Tumayo ako sandali papunta sa counter para ipafollow up ang take out ko. Pagbalik ko nakita ko s'yang nakatayo sa tapat ng table at mukhang tensyonadong pinapaikot ikot ang kanyang cellphone sa kanyang mga daliri.
"May naiwan ka ba?" tanong ko.
Umawang ang bibig n'ya na tila may gustong sabihin ngunit hindi n'ya iyon itinuloy.
"Ahm, p-wedeng makuha ang phone number mo? Just to... keep in touch." medyo parang nahihiya n'yang saad.
"Sure."
Ngumuso ako saka inilahad sa kanya ang aking palad para i-type ang aking numero sa kanyang cellphone. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ibinigay ko iyon. Pwede ko namang tanggihan, pwede namang sabihin kong wala akong cellphone at wala akong time sa pakikipagtext pero ibinigay ko parin. I don't know why. I just had a good feeling.
"Thanks, see you when I see you." paalam n'yang muli.
Tumango ako saka inayos ang sling bag ko. For a brief moment, I found myself amazed by Nico Suarez. The guy I used to hate.
Bumalik na ako sa office para masimulan ko na ang story ko. Ang hirap tapatan nung huli kong masterpiece, napepressure tuloy ako. Nagustuhan ng marami yung "Dangerously Beautiful" kaya naman due to public demand naging movie ito.
"Siguro may gasgas na ang brain cells ko. Hindi ako makapag isip, mababaliw na ako." daing ko kay Steph na nasa kabilang cubicle lang.
"Kailangan mo ng inspirasyon. 'Diba yun naman yung lagi mong ginagawa? Humugot ka sa mga experiences mo."
"Nahugot ko na ata lahat eh."
"Kung 'ganon, gumawa ka ng panibagong experience. Lumabas ka,have fun. Pumunta ka sa malayong lugar malay mo pagbaba mo ng bus matapilok ka tapos may lalaking sasalo sa'yo at tatanungin ka, "Miss are you okay?" then magkakatinginan kayo pagkatapos.."
Ngumiwi ako at inilagay ang aking daliri sa aking sintido.
"Wag mo nang ituloy Steph, masyado nang common yan."
"Ahm, wait. Ganito nalang, Mag imagine ka, like, anong eksena? Sa paanong paraan mo gustong magkakilala kayo ng future boyfriend mo? Oh 'di ba?" suggest niya.
Hmmm. Interesting.
Napaisip ako ng taimtim, ano nga bang encounter ang gusto ko with my future boyfriend?
Kinuha ko yung earphones ko para makinig ng music. Baka sakaling makakuha ako ng idea sa bawat lyrics na maririnig ko.
"What if, sa wedding ng isa sa mga kaibigan ko, yun ang setting."
"And then?" huni ni Steph habang nakatitig sa kanyang computer.
"Ahm... pinapanood ko yung ceremony ng kasal habang nagdadrama at nag iisip kung bakit napakalungkot ng lovelife ko, and malungkot ako kasi hindi ako makagetover sa break up namin ng ex ko ..."
"Okay, continue."
"Makikita ko siya, kasi isa siya sa mga bisita. May hawak siyang camera tapos mahuhuli ko siyang nakatingin sa 'kin. Tapos..."
"What happened next?"
"Ano kaya kung, pagkatapos mismo ng kasal, ipinakilala siya sa akin ng bride na kaibigan ko slash pinsan naman niya. Tapos magkikita ulit kami sa ibang event, after 'nun is yung usual na getting to know. Pwede na ba? Ano sa tingin mo?"
"Medyo common narin pero ikaw ang bahala, basta maganda yung execution at flow ng kwento."
Napabuntong hininga ako at napasubsob sa lamesa. Ano pa bang hindi cliché na eksena?
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...