CHAPTER 40

412 20 9
                                    

JIAN'S POV ;(

Sabi nila kapag malungkot ka sa pagpasok ng New Year, buong taon ka ring malulungkot.

Hindi ko na ata kayang maging masaya. Hindi ko na kasi maimagine ang susunod na 364 days na hindi s'ya ang kasama.

Kumusta na kaya s'ya? Iniisip n'ya kaya ako?

Kasi ako, hindi s'ya mawala sa isip ko. Mahal na mahal na mahal ko s'ya eh, kaso hindi na pwede.

Okay naman sana ang lahat pero not until makatanggap ako ng phone call from Diane.

*Flash back*

Diane Evangelista is calling you...

Bakit tumatawag ang ex ko?

"Hello Diane?"

"J-ian... I'm pregnant."

"Wow! Congrats." akalain mo nga naman magkakababy na sila ng husband n'ya.

"Ikaw ang ama...." huh? ako?

"Jian... hindi natuloy ang kasal namin kasi nadiscover ko na, buntis ako at sa'yo 'to. Jian, I'm sorry. Sorry kasi ngayon ko lang nasabi sa'yo." umiiyak s'ya sa kabilang linya habang ako naman hindi makapaniwala.

Gusto kong maniwalang imposible pero hindi ko matatanggal ang katotohanang mayroon naman talagang nangyari.

I was the one who ended the call. Naguguluhan kasi ako. Anong gagawin ko? Paano si Aira?

Handa naman akong panagutan s'ya. Anak ko 'yun eh. Kaso may masasaktan ako. Masasaktan ko ang taong mahal na mahal ko.

Apat na buwan na pala s'yang buntis pero ngayon n'ya lang sinabi. Grabe s'ya. Sana man lang sinabi n'ya ng mas maaga.

Wala akong mapagsabihan kundi si Joyce. Ayoko namang solohin ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko anytime para akong sasabog.

Nabiktima ako nung twist. All this time naging kalma ako dahil alam ko na kahit ipagpilitan nila akong ipakasal kay Joyce ay wala silang magagawa dahil pareho naming hindi gusto.

Tapos ngayon, ito pala ang pagsubok na kailangan kong harapin. Kaso wala akong choice kundi piliin ang magiging baby ko. S'ya na ngayon ang buhay ko...

Mas nasaktan ako nang sabihin ko sa kanyang hindi ko s'ya minahal. Tang i*a! Hindi yun totoo!

Gusto kong bumaba ng eroplano para sabihin ko sa kanyang mahal na mahal ko s'ya higit pa sa sobra pero huli na ang lahat. Hindi na nila ako payagang bumaba.

"May gusto ka bang kainin?"

"Okay lang marami pa namang food sa fridge. Where are you going?" napansing n'yang bumangon ako sa aking pagkakahiga para magbihis sa aming walk in closet kaya naman nagising s'ya.

"Magkikita kami ni Andrew. Gusto mo bang sumama?"

"Hindi na... I'm sure you want to go all by yourself."

Bago ako umalis hinawakan ko ang lumalaki n'yang tiyan at pagkatapos ay hinalikan ito.

"Bye..."

JOYCE'S POV

Sa nakita ko alam kong iba talaga ang iisipin n'ya. Hahabulin ko sana s'ya noon para mag explain pero pinigilan ako ni Jian. Mas mabuti raw kasi kung wala na lang s'yang alam, pero ako...hindi ako sang ayon sa desisyon n'yang 'yon.

Gusto n'yang itago kay Aira para hindi s'ya masaktan? Ano bang akala n'ya matutuwa si Aira kapag sa iba pa n'ya nalaman?

"Kung hindi ikaw sino? Bakit kailangan pa n'yang pumuntang America para lang lumayo?" wala narin namang point para magsinungaling.

"He's not in America... nasa London s'ya. Kasama n'ya si Diane yung..." paano ko ba sisimulan? "sa labas nalang tayo mag usap..."

Nasa loob kami ng kotse ko at sinabi ko na lahat ng nalalaman ko. Honestly hindi naman sinabi ni Jian sa akin lahat kaya nag aalinlangan akong iopen sa kanya.

"Tama naman s'ya. Wala na talaga kaming pag asa. Salamat ha... mabuti nalang sinabi mo sa akin kasi kung hindi, baka nabaliw ako sa kaiisip." halos parang bawat salitang binibigkas ko ay kasabay ng pagtulo ng luha n'ya. Mahal na mahal talaga n'ya si Jian.

"You have to move on... Marami ka pang makikilala." sambit ko. Ihinatid ko s'ya sa bahay nila kahit nung una ay ayaw n'ya pero napilit ko rin s'ya.

Hay. Wag na kasing magmahal... masasaktan lang.

AIRA'S POV

Why can't it be
Just a pathway full of roses
Leading to a sunset view
Where the one you've always dreamed of waits
Why can't it be
It was like a movie scene
The way I felt for you
Only you, didn't fall
Now it's not like the movies at all


Katatapos ko lang isulat ang last chapter ko at hinihintay na magsimula ang bagong taon. Ang New Year's Resolution ko? Hehe. Siguro maging matalino sa pag-ibig?

Marami narin akong plans like, magresign sa work para mabago naman yung surroundings ko, get a new haircut, meet new friends at kung anu ano pa...

"Book cover? Akala ko ba Just Like The Movies ang title ng story mo?" nagtatakang tanong ni Ping.

Nakapaglay out na kasi ako noon ng book cover pero ngayon gumawa ulit ako ng bagong design at ibang title na ang nakalagay.

"Gusto ko lang palitan...Not Like The Movies... Nagbago kasi yung ending eh. Narealize ko na, hindi naman lahat may happy ending diba? Yun ang gusto kong iparealize sa readers ko. Kasi minsan kahit walang kontrabida maghihiwalay parin kayong dalawa, dahil hindi talaga kayo para sa isa't isa."

"True... pero sure ka ba na magreresign ka na sa work mo? Kaya mo na bang iwan ang writing?"

"Hindi ko na kayang magsulat. I've had enough... hindi ko na nga alam kung paano magmahal. Ang tanging alam ko na lang ay magbake ng cake... kaya ikaw, tigilan mo na ang katatanong kasi mas gusto ko na lang na tulungan ka sa business mo, okay ba?"

Lumabas kami ng bahay para panuorin ang mga fireworks sa langit at masayang sinalubong ang bagong taon.

Sabi nga ni Joyce, marami pa akong makikilala.

Hindi naman magbabago ang lahat kung iiyak nalang ako palagi diba? Life goes on...with or without him.

"Happy New Year!!!!"

Lord, salamat po sa lahat ng blessings na binigay n'yo last year at alam ko pong hindi kailan man 'yun mauubos...

Nasaktan man ako... Nagkamali man ako... Umiyak man ako ng paulit ulit... Alam ko pong lahat ay may dahilan, dahil naniniwala ako na, hindi n'yo ako iiwanang empty handed.

Handa na po akong salabungin ang panibagong Chapter ng buhay ko...

Bagong taon..

Bagong ako...

Bagong tayo?...

.... Siguro ;)

------------

A/N

Pakinggan n'yo po yung kantang, Not Like The Movies by KC Conception... para mas feel n'yo :)

Vote. Comment. Recommend

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon