JIAN'S POV
Nasa loob kami ng kotse ngayon at nasa tapat na kami ng bahay nila. Hawak ko ang mga kamay n'yang hindi ko mabitawan dahil papasok na s'ya sa loob.
"So...tayo na? Wala nang bawian ha."
"Oo na nga po... King, di ba kanina ko pa nasagot 'yan?" nakangiti n'yang sambit.
"I just can't believe that you are mine now...Atsaka ang sarap kayang marinig ng paulit ulit.."
"Awwwwwww. I love you King. Good night na..."
"I love you more... pero wait nasan na 'yung... good night kiss ko?" I pouted.
"Kanina pa akong halik ng halik sa'yo tapos ngayon nagrerequest ka ng goodnight kiss... Magtira ka naman para bukas.." pabebe n'yang sabi
"Please... kahit isa lang.." nilapit ko ang mukha ko sa kanya at ngayon magkadikit ang aming mga noo.
She kissed me on my forehead...
kissed me on my nose....
then down to my excited lips...
Tinitigan n'ya ang mga mata ko at pagkatapos ay pumikit s'ya ulit to kiss me again.
"How could you be so generous... Sabi ko isa lang." I jokingly said.
"Think of it as a promo.." she winked.
"You must be very tired... let's just see each other tomorrow."
"Okay..good night."
"Good night but not good bye." she waved at me as she enter inside her house.
Umuwi ako ng bahay at naglakad diretso sa kwarto ko nang makasalubong ko si Mom. Bakit gising pa s'ya ng ganitong oras?
"Where have you been? Hinahanap ka in laws mo at kanina pa kitang tinatawagan pero hindi kita macontact. Anong oras na? Bakit basang basa ka?"
"Oras na para itigil n'yo yang kalokohan n'yo. So what kung hinahanap nila ako? I don't care about them."
Masyado akong masaya para problemahin sila kaya I went straight to the bathroom to take a bath. Bilin ni Queen na maligo ako kasi baka raw magkasakit ako.
Hindi ko parin matanggal ang mga ngiti sa labi ko habang binabasa ko ang katawan ko. Nababaliw na ako.
----------------
8:00 am
"Jian, kanina ka pang nakangiti d'yan. Baka naman gusto mong magshare?"
"Kami na. She's officially my girlfriend."
"Yun lang? Ang babaw mo naman." says Bryan the heartless.
"Pre, sabihin mo kung naiinggit ka, ipaghahanap kita."
"I don't have time for that bullsh*t. Love? Para lang 'yan sa mga tulad mong corny." sabi n'ya while cleaning the lens of his camera.
Hindi kami nag aaway. Ganyan lang talaga si Bryan. Isa s'yang dakilang sadist na never pumasok sa isang relasyon.
"So, paano yung gusto ni Tita Bettina na ipakasal ka kay Joyce?"tanong ni Phil
"I don't consider that as a problem. Besides, ayaw rin naman ni Joyce na magpakasal sa akin. The feeling is mutual.."
AIRA'S POV
Pagkatapos kong magreport sa office dumiretso na agad ako dito sa set dahil hinahanap na ako ni Melanie.
Kasalukuyang ginagawa ang scene number 28 kung saan malalaman na ni Jessica na binayaran ni Madam Rose si Diego para ipagkalat ang nakaraan n'ya.
"Poor Jessica, kung ako ikaw hindi na ako magpapakita pa. Alam na ng lahat ang tinatago mong baho na isa kang bayarang babae, nakakadiri ka!"
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...