MACKY'S POV
Kawawa naman si Nico. Medyo chismoso ako kaya naman narinig ko at nakita ang kanilang lababo scene. Narealize ko na swerte parin ako sa pag ibig kasi kahit may topak ang girlfriend kong si Maddy mahal naman n'ya ako.
"Hoy bata...." sabi ko ng makita ko si Happy sa tabing ilog.
"Bata? Sinong tinutukoy mo? Ako ba o ikaw?" sabi nya habang tinuturo ang sarili n'ya sabay baling sa akin.
"Syempre ikaw." wika ko.
Seryoso ang muka n'ya na at halatang walang panahon sa pakikipagbiruan. Cute naman s'ya pero may pagkaboyish ng konti.
"Ano bang kailangan mo? Kung wala, makakaalis kana."
Grabe naman s'ya.
"Ha? Makikitext lang sana ako. Nawalan kasi ako ng load eh." pagdadahilan ko.
"Bakit wala bang load ang mga kaibigan mo?"
"Smart kasi sila eh. Globe naman ako. Sige salamat nalang." naglungkot lungkutan ako at nagkunwaring magwawalk out.
"Sige na, bilisan mo lang ha."
Kinuha ko ang phone n'ya at binuksan ang facebook n'ya. Nagbrowse ako sa profile n'ya at nadiscover na 18 years old na pala s'ya dahil sa mga picture n'ya nung nagdebut s'ya.
Dahil gago ako, nagpost ako sa facebook n'ya at inadd ang sarili ko.
"Narealize ko na napakagwapo pala ni Macky Salvation. Hayst."
Posted. Hindi pa ako nakuntento at nagflood likes ako sa sarili ko. Hahaha
"Salamat." sambit ko.
"Bye!"
Bye? Napakaunfriendly naman n'ya. Naglakad ako papunta sa kubo at nakasalubong ko si Ken na pawis na pawis. Ano kayang ginawa n'ya?
"Anong ginawa mo ha?" tanong ko nang makita ko s'yang medyo kinakabahan.
"Ha...? ako? Ahm...n-aglaba. Oo tama, naglaba ako."
Reasons. Ang daming dahilan na pwede n'yang gamitin pero yun pa talaga ang naisip n'ya.
"Macky, tara mamasyal?" anyaya ni Nico.
Kasama n'ya si Tungsten, Jeremy at Dave pero wala si Ken at Zach.
"Bored na nga ako eh. Sige, tara."
Naglalakad lakad kami sa kabilang villa at napansin naming may pinagkakaguluhan ang mga tao.
"Sobra na talaga ang mga sirena na 'yan. Kawawa naman 'yung binata." sabi ng mamang sorbetero.
"Ilan pa ba ang dapat malunod bago gawan ng aksyon ni Tandang Ella ang mga hayop na sirenang 'yan!"
Sirena parin? Wait, sino naman si Tandang Ella.
"Dude, akala ko ba wala talagang sirena?" tanong ni Dave kay Nico.
"Akala ko rin eh." sagot n'ya
Palakad lakad kami sa bawat lugar na napapaliligiran ng ilog nang mapansin ang isang bahay malapit sa kakahuyan.
"Anong kailangan n'yo?"
"Waaaaaaaaaaaa!" sigaw naming lahat.
Nakakatakot naman ang matandang 'to bigla bigla nalang sumusulpot.
"Ah, eh... namamasyal po kasi kami kanina pa kaso wala po kaming makitang makakainan. Sige po, mauna na po kami. Makikiraan po."
"Tabi tabi po." wika ni Jeremy
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...