CHAPTER 43

399 21 5
                                    

NICO'S POV

"Anyare? Meaning, hindi pala talaga kayo naging mag-on?"paulit ulit na tanong ni Ping. Nabaling ang atensyon n'ya sa akin at sandaling itinigil ang kanyang ginagawa.

"Hindi nga..."sagot ko.

Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari habang tinatapos n'ya ang kanyang report.

"Hindi mo ba narerealize? Baka kayo talaga ni Aira ang para sa isa't isa. Nagbreak sila ni Jian tapos ikaw, nilet go ka na agad ni Erika...nakukuha mo ba yung point ko?" syempre naman gets ko.

"Kahit pa... Malay ko ba,baka para ako sa iba."

"Sabi nga ni Erika, matagal mong minahal sa Aira... kaya hindi ka na basta basta mafafall pa sa iba. Nahulog ka talaga sa kanya eh. Hulog na hulog, baon sa lupa... ganern! Kaya kung ako ikaw, magtry ka ulit. Baka this time, may pag asa na..."

"Sa tingin mo? Ahm... gusto ko sana. Kaso ayaw ko nang umasa."

Ilang beses rin akong tinanggihan ni Aira noon kaya naman hindi impossibleng tanggihan n'ya lang ulit ako.

Ilang beses ko nang sinabi kay Ping ang dahilan ko kung bakit ayaw ko nang subukan pero hanggang ngayon patuloy parin n'yang ipinaglalaban. Solid.

"Just give it another try. Mahal mo naman eh... walang masasayang."

"Tssss Okay fine...Pero last na 'to. Kapag nabasted ulit ako... hindi ko na alam. Magiinquire nalang siguro ako agad sa home for the aged." nag aalinlangan kong sagot.

"Ang OA mo... ako nga becky, pero may boyfriend."

"Sige na... sige na. Tapusin mo na 'yan marami pa akong gagawin."

May point naman s'ya. Pero okay lang naman sa akin kung hanggang kaibigan lang ang tingin n'ya sa akin ngayon. Pero sa tingin ko mas magiging okay kung magiging kami sa tamang panahon.

AIRA'S POV

Pinuntahan ko lahat ng lugar kung saan may alaala kaming dalawa. Sa Nina's, sa Wacky's, sa Blue Palace, at sa syempre dito sa park, kung saan nagsimula ang lahat.

Wala lang, gusto ko lang malaman kung ano na bang nararamdaman ko ngayon. Okay na ba talaga ako?

Tinatanong ko ang sarili ko kung mahal ko pa ba s'ya at kung nakamove on na nga ba talaga ako. Well, nakamove on na ako pero mahal ko parin s'ya.

Sabi nga nila, kapag nag momove on tayo, hindi naman ibig sabihin nun, kakalimutan na natin lahat. Ito yung, kahit naalala mo pa at kahit mahal mo pa s'ya...hindi ka na nasasaktan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nico habang bumababa sa bike na sinasakyan n'ya.

"Naglilibang lang... Ikaw, bakit nandito ka?"

"Naglilibang pero nakatulala? Magpapadevelop sana ako ng pictures kaso sarado 'yung photo studio ni Zach."

Napaupo s'ya sa tabi ko at kinuha ang camera n'yang dala. Pinagmamasdan n'ya ang mga pictures ng birthday party ng Tita n'ya at nagdedelete ng mga blured na larawan.

*Click*

"Kahit nakasimangot ka, maganda ka parin." aniya. Kinuha ko ang camera sa kamay n'ya at sinilip ang sarili kong larawan. Matapos ay tiningnan ko rin ang iba pang pictures na nakasave sa kulay pink na camera n'yang dala.

"Bakit ipapadevelop mo pa? Uso pa ba 'yun? Bakit hindi ko na lang i-upload?"

"Remembrance. Atsaka walang facebook ang mama ko kaya hindi n'ya rin 'to makikita kung ia-upload ko. Yung ibang copy iniiwan ko sa puntod n'ya tulad ng lagi kong ginagawa kapag may mahahalagang event sa family namin."

Nakangiti lang s'ya habang kinakausap ako at mababakas mo sa maamo n'yang mukha kung gaano s'ya kabait. Konti nalang ang lalaking ganito, gentleman, humble kahit gwapo, matalino at syempre sincere.

"Pwede bang magtanong? Bakit ako parin? Bakit hindi nalang si Erika? Bakit hindi nalang iba, marami namang babae d'yan pero bakit nagtitiis ka sa akin?" seryoso kong tanong.

Pinagmasdan n'ya ako ng taimtim bago sinagot ang aking tanong.

"Babaero kasi yung papa ko. Ang mama ko, pangatlo n'yang asawa, in short anak ako sa labas. Palaging nalulungkot ang mama ko, umiiyak. Yung papa ko naman masaya, kasama ang iba't ibang babae n'ya... Chikboy kasi 'yun eh. Hanggang sa nagkasakit na si Mama sa sobrang sama ng loob. Palaging sumasakit ang dibdib n'ya tapos isama mo pa 'yung depression. Alam kong dahil kay papa 'yun lahat... kaya nagpromise ako sa sarili ko na hinding hindi ko s'ya tutularan. Sabi ko sa sarili ko pagtanda ko, isang babae lang ang mamahalin ko at hinding hindi ko s'ya ipagpapalit kahit kailan... Nagkataon namang ikaw 'yun... kaya hanggang ngayon ikaw parin."

Natouch naman ako 'don.

"So, kaya pala kina Happy ka tumitira. Mabuti nalang mabait ang tita at tito mo."

"Oo nga eh, mabuti nalang magkaibang magkaiba si Tito at si papa."

"Yung tito mo ang kapatid ng papa mo? Bakit iba 'yung surname mo kay Happy?"

"Like I said, illegitimate child ako. Suarez ang surname ni mama. Si Papa, Masaya. Robert Masaya."

"Ahhh... ang cute naman ng surname n'yo, Masaya."

"Ikaw, gusto mo rin bang maging Masaya?" pagbibiro n'ya sabay kindat.

"Pafall." sabi ko nang binigyan n'ya ako ng mapang akit na tingin.

"Wow ha. Coming from you... Ako pa talaga yung pafall? Sagutin mo nalang 'yung tanong ko." natatawa n'yang sambit.

"Syempre, sino bang ayaw sumaya?"

"Ikaw... kasi kung gusto mong sumaya eh di sana, ako yung pinili mo diba? Diba? Diba?"

"Conceited... Push mo 'yan." I chuckled.

"Ipupush ko talaga. Whether you like it or yes."

"Anong ibig mong sabihin?"

Kinuha n'ya ang kamay ko at sumeryos ang kanyang mukha. Suminghap s'ya sandali ng hangin at saka sinabi ang gusto n'yang iparating.

"Gusto kitang ligawan... ulit." aniya. bumitaw ako sa pagkakahawak n'ya matapos n'yang bigkasin ang sagot sa aking tanong.

"Paano ang friendship natin?"

"Ikaw na nga ang nagsabi sa akin noon, hindi matatawag na magkaibigan ang dalawang tao kung may isang nagmamahal. Aira, matagal na tayong hindi magkaibigan... actually hindi naman talaga tayo naging magkaibigan kahit kailan dahil noon pa man higit sa pagiging kaibigan ang nararamdaman ko sa'yo."

Anong isasagot ko? Hala... bakit ba naman kasi hindi pa natatauhan ang isang ito?

"Kung hindi pala tayo magkaibigan, ano tayo?"

"Ewan ko... Ang alam ko lang, I don't want to be your friend. I want something more... something more special."

Tssss.

"Pag iisipan ko muna..."

"Take your time... hindi naman ako nagmamadali."

Umuwi ako ng bahay dala dala ang mga napag usapan namin kanina. Alam kong nagpromise ako sa sarili ko na hindi na ako magiging bobo sa pag ibig at hindi narin ako matatakot...

Pero pagdating sa kanya, bakit parang hindi ko ata kaya...?

Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko... natatakot ako para sa kanya.

Ewan ko ba. Bakit sa dinami rami ng babae sa mundo ay ako pa? Deserve ko bang maging first girlfiend n'ya?

--------

Vote. Comment. Recommend.

#HeyTakeAChanceOnMe

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon