CHAPTER 19

520 36 3
                                    

JIAN'S POV

"Are you nervous? " tanong ko sa kanya habang kinukusot ang kanyang kamay na sobrang lamig.

Nasa back stage kaming dalawa dahil kami na ang sunod na mag aaudition. Hindi naman ako kinakabahan dahil sanay ako magperform pero s'ya naman paikot ikot at talaga namang kinakabahan.

"Yes. Matagal na kasi akong hindi sumasayaw kaya natetense ako."

"Queen, hindi mo dapat maramdaman 'yan. You're one of the best and for sure magugustuhan ka ng judges. Kasama mo ako kaya hindi ka dapat kabahan."

"Tama ka. Tiwala lang...tiwala lang." sabi n'ya habang nagi inhale exhale.

Sumilip ako mula sa back stage at nakita kong napakaraming nanunuod. Malayo ito sa ineexpect ko.

"Okay, contestant #32 magready na kayo." sabi ng staff na namamahala sa mga contestants.

"Oh my God! Oh my God!" sigaw n'ya. Akala ko ba hindi na s'ya kakabahan?

"Queen, believe me... everything's going to be fine."

"Oo na. Sorry ha masyado akong OA."

"Kayo na..." sabi ng staff

"Good luck sa atin. I like you, Queen." sabi ko habang hinahalikan s'ya sa noo.

"Good luck din sa'yo, King."

Nagpunta na kami sa stage at hinarap silang lahat. Magkahawak ang aming mga kamay at naramdaman kong sobrang lamig parin ng kamay n'ya.

Iniangat ko ang left hand n'ya at hinalikan ito. "Let's do it..."

Nagplay na ang kanta at sinumulan na namin ang pagsayaw.

Bakit ba s'ya kinakabahan eh napakagraceful naman n'ya? Magaling talaga s'ya kaya there's nothing to worry about.

When I first saw her alam ko na she has a lot of potential. Hindi nga lang n'ya alam na she's capable of almost everything.

"Smile..." bulong ko sa kanya.

Ngumiti naman s'ya at unti unting naging confident. Ibinigay ko ang best ko sa bawat galaw at s'ya din naman. Mabuti nalang hindi na s'ya naghohold back.

Last verse na ng kanta at malapit na kaming matapos. I must say, hindi n'ya ako binigo.

*clap clap clap*

Now we're done. May mangilan ngilang nagstanding ovation.

"Let's vote..." sabi ni John Doe sa mga kapwa ng hurado.

GO ba or NO?

"Okay... Jaira? Jian and Aira. Nagustuhan ko ang performance n'yo at talaga namang may chemistry kayo. So I'm saying GO!" comment ni Cris P.

"For me... GO! Napakaprofessional n'yong dalawa at nakita ko talaga sa inyo yung emotions." comment ni Stacey.

"GO din ako. Go go go!" sigaw ni John Doe habang pinipindot ang blue buzzer which means pasok na kami sa semi finals.

Woaw! Masaya ako para sa aming dalawa. Hindi lang kasi ito contest para sa akin kundi passion narin. Para sa akin napakalaking heartbreak ng pag alis ko sa Four Play pero sa ngayon, para bang nakatagpo ulit ako ng new life...with her. With my Queen.

Niyakap n'ya ako ng mahigpit at nakita ko ang saya sa mga mata n'ya.

"We made it!" sabi n'ya

"I told you.. I know that we can make it kasi I'm with you and you're with me..."

Lumabas kami ng studio ng sobrang saya. Hindi parin namin mabitawan ang kamay ng isa't isa.

"Let's celebrate?" tanong ko sa kanya.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon