Lumabas si Ping para silipin kung sino ang nagdorbell habang hinihintay naming maluto ang menudo. Isinabay narin namin ang pagpiprito ng chicken para walang malate sa aming tatlo.
"Girls.....may bisita tayo! Nandito si Sir!" masiglang sigaw ni Ping.
"Sinong Sir?"
Matyaga kong binabantayan si Jackie habang nagpiprito ng manok dahil baka ihagis na naman nya ang kawali. Last time kasi, natakot siya sa tumatalsik na mantika.
"Good morning." bati ni Nico.
Nakasuot s'ya ng uniform at may nakasakbit na laptop bag sa kaliwa n'yang balikat. Hindi ko parin talaga magawang masanay sa attire n'ya. Araw araw parin akong naninibago.
"Hey, anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong kay Nico.
"Naiwan mo sa kotse itong folder mo kaya naisip kong idaan dito kasi naisip kong baka hinahanap mo na."
"Ah, salamat."
Mabuti nalang dinala niya kasi kung hindi siya dumating, hindi ko malalamang nawawala pala.
"Baby Sir, nagbreakfast ka na ba? Tamang tama sabayan mo na kaming kumain then isabay mo narin si Aira papuntang office. Ano sa tingin mo?"
Matalim kong tiningnan si Ping saka pinanlakihan s'ya ng mata. Mukha kasi n'ya akong ibinubugaw kay Nico sa tono ng pananalita n'ya.
"Actually yayain ko nga siyang sumabay. Kung okay lang sa kanya."
Tumingin sila sa aking tatlo na tila hinihintay ang sagot ko.
"Okay lang naman..." wika ko.
Sabay sabay kaming kumain ng breakfast kasama si Nico. Todo interview naman si Ping at Jackie sa kanya, habang ako naman nakikinig lang. Ayaw kong makisabay sa ingay nilang dalawa.
Good news, hindi nasunog yung chicken ni Jackie.
Bad news, medyo hilaw pa. Pero pwede na.
"Dito kana rin magdinner mamaya, ipapakilala ko sayo yung future husband ni Jaja." paga alok ni Ping habang nilalagyan ulit ng kanin ang pinggan ni Nico.
"You're getting married? Wow, congratulations!"
"Oo, madaling madali yan eh, imagine wala pang 24 hours na magkakilala magpapakasal na."
"Well, who am I to judge. Hindi naman siguro yun impossible." sagot ni Nico habang nginunguya ang medyo hilaw na manok.
"See, mabuti pa si Nico naiintindihan ako. Samantalang kayong dalawa ni Aira masyadong judgmental. Diba, Nico okay lang yun?"
"Uhm...medyo?" sabay titig sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya. Kanina ko pa kasing napapansin na tingin siya ng tingin.
"Wala naman, ang ganda mo kasi."
Natigilan kaming tatlo sa sinabi niya na para bang may dumaang anghel sa harap namin. Agad namang nagkatinginan si Ping at Jaja.
"Ehem Ehemm." pag iinarte nila na kunwari pang nabubulunan.
"I mean, yung hairstyle mo. Matagal rin kitang hindi nakitang nagbraid. Alam mo na, elementary days."
Sa maikling oras na iyon ay napakarami naming napagkwentuhan. Kadalasan ay puro pagrereminisce at ang mga pinakahighlight ng usapan ay ang evolution ng pagiging bakla ni Paulo este Ping.
"Sige, start ko na yung car. Guys salamat sa breakfast, bye."
Hinintay lang nilang lumabas si Nico at nagsimula na silang magtanong ng kung ano ano.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...