CHAPTER 39

377 18 14
                                    

HAPPY'S POV

"Sleep na baby...sleep na." wika ni Kuya ni Nico habang hinehele si Baby Glad.

"Kuya nagpapractice ka ano? Ayieeeee." panunukso ko. Ilang araw narin kasi silang "officially dating" ni Ms. Erika.

"Huh? Hindi... namiss ko lang talagang alagaan si Glad." nang tuluyang makatulog si Glad ibinaba n'ya ito sa crib.

Sana this time, hindi na mabasted si Kuya. Pero feeling ko naman may pag asa s'ya kasi parang gusto rin naman s'ya ni Ms. Erika.

"Parang napapadalas ata ang paglabas labas n'yo ni Macky? Nanliligaw na ba s'ya sayo ha?" binigyan n'ya ako ng nagbabantang tingin.

"Hindi!!! Bumabawi lang ako sa kanya kasi palagi n'ya akong sinasamahan. Treat ko 'to kaya hindi ito date kundi pag tanaw lang ng utang na loob.. okay na?" pagtanggi ko with matching iling ng marami.

Lumabas na ako ng bahay at hinintay na sunduin ni Macky. Akala ko yung motor na naman n'ya ang dala n'ya pero this time naka four wheels na s'ya. Yamanin.

"San mo gusto kumain?" tanong ko... treat ko eh.

"Sa Wacky's... o kaya naman dun Sa Pinggan..." aniya. Nagdrive na s'ya papunta sa Wacky's pero hindi ito open sa lahat ngayon dahil nakareserve na para sa isang party.

Pumunta kami Sa Pinggan pero under construction ito. Nagpunta rin kami sa iba't ibang kainan pero lahat wala nang space.

"Dito nalang kaya tayo?" aniya habang nasa tapat kami ng Labeled.

Lahat ng upuan dito may label. Kung single ka, dun ka uupo sa upuan na kulay pink. Kung friends lang kayo, kulay blue, orange kapag MU at red kapag in a relationship na kayo.

"Saan mo gusto umupo?" he smirked. Ang Labeled kasi ay isang dating place most of the time.

"Blue...."

"So friends na tayo?"

"Bakit may choice ba ako?"

Nilapitan kami ng isang crew at sinamahan sa mga kulay blue na upuan pero nang malapit na kami mayroon nang nauna sa amin.

"Kulay orange nalang po ang vacant. Okay lang po ba?" tanong ng crew. MU? Hindi pwede. Never in my wildest dreams.

"Bukas nalang kita itetreat... Wag kang mag alala hindi kita tatakasan." sambit ko. Kumunot naman ang mga noo n'ya na tila nadismaya sa sinabi ko.

"Ano ka ba naman Happy, upuan lang yan!? So what kung d'yan tayo uupo eh, MU naman talaga tayo. Pareho nating gustong asarin ang isa't isa..." umupo s'ya at niyakap ang lamesa. Ayaw talaga n'yang umalis.

"Tsss. Sige na nga." kahit hindi ako sang ayon sa sinabi n'ya. S'ya kaya 'tong nang aasar at ako 'tong palaging naaasar kaya hindi kami MU. Binigay na namin yung order namin at naghintay na iserve ito.

"Irerecommend ko ang place na 'to kay Kuya. For sure magugustuhan dito ni Ms. Erika."

"Hayst. As if namang magiging sila. Hindi kayang kalimutan ni Nico si Aira..."pasinghal n'yang sambit. Hanggang ngayon ipinaglalaban parin n'ya ang Team Aico.

"Pero si Ate Aira ay may boyfriend na, remember? Anong gusto mo tumandang binata ang kaibigan mo!?"

"FYI. Wala nang Jian at Aira. Kaya may pag asa na silang dalawa." pagmamayabang n'ya. Hindi ko yun alam ah..

"Kung talagang may pag-asa sila, eh di sana matagal na, sana noon pa!"

Pati ba naman s'ya umaasa?

AIRA'S POV

It's been 5 days, 4 nights, 3 hours since you went away. I miss you so much and I don't know what to say...

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon