Epilogue

1.3K 27 12
                                    

Isa akong writer... pero hindi na hopeless.

"Welcome back, Ms. A!" niyakap ako ni Katelyn pagkatapos kong lagyan ng aking pirma ang kanyang libro. Nasa bookstore kami ng isang kilalang mall at ilang oras din akong narito para makipagkita sa aking mga readers na medyo matagal rin ang ipinaghintay para mapirmahan ang kani kanilang biniling libro.

"Thank you. Kumusta naman kayo ni Darren?" tanong ko dahilan para lubusang pumula ang kanyang pisngi.

Naalala ko pa noong mga panahon na magkakasama kami sa taping ng movie nila ni Darren at mag isa palang na umiibig si Nico. Palagi nila kaming pinaglalapit pero palagi naman akong lumalayo.

"Eh kumusta naman po kayo ni Kuya Nico?" ibinalik n'ya sa akin ang aking tanong.

Inilahad ko sa kanya ang aking kamay para ipakita ang singsing sa aking ring finger. Nanlaki ang kanyang mga mata at pagkatapos ay mahinhing napalundag. "Seriously!? Congrats po! Akala ko wala na kayong pag asa." aniya bago nagpaalam na aalis na.

"Salamat, Kate!" utas ko. Inayos ko ang aking mga gamit at inilagay ito sa aking bag.

Masayang masaya ang aking pakiramdam. Hindi ko akalaing patuloy parin pala ang pagtangkilik nila sa aking mga likha kahit matagal akong nawala.

Oo, nagbalik ako. Nagbabalik ako para muling isulat ang lahat ng nilalaman ng puso ko. Dumating man sa buhay ko na wala na akong maisulat dahil sa mga sakit na aking naramdaman, heto naman ako at nagbabalik dala ang mga bagong karanasan.

Sobrang dami na ng mga kwentong naisulat at mga kwento sa pelikula at TV. Iba't ibang kwento na kahit may pagkakahawig sa isa't isa ay nananatili paring naiiba. May mga natatapos na masaya, may kwentong tinapos na puno ng pagdurusa at may mga kwentong natatapos para bigyang simula ang susunod na istorya.

Sa kabila ng mga hindi mabilang na mga istoryang ito ay patuloy parin ang paglalabas ng iba't ibang kwento sa pamamagitan ng iba't ibang tao. Bakit?

Dahil hindi natatapos ang pag ibig... Hindi naman kasi umiikot ang love isa iisang tao lang.

Pwedeng love coming from your family, love coming from your friends, love coming from that special someone... And the love that comes from you.

Kung sa tingin mo ay none of the above, wag na wag mong kakalimutan ang pinagmulan ng lahat ng pag ibig na ito. Because God is love.

Madaling makahanap ng taong mamahalin pero mahirap makakita ng isang taong mahal na mahal ka rin. I am so blessed kasi Nico found me. Kahit sobrang tagal ko nagtago ay kahit kailan hindi s'ya sumuko.

"Teka lang where's Nico? Matagal pa ba? Basta... 7 pm sharp." Wika ni Jackie sa kabilang linya. Abala sila sa pagpeprepare ng venue para sa Christmas Party namin mamaya.

"On the way na s'ya." sagot ko.

"Okay. See you." ibinaba n'ya ang telepono at naglakad ako para silipin ang mga bagong libro sa Romance Section ng bookstore.

Napangiti ako nang makita ko ang bagong publish kong libro. "For All The Good Things." Kinuha ko ito sa book shelf at pasimpleng niyakap. Ugh. Heaven.

Marahan ko itong ibinalik sa bookshelf pagkatapos ay inayos ko ang aking medyo nagulong buhok bago lumabas ng mall. Napatingin ako sa counter nang nakitang may lalaking bumili ng aking libro. Pinasadahan n'ya ang mga pahina at nakita ko ang pagngisi n'ya.

"You're buying her book again." sabi ng isang babaeng nakatayo sa gilid n'ya. Tinitigan ko s'ya ng mabuti at nadiskubre kong si Tania ang kasama n'ya, isang sikat na writer ng Midnight Sun Publishing House.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon