CHAPTER 47

377 12 4
                                    

AIRA'S POV

Naku! Wala lang daw!? Sa ganong klase ng babae hindi s'ya matutukso!?

Babaeng may balingkinitang katawan.. makinis mula ulo hanggang paa at may boobs na mala Kim Domingo ang laki!?

Imposimbleng hindi s'ya naapektuhan! Baka talagang gusto n'ya!

"Apo, bakit naman ganyan ang mukha mo? Mas maasim pa sa ulam natin." nagluto kasi si Lola ng paksiw.

"Wala po la, nastress lang."

Ewan ko ba kung bakit ako naiinis. Siguro dahil meron ako ngayon? O dahil sa init ng panahon?

Pero kung iniisip n'yong dahil sa kalandian ng dalawa, ay naku hindi! Hindi talaga!

"Maawa ka sa karne... wala s'yang kasalanan sa'yo!" wika ni Ping ng mapansing sinasalvage ko ang ulam sa aking pinggan.

Napanguso nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain kahit walang gana. Ilang sandali pa, tumayo na kami sa hapag kainan at nagsimula akong maghugas ng pinggan.

"Malandi!" sabi ko sa isip isip ko. Napasinghal nalang ako nang maalala ang tanawing nakita ko kanina.

"Bakit, ano bang ginawa sa'yo?" tanong ng aking konsensya.

"Oo nga noh? Ano bang ginawa nila sa akin?" sagot ko sa sarili.

Natigilan naman ako at napaisip.

Basta! Nakakainis parin.

Napaka imoral! At talagang sa gitna ng kagubatan! Nananihimik ang kalikasan pero sila nag iinit! Nakikisali sa global warming!

"Judgmental karin eh." sabi na naman ni konsensya.

Napatingi naman ako sa kawalan at nagtaka sa aking di maipaliwanag na reaksyon.

"Hindi ganun si Nico."

Tama. Hindi ganun si Nico.

Ano bang iniisip ko? Si Nico, makikipag-toot sa gubat?

Hayst. Aira, napakajudgmental mo.

Nagshower ako bago matulog at napabangon namang muli sa aking pagkakahiga.

Hindi kasi ako makatulog.

Lumabas ako sa may balcony at nagpahangin.

Masyadong fed up ang mind ko... Matagal tagal narin nang huli akong nagyoga.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni muni ay nahiga na ulit ako. Maaga pa ako bukas kasi magsisimba pa ako.

*boogsh*

"Sino yan?" nabigla naman ako nang biglang may kumalabog sa labas.

Tinanaw ko ang aming gate mula sa balcony at nakita ko si Nico sa labas ng bahay... Nakikipag away at tila duguan na.

Nagtatakbo ako sa labas at nagmamadaling tumawag ng tulong sa mga kapitbahay.

"Nico, gising! Nico...wag muna naman please! Nicooooo!"

Si Nico kasi wala nang malay. Tumakbo naman ng mabilis ang mga nambugbog sa kanya at hindi ko na namukaan pa.

Nagising si Lola at Ping dahil sa malakas kong sigaw at nabulabog narin ang mga kapitbahay namin.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni Lola.

Lord, ano po bang nangyari? Bakit nila binugbog si Nico? Magigising pa po ba s'ya?

"Nico.... please naman oh! Nico, gising! Hindi pa nga kita sinasagot mawawala ka na agad! Nicooooooo!!"

Wala na akong boses kasisigaw. Ngunit napakabagal ng respondeng dapat ay kanina pang dumating.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon