CHAPTER 29

392 22 12
                                    

NICO'S POV

"Mr. Famous... balita ko may recording contract ka na daw. Baka naman gusto mo mag blow out?" sabi ni Erika habang binunuklat ang class record n'ya.

"Sige ba. Saan mo ba gusto?"

"Seryoso ka? Nagbibiro lang naman ako pero kung may balak kang totohanin why not..."

Binuksan ko ang laptop ko para turuan s'yang gumamit ng excel. Hanggang ngayon kasi calculator parin ang gamit n'ya sa pagcocompute ng grades ng mga estudyante n'ya.

"Siguro nainlove na sa'yo yung girl na ginawan mo ng kanta... Siguro narealize na n'ya na dapat ikaw ang pinili n'ya."

"Sila na. Wala na talaga akong pag asa."

Kanina ko lang nalaman. Paggising ko niratrat na pala ako ng messages ni Paulo since last night. Si Ai na at si Jian.

"Okay ka lang ba? Tanggap mo na...?"

"Medyo... Lilipas din 'to." sabi ko habang nakangiti.

"Ahm.. bakit kasi hindi nalang ako." mahina n'yang sabi.

"Huh?"

"Just kidding..!" kinuha n'ya ang laptop ko at tinesting kung nakuha n'ya yung tinuro ko.

Palagi s'yang ganun, yung magjojoke tapos biglang babawiin.

Si Erika, s'ya ang pinakamabait na taong kilala ko. Masayahin s'ya kahit pang MMK ang buhay n'ya.

Isa s'yang single mom dahil namatay yung boyriend n'ya two days after n'yang manganak.

"Sasama ka ba sa fieldtrip?"

"Oo wala naman akong choice kasi compulsary..." sagot n'ya.

"Tabi tayo sa bus ha..." pag aalok ko sa kanya. Nagningning naman ang mga mata n'ya at biglang napangiti. Hayst crush ata ako neto.

"Okay... basta dun ako uupo sa tabi ng bintana."

Lumabas ako ng faculty room para pumunta sa room ng Grade 10. Tapos na ang lunch break kaya naman may klase na ulit ako.

Buhay guro. Nagtuturo kahit nagdurugo ang puso. -_-

JIAN'S POV

"Mom, gagamitin namin ng girlfriend ko ang dance studio bukas. Pag nakita mo s'ya, please naman...be nice."

"Oh son, kailan ba ako hindi naging nice? Kapag mahal mo, mahal ko na rin.." sarcastic n'yang sabi.

Akala naman n'ya bebenta sakin yung drama n'ya. Lumabas ako ng bahay at nagdrive papunta sa Sounds Central para magparemix ng gagamitin naming music sa semi finals.

"Sir, are you willing to wait? Naghang po kasi yung mixer namin. Kung gusto n'yo po bumalik nalang kayo after an hour."

"I'm willing to wait...." sagot ko. Nag ikot ikot ako sa bawat stall at tiningnan ang mga bagong release na album.

"Hey..." bati ni Joyce na nakatayo malapit sa akin.

"Album ba yan ng Stonehearts?" isang hardcore band kaya naman nagtaka ako kung bakit may hawak s'ya non.

"Yeah.. Fan nila ako. Lahat ng album nila inaabangan ko." seryoso ba s'ya?

"What's wrong?" tanong n'ya nang napatitig ako sa CD's na pinagpipilian n'ya.

"Oh, akala ko kasi ikaw yung girl na mahilig sa mga classical music atsaka yung mga kanta sa opera." sagot ko.

"Nope. Hindi ako nageenjoy sa mga ganung kanta... I love loud music." she giggled.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon