Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang magka usap kami ni Jian. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga bagay na dapat n'yang marinig ay hindi na siya nagparamdam.
Mabuti na rin iyon dahil wala na akong gusto pang sabihin sa kanya at sa tingin ko ay ganun naman din s'ya. Mamaya ay magkikita kami ni Nico at handa na akong sabihin at aminin sa kanya ang lahat, walang labis, walang kulang.
"Namiss ko 'to. Yung night life, yung ingay, yung mga boys!" bulalas ni Jane habang pumapasok kami sa Euphoria. Nagkayayaan kaming magbar dahil ilang buwan na kaming nakatutok sa bakeshop at nawalan na ng time para magsaya.
"Mabuti na nga lang napilit ko si Shawn. Hayst Jane, ikaw na lang ang walang boyriend!" pang aasar ni Ping. Sa tinagal tagal kasi naming magkakaibigan ay wala pang naihaharap na lalaki sa amin Jane bilang boyfriend n'ya. Although nagkukwento s'ya tungkol sa lovelife n'ya ay malaki ang paniniwala namin ni Ping na fiction lang ang lahat ng iyon. Mga lalaking nagiging boyfriend n'ya sa mga pocketbook na binabasa at sa mga napapanuod n'ya sa mga koreanovela.
"Maghintay ka lang, Ping. One of these days may maipakikilala ako sa inyo at sisiguraduhin kong maglalaway kayo sa inggit!" bulalas n'ya sabay wave ng hair.
Speaking of boyfriend, naghihintay ako sa isang table at hindi na mapakali sa pag aabang kay Nico. Gusto ko na s'yang makasama para naman hindi na ako mahirapang mag explain sa mga lalaking kanina pang umaaligid at nakikipagkilala.
"She's already taken. Kung gusto mo s'ya na lang." wika ni Ping sa isang lalaking nag aalok ng isang hard drink sa akin. Nireto n'ya si Jane sa lalaking ito na nagpakilalang Jake ngunit hindi s'ya pinagtuunan ng pansin.
"S'ya ang gusto ko." Sabi n'ya sabay turo sa akin. Nagtanggal s'ya ng isang butones mula sa kanyang suot na long sleeves at agresibong nilaklak ang isang bote ng San Mig Light sa aking harapan.
"Gross. Hindi n'ya ikinagwapo 'yun." Naiiritang sambit ni Ping. Lumipat kami papunta sa couch upang umiwas sa mga lalaking kanina pang nagpapapansin. "Mukhang mga fuckboy, lalo na yung Jake."
Kinuha ko ang aking telopono para tawagan si Nico ngunit hindi n'ya ito sinasagot. Dahil sa pagkabagot, walang gana akong sumandal sa couch at matamlay na pinanuod ang mga kaibigan kong nagsasayaw.
"Magkasama lang tayo kahapon, namiss mo naman ako agad." Nabuhayan ako ng dugo ng marinig ang malambing n'yang pagbulong sa aking tenga. "Sorry, natraffic lang."
Naupo s'ya sa tabi ko at tinanggal ang bote ng alak sa aking kamay upang hawakan ito. "Hanggang isang bote ka lang, dear." wika n'ya sa malalim n'yang boses ala FPJ.
"May sasabihin nga pala ako sa'yo about kay----." sisimulan ko na sana nang biglang sumigaw ang mga kaibigan namin sa aming gitna.
"Wag kayong magsolo jan! Join us!" sigaw ni Jane. Hinila n'ya kaming dalawa ni Nico papunta sa dance floor. Basag moment.
"Tungkol kanino?" sabi n'ya malapit sa aking tenga dahil halos hindi kami magkarinigan sa lakas ng music.
"Kay Jian!" sambit ko. Ngunit hindi nagpabago ang ekspresyon sa kanyang mukha at tila hindi naintindihan ang aking sinabi.
"Bakit ka naman pupuntang Japan?" Haist. Ang sabi ko Jian, hindi Japan. Sa sobrang daming tao sa aming paligid ay nagigitgit kaming dalawa at mas lalong naging mahirap ang pag uusap para sa aming dalawa.
"Mamaya nalang, babe." Medyo disappointed kong saad. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo at pagkahilo kaya naisipan kong lumabas muna para magpahangin.
"Hey, you alone? Wanna have some fun?" Biglang nalang tumambad si Jake sa aking harapan at madiin akong inakbayan.
"Get off. Don't you even dare to come near me." Inirapan ko s'ya at nagpasyang pumasok muli sa loob upang sumama sa karamihan.
"Wait!" hinarangan n'ya ako at pasimpleng pinasadahan ng daliri ang aking dibdib. Nasampal ko s'ya dala ng inis ngunit hindi s'ya natinag at madiin akong isinandal sa pader.
"You tits are tiny but I can work on that." Tinakpan n'ya ang aking bibig at marahas akong hinila papunta sa kanyang sasakyan. "Masyado kang pakipot. Kunwari ka pa, gusto mo rin naman!" pinasadahan n'ya ako ng halik sa aking leeg at walang awang pilit na sinisira ang aking damit.
"Mmmmmm." pagpupumiglas ko. Ngunit sa sobrang lakas ng ingay sa loob ay tila walang makakarinig sa akin. Pilit ko s'yang tinitulak palayo pero masyado s'yang malakas at hindi man lang ako makapanlaban. Wala na akong magawa kundi ang umiyak at magpapandyak kahit sa tingin ko ay walang pag asang bibitaw s'ya.
"Get your hands off her or else." Sabi ng isang galit at pamilyar na boses. Medyo lumuwag ang paniniil ni Jake upang tingnan ang taong papalapit sa aming dalawa at nang tuluyan na s'yang makalingon ay sinalubong s'ya nito ng sunod sunod na suntok.
"Jian!" bulalas ko. Hindi nagpatalo si Jake at pilit na ginagantihan ang galit na galit na si Jian. Malaki ang katawan ni Jake at halatang sanay sa away kaya naman natatakot ako para sa kanya. Humingi ako ng tulong sa mga lalaking lumalabas ng bar at nakuha ko ang atensyon ng lahat.
"Aira!" sigaw ni Nico at mabilis na tumakbo papalapit sa akin. Niyakap n'ya ako ng mahigpit at pinawi ang mga luhang umaagos sa aking mukha.
Dumating mga kasamahan ni Jake at pinagtulungang bugbugin si Jian. Duguan na s'ya at walang laban na pinagsisipa ng mga kaibigan ni Jake.
"Laban pa! Nasaan ang yabang mo!" sigaw ni Jake na may hawak na bakal. Natawag nito ang atensyon ni Nico at dali daling inagaw ang mabigat na bakal kay Jake pagkatapos ay marahas na itunulak ito malapit sa poste ng kuryente.
"Wag!" pagsuko n'ya sa ngayon ay galit nang si Nico. Nagmamadali silang sumakay sa dala nilang pick up at mabilis na umalis sa lugar.
Nilapitan ni Nico si Jian at agad naglahad ng kamay upang itayo ito. Nagkatinginan kaming tatlo at halos lumubog ako sa kinatatayuan ko na parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. Ang pangit ng eksena. Bakit sa ganitong sitwasyon pa.
Dinala namin si Jian sa pinakamalapit na clinic upang bigyan ng paunang lunas. Thank God dahil hindi grabe ang mga sugat na tinamo niya.
Nakasandal kami sa waiting area ng clinic at damang dama ang ingay ng katahimikan kaya ako na ang nagsimula. "Sorry ha. Sasabihin ko na sana sa'yo pero..."
"Pero naunahan ka ng pagkakataon. Okay lang. Mabuti na nga lang at dumating s'ya. Dahil kung hindi ka n'ya nakita baka kung ano na ang nangyari sayo." sabi n'ya habang pinipisil ang nanlalamig kong mga kamay.
"Galit ka ba?" napatungo ako sa kahihiyan ngunit agad n'ya iniangat ang aking mukha.
Umiling iling s'ya at pagkatapos ay napabuntong hininga. "Nagpasalamat ka na ba sa kanya?" Nilingon n'ya ang kurtina ng klinika kung saan ginagamot ang sugat ni Jian.
"Hindi pa." at pagkasabi ko noon ay lumabas ng ang nurse na naglinis ng sugat ni Jian.
"Go ahead. Madaling araw na, kailangan mo pang magpahinga." Nakangiti n'yang sambit at sinenyasan akong lapitan si Jian. Umuna na s'ya sa kanyang sasakyan at dahan dahan kong nilapitan si Jian sa kanyang kinauupuan.
"S-salamat." bungad ko. Pinagmasdan n'ya ang benda sa kanyang kamay habang nakangisi at nagkukunwaring hindi s'ya nasaktan.
"Maliit na bagay. You don't have to thank me because this is what I deserve."
"Mabuti na lang napadaan ka. Siguro kung wala ka dun, hindi ko na alam. Baka kung ano na ang ginawa n'ya sa akin." pasimple akong tumingin sa aking relo habang iniisip ang naghihintay na si Nico.
"Actually hindi ako napadaan lang." ipinukol n'ya ang titig sa akin kaya umiiwas ako ng tingin. "Sinundan kita."
"I'm keeping an eye on you everyday." napailing nalang ako sa sinabi n'ya. Ang bigat nito sa dibdib.
"You don't have to."
"Forgive me for not giving up, Aira. Pero kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan, hindi parin ako aalis." Tumayo s'ya at sinalubong si Joyce na s'yang susundo sa kanya. Nakangiti s'yang nagpaalam at naiwan akong nakatulala at naguguluhan.
#TornBetweenTwoLoversFeelin'LikeAFool
To be continued...
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...