CHAPTER 35

389 18 3
                                    

AIRA'S POV

Mas lalo pang lumakas ang pagbuhos ng ulan na tila ba nagbabadyang maging isang bagyo. Tumakbo kami patungo sa Hostal Palanca na nasa dulo lang ng Nina's.

"Sobrang lamig..." sabi n'ya while firing up the chimney.

My hands started to shiver kaya naman I went in front of the chimney to warm my self.

"I'm sorry, wrong timing ang pagpunta natin dito." kinuha n'ya ang towel sa likuran ng pinto at iniabot ito sa akin.

"Siguro gusto ng tadhana na magkasama tayo ng mas matagal." pinunasan ko ang basa n'yang buhok at tinuyo ang basa n'yang mukha.

"Most probably." ipinulupot naman n'ya tuwalya sa aking katawan. "Baka magkasakit ka." aniya.

Nayakap lang s'ya sa akin ng matagal pero walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang tanging bagay na naririnig ko lang ay ang malakas na ulan na pumapatak sa mga yero at ang mga punong sumasayaw sa hangin.

*sob*

Humihikbi ba s'ya? Baka naman sinisipon lang s'ya. Bakit naman s'ya iiyak?

"What's wrong?" tanong ko.

"Wala, nilalamig lang ako." ngumiti s'ya at inayos ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

Basang basa s'ya at nangangatog ang buong katawan n'ya.

"Hubarin mo na 'yang damit mo." sabi ko sabay abot ng kumot na kinuha ko sa kama.

Hinubad naman n'ya ang kanyang damit at piniga ito. Naiilang ako na para bang first time kong makitang topless s'ya.

"Bakit?" sabi n'ya nang mapansing nakatingin ako sa kawalan. Ibinalik n'ya ang pagkakayakap sa akin at naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.

Umiling ako bilang sagot at nilingon s'ya, nangangatog ang kanyang panga.

Hinaplos ko ang mga kamay n'yang nanlalamig. Bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin ako sa mga mata n'yang nananamlay at nangungusap.

"Wag mo akong hawakan, natutukso ako." aniya.

Pero hindi ako bumitaw. "Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo s'ya hahayaang matukso." dagdag n'ya.

Pareho pala kami ng nararamdaman. Natutukso rin kasi ako.

Bumitaw ako at tinuyo ng twalya ang sarili ko. Huminga ako ng malalim to tame the wild.

Pero some nights deserve to end with more than just a kiss.

"Ang hirap." wika n'ya habang niyayakap ako ng mahigpit.

"Okay lang ba?" tanong n'ya.

Isang halik ang isinagot ko sa kanya. Handa na ba ako?

Humalik s'ya ng dahan dahan at ibinaba n'ya ang kanyang mga labi sa aking panga at papunta sa aking leeg.

Sinagot ko ang kanyang mga halik na nagdala sa amin sa mas malalim na sensasyon. Ito pala ang pakiramdam.

"Ayoko pala." sambit n'ya nang akmang tatanggalin ko na ang aking suot na damit. "Ayokong mamiss mo."

"Bakit aalis ka ba?" naguguluhan kong tanong.

Umiling lang s'ya. Natulog na kaming dalawa at nagsalo kami sa iisang kumot. Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagtulog nang bigla s'yang bumitaw sa pagkakayap at tumayo.

"Anong gagawin mo?"

"Maninigarilyo." kinuha n'ya ang yosi at lighter sa kanyang bulsa at sinindihan ito.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon