CHAPTER 8

821 56 13
                                    

Bukas na ang kasal nina Cole at Jackie. Fairytale ang theme kaya naman Cinderella-inspired ang kanyang wedding gown. Ako? Little Mermaid. Kidding, ofcourse not.

Labag man sa kalooban ko pero ako si Sleeping beauty kaya naman I have to wear pink. Gusto ko sana si Malificent cause black is my favourite color pero church wedding nga pala at ayaw kong magmukhang antagonist. Naunahan kasi ako ni Steph kay Snow White kaya naman wala na akong choice.

"Manood nalang tayo ng movie. Maraming pwedeng panuorin sa flash drive. Anong gusto mo?" tanong ni Nico

Nandito ako ngayon sa bahay n'ya dito kasi idedeliver ng tita nya ang susuotin ko para bukas. May embroidery business kasi ang family nila kaya sa kanila ako nagrent para may discount.

"Kahit ano basta 'wag horror." sagot ko habang nakaupo sa couch at nagmamasid-masid.

Malinis s'ya sa bahay at organize lahat ng gamit n'ya actually may color coding pa. Sa aking pagmamasid, nakita ko ang isang picture sa tabi ng flower vase.

"S'ya ba?" tanong ko habang tinuturo ang picture frame. Picture n'ya at ng isang girl sa Manila Ocean Park.

"Friend ko and co-teacher at the same time, si Erika." Sagot n'ya.

"Ahm..she must be very special para ilagay mo sa frame at idisplay ng nag-iisa dito sa table mo."

"Regalo n'ya sa akin yan kasama yung frame. Atsaka siya ang naglagay d'yan at hindi ako."

Nagpapaliwanag s'ya na para bang boyfriend na nahuli ng girlfriend na may kasamang iba. Feeling naman n'ya affected ako. Ipinupush ko nga s'ya eh kaso ayaw naman n'ya magpadala.

"Okay, akala ko kasi s'ya yung girl na tinutukoy mo. Infairness bagay kayo." Sabi ko habang tinititigan yung picture.

"Akin na nga 'yan. I'm inlove with someone else." Sabay kuha sa akin ng picture at tinaob sa table. Heto na naman s'ya sa mga titig n'yang nagsasabing ako 'yun.

Lord, bakit po ang ganda ko?

"K... heto ang gusto kong panuorin. John Tucker Must Die." Hawak ko 'yung remote kaya ako 'yung pumindot ng play.

Maganda yung plot ng movie tungkol ito sa isang womanizer. May tatlo s'yang girlfriend at nang malaman nung mga babae na pinagsasabaysabay sila umisip sila ng paraan para makaganti kay John. Comedy.

"Hayyy...konti nalang talaga kaming mga loyal." Sabi n'ya habang nagbubuntunghininga at nagpaparinig na naman sa akin. "Si Raven loyal ba s'ya?" tanong n'ya

Paano n'ya nalaman? For sure nakikipagsabwatan sa kanya si Ping, botong boto kasi sa kanya yung baklang 'yun.

"Maybe, pero I dumped him already. Hindi kasi s'ya nage-effort."

"Sus. Gusto mo ng nage-effort pero hindi ka naman marunong umappreciate." Ngayon natututo na s'yang magmake face.

Nagfocus lang ako sa pinapanuod ko at hindi s'ya pinansin ang sinabi n'ya. Tama s'ya eh. Hindi talaga ako marunong umappreciate. Ayaw ko na makipagdebate pero sa kabila ng pagtahimik ko, patuloy parin s'ya sa pagsasalita.

"May balak ka bang tumahimik?" tanong ko. Natigilan naman s'ya at nanahimik sandali. Kinuha ko yung remote para i-pause yung movie at bigyan s'ya ng panahong magsalita at nang sa ganun hindi s'ya makaabala sa panunuod ko.

"Masyado ba akong maingay? Sorry ha, curious lang kasi ako. Bakit ka ganyan at kung bitter ka ba? Hindi ka ba talaga interesado sa kahit na sino? Napakamanhid mo naman." Nagmamaktol n'yang sagot. Juice colored para s'yang bata.

"Ayaw ko muna ng relasyon. Pero kung 'yun ang bumabagabag sa'yo, 'wag kang mag-alala dahil kapag ready na ako ikaw ang kauna unahang makakaalam. Okay?"

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon