CHAPTER 64

352 9 1
                                    

MACKY'S POV

Tahimik lang akong nakaupo at pasimpleng tumitingin sa nakatulalang si Aira. Matagal narin simula nang huli ko s'yang nakitang sumama sa karamihan ngunit kahit kasama namin s'ya ay hindi rin s'ya masyadong nakikisalamuha sa amin.

"Sina Aira at Ping ang assign sa cake. Tapos si Zach ang bahala sa venue. Eh sino nga palang mga ninong at ninang? Atsaka ilan?"tanong ni Tungsten habang karga ang baby nila Jackie at Ken. Pinaplano nila ngayon ang gagawing binyagan at kinakausap ang barkada na s'yang mag aasikaso ng event.

"Six. Tatlong ninong, tatlong ninang. Syempre yung mga bestfriend ko, si Aira at si...Ivy. Tapos yung sister ni Ken, si Karen." Sandaling napatingin ang lahat ng banggitin ang pangalan ni Ivy. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin magkaayos ang dalawa.

"Eh yung mga ninong?" tanong ko. Maingay na nagtuturuan ang ilan at nag aassume na sila ang napili ni Ken.

"Syempre yung mga bestfriend ko rin, sina Zach at si... Nico. Atsaka yung paboritong pinsan ni Jackie, si J-jian." natigilan sa pag aasaran ang tropa nang banggitin ni Ken ang mga pangalan. Muli ay napatingin kami kay Aira at inaabangan ang kanyang reaksyon kung meron man.

"Sorry bes ha. Masyadong naging awkward yung lists namin." paliwanag ni Jackie sa kaibigang hindi maipinta ang mukha.

"O-okay lang... hindi n'yo naman kailangang mag adjust para lang sa akin. No problem." mahinang sambit nito.

"Sus. Wag kayong mag aalala... For sure hindi naman darating si Nico eh. Atsaka sa ginawa ng lokong Jian na yun, imposibleng pupunta s'ya. Wala naman s'yang mukhang ihaharap kay Aira." mariing kinurot ni Tungsten ang tenga ng madaldal na si Jeremy. Hindi s'ya dapat nagsasalita nang ganun sa harap ni Aira. Hindi talaga s'ya nag iisip kahit kelan...

Hindi ko alam kung ano ang buong kwento kaya hindi ko magawang kampihan si Nico. Sa nakikita ko ay malungkot naman talaga si Aira kaya naiisip kong totoo s'ya kay Nico at s'ya lang ang mahal nito.

***FLASH BACK***

Gulat kaming lahat nang itapon n'ya na lang bigla ang singsing sa dagat.
Sinundan namin ni Happy si Nico nang mabilis itong humarurot patungo sa bahay nila.

"Kuya, ano bang nangyari!?" nag aalalang tanong ni Happy ngunit hindi s'ya sinasagot ng kuya n'ya. Nakatikom ang mga galit na kamao nito at pilit na pinipigil ang luhang kanina pang lumalabas.

"Saan ka pupunta, Nico? Anak, sabihin mo kung anong problema. Makikinig kaming lahat sa'yo. N-nico..." ibinabalik lahat ng Tita n'ya sa cabinet ang mga gamit na inilalagay n'ya sa maleta.

"Kahit saan po, tita. Saka nalang po natin pag usapan ha... Saka nalang po." malungkot na saad nito at mabilis na dinala ang kanyang maleta sa kanyang kotse.

Walang pakundangang ihinarurot n'ya ito at agad ko naman s'yang sinundan. Ngunit sa kabila ng pagsunod ko sa kanya ay hindi man lang n'ya ako napansin. Hanggang sa makarating ako ng Quezon City at dito ko s'ya nakitang pumarada.

"D-dude." Nagulat s'ya nang makita ako at napatungo sa manibela ng kanyang sasakyan. "Bakit mo naman ako sinundan?" tanong n'ya habang hindi parin tumitingala.

"Baka kasi kung anong gawin mo eh. Dude, may pamilya ka pa. Kung ano man ang iniisip mo wag mo nang ituloy. Kawawa sina Happy." Hinarap n'ya ako at bahagyang humalakhak.

"Hindi ko gagawin yun, loko. Gusto ko lang naman lumayo. Sa lahat." lumabas s'ya mula sa kanyang sasakyan at naglakad papunta sa 7'11. "Nga pala... pwede bang wala munang makakaalam? Wag kang mag alala babalik ako. Aayusin ko lang yung sarili ko. Salamat." tuluyan na s'yang lumayo at hindi ko na s'ya sinundan pa.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon