis na pero pinigilan n'ya ako gamit ang matigas n'yang bisig.

"Magugustuhan mo rin 'to. Mamaya ka na umalis!"

"Let me go!" sigaw ko. Pero para bang nagmistulang biro iyon sa mga nakarinig n'yang kaibigan. Nandito rin kasi sina Mike at Jelo na kapwa may kasamang mga liberated na babae.

"Like I said... ayoko." he gave me an evil grin at akmang hahalikan ako pero may isang lalaking nakasweat shirt ang dumating.

"Hoy lalaking tabingi ang panga! Bitiwan mo s'ya." wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at pagkatapos ay sinuntok s'ya.

Macky? Anong ginagawa n'ya dito.

"Wag kang makialam dito. Sino ka ba sa akala mo ha?" binawian naman s'ya ng suntok ni Tom at ilang sandali pa nakisali narin ang mga kaibigan n'yang may inom rin.

OMG. Pinagtutulungan nila si Macky. Pilit ko silang inaawat pero patuloy parin sila sa pagsusuntukan.

AIRA'S POV

Kasama namin ngayon si Jessica sa kwarto ko dahil may sleep over kami. Bumisita kasi ang buntis na si Jackie.

"Anong ipapangalan mo sa magiging baby mo?" tanong ni Ping.

"Kapag baby boy, Alessandro Benjamin... kung baby girl naman, Allyson Brytte."

"Nakakainggit... gusto ko narin magkababy!" wika ni Jane

"Wala ka ngang boyfriend eh..." singhal ni Ping.

Naisip ko tuloy bigla si Cole. Nasaan na kaya s'ya? Nakaget over na kaya s'ya sa ginawa ni Jackie?

"Ikaw, Aira, gusto mo narin ba magkababy?" pabirong tanong ni Jackie.

"Sa tamang panahon... kapag dumating na sa buhay ko si forever ko..." kung may forever. Hehe.

Nagkatinginan kaming apat nang may marinig na kumakanta sa labas.

Been thinking bout you baby
And I don't know what to do
All I think about is you
Seems everything around me
Things I've never understood
They all make sense when I'm with you.

"Nangangamoy Nico... ang bilis naman ng forever mo! And'yan na agad!" pagbibiro ni Ping.

Tumakbo silang tatlo sa balcony para silipin ang kumakanta sa baba. Marahil ay si Nico nga iyon base sa aking naririnig. Naglakad ako palapit sa balcony at nakumpirma kong si Nico nga ang iyon at tumutugtog pa ng gitara.

Oh, I've heard it all before
Finding so called love then you leave it behind
But now I feel so sure
I listen to my heart this time
So I lay it on the line

Chorus:

I know that what I've found is once in a lifetime
And I know there's no way out
Cause it's once in a lifetime

"Anong ginagawa n'ya dito?" bigla kong sabi.

"Obvious ba, eh di nanliligaw." sabay sabay nilang tugon.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko? Kikiligin na ba ako? Ngingiti? Papalakpak pag katapos n'yang kumanta? Hays para akong tanga.

"Bumaba ka na d'yan at bigyan mo na s'ya ng chance, go girl!"

"Ano ka ba naman Jane, three-month rule, remember?"

"Three-month rule? Para lang 'yan sa mga weak. Si Jian, may bago na, at isa pa magkakaanak na sila. Tigilan mo na nga ang pagpapaligoy ligoy. Ewan ko sa'yo!"

Kumaway si Nico sa amin matapos kumanta. "Hi, Aira!" aniya.


Tumakbo ako palabas para harapin s'ya. Nakakaloka naman 'to.

"H-hello Nico... Napadalaw ka?" hinihingal kong tanong.

"Gusto lang naman kitang makita... at makasama narin. Pwede ba akong pumasok sa loob?" napakamot ulo s'ya.

"S-sige come in... Magtitimpla lang ako ng juice." napabuntong hininga nalang ako habang pumapasok ng pinto.

Ang OA ko.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon